"Prescilla, sumabay ka nang mag-almusal," saad ni lolo saka sumenyas sa mga katulong upang dagdagan ng pinggan sa mesa.

"Don't worry about me, Papa," mahinahong sagot ni tita Prescilla, "I just had my coffee at the airport."

"Well then," saad ni lolo saka tumingin sa akin, "I would like you to meet Yumi, Xavier's girlfriend."

"Hello po," agad kong bati pero tango lang ang isinagot niya sa akin saka muling nakipag-usap kay lolo.

"Sabi mo, may mahalang pag-uusapan tayo. Why don't we talk about it here while you are having breakfast," saad ni tita Prescilla.

"That's a great idea. Umupo ka muna, hija," saad ni lolo.

Inilibot ni lolo ang paningin niya sa amin bago muling nagsalita, "nandito na rin lang naman kayong lahat, mas mabuti na rin na ngayon na nating pag-usapan ang magiging kasal nina Yumi at Xavier."

"What?!" sabay-sabay sina tita Prescillo at tito Hector.

"Teka lang, papa. Ano 'tong pinagsasabi mo?" tanong ni tito Hector na halos kasabay din sa sinasabi ni tita Prescilla, "Papa, ano ang ibig mong sabihin?"

Kalmadong ngumiti si lolo saka nagpaliwanag, "alam nating lahat na si Xavier lang ang tunay kong apo, at dahil diyan, ipapaubaya ko lang ang kompanya sa magiging anak niya."

"Teka-teka!" bahagyang tumaas ang boses ni tito Hector saka nagpatuloy, "anong ibig niyong sabihin na magiging anak ni Xavier?"

"Nakipagkasunduan ako kay Yumi. She will bear Xavier's son," malimit na saad ni lolo.

"Are you out of your mind? How can she bear Xavier's son?" napatayo si tito Hector.

"Umupo ka, Hector, para malinaw kong maipaliwanag sa inyo ang lahat," kalmadong saad ni lolo.

Halatang inis na bumalik sa pag-upo si tito Hector habang nararamdaman ko namang hindi nagustohan ni tita Prescilla ang narinig niya.

"As I was saying. Nakipagkasunduan ako kay Yumi kung saan ay pumayag siya na ipagbubuntis niya ang magiging anak nila ni Xavier. We are going to do it through artificial insemination, using Xavier's preserved sperm cell," paliwanag ni lolo.

"Pero bakit naisama ang pagpapakasal nil ani Xavier?" agad na tanong ni Prescilla.

"Dahil 'yun ang kundisyong hiningi ni Yumi," saad ni lolo saka nagpatuloy, "and I understand her. Ayaw niyang maging illegitimate child ang magiging anak nil ani Xavier."

"That's stupid!" mahina pero may diing saad ni tito Hector.

"Hindi ba pwedeng pag-isipan muna natin ang tungkol ditto?" tanong ni tita Prescilla.

"Pumayag na si Yumi at sumang-ayun na rin ako sa kundisyon niya," saad ni lolo.

"But I still think that we should not rush things," saad ni tita Prescilla.

"Buo na ang desisyon ni Papa, I think we should support him," sabat ni tita Aubrey.

"Hinihingi ko ba ang opinion mo?" mataray na saad ni tita Prescilla kay tita Aubrey.

"Pwede ba? This is not about the two of you," sabat ni tito Hector.

"Exactly! This is about our son. Kung may tao mang hindi dapat kasali sa pinag-uusapan dito, si Aubrey 'yun," mataray na saad ni tita Prescilla.

"Enough!" dumadagundong ang boses ni lolo saka siya nagpatuloy, "I hate to admit it, pero tama si Aubrey. Hindi ko hinihingi ang opinion niyo tungkol dito. Buo na ang desisyon ko."

"Kung ganun, Papa. Wala na akong magagawa, pero hindi natin pwedeng madaliin ang tungkol sa kasal," saad ni tita Prescilla, "there are a lot of preparations needed for that."

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now