Ika-dalawampu't pitong Liham

62 30 5
                                    

Manila City
NCR Philippines
Ika-25 ng Enero 2020

Mahal kong Antonio,

     Goodmorning! Don't skip your meals okay? Always take care of yourself. May pagtitipon daw ngayon sa auditorium sabi sa akin ni Chloe. Magkakaroon daw ng Week-Long Celebration para sa mga students? Awi sana all makakapunta. Charot! HAHA

     Tuloy ko na pala kwento ko. Diba sinundan ng lalaki yung babae? Naabutan niya yung cute na babae sa isang bench na may nagtitinda ng mga fishball. Badtrip na badtrip daw yung mukha. Nilapitan niya yun tapos tinanong kung bakit niya daw tinapakan yung sapatos niya. Palaban si Ate Girl kaya tinanong niya din kung bakit daw niya tinapunan ng palamig yung damit niya hanggang sa nagtalo na sila. Mga demonyo diba? Sa harap ng simbahan nag-aaway HAHA.

     Days passed at natapos na din yung Christmas Break. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo nanaman yung landas ng babae at lalaki sa campus nila. School mates pala sila. Hindi na sana nila papansinin yung isa't-isa nang biglang binangga ng lalaki yung balikat ng babae. Halatang sinadya. Nang-aasar kasi. At gaya nga ng inaasahan niya, magagalit yung babae. Naging interesado kasi yung lalaki sa babae kaya ganun. Araw-araw niyang inaasar kaya para na silang mga aso't pusa. Ang cliche ng story no? Syempre obvious naman nang nagkagusto sila sa isa't-isa dahil doon HAHAHA.

Bukas nalang ulit, may gagawin pa ako eh. Have a great day!

Nagmamahal,
Dawn Avyrielle

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Where stories live. Discover now