"Sino ba yan? Bakit ba nakapasok ang pulubing yan dito?!"

"Kasi Sir," napakamot pa ito ng ulo at tumingin sa akin.

Napataas naman ang kilay ko na ikinaiwas niya ng tingin.

"Si Major Guevara daw po ang sadya niya."

"Aba Tsong? Kelan ka pa naka shota ng taong grasa?" Paninimula ni Batchi na ikinatawa ng lahat ng tao sa loob.

Agad kong nirolyo ang hawak kong folder at pinukpok sa ulo ni Batchi na ikinatikom naman ng lahat.

"Kilala mo ba ang babaeng yan Guevara?"

"Hindi Sir." Agad kong sagot at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang babaeng madungis na nasa harapan ko na pala.

"Kung ganon bakit kilala ka, at bakit hinahanap ka?"

"Diko alam. Diko siya kilala--"

"A-Althea,"

Napatigil ako sa pag sasalita ng binanggit nito ang pangalan ko.

"A-lthea a--ako to. A-ko to."

"Tsong, may shota ka pa lang sinto-sinto--"

Sinamaan ko ito ng tingin kaya nag tago ito sa likod ng kasamahan namin.

Muli akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko at kunot noong tumitig dito.

"Kilala mo ako?" Tanong ko dito habang tinuturo ang sarili ko.

"O--oo." Agad ako nitong hinawakan sa pisngi at lumapit pa ng husto sa akin na ikina atras ko naman.

"Kilalang kilala.... Ako to,"tinuro niya pa ang sarili niya na may halong panginginig at pag luha. "Ako to si Val--Valerie." Puno ng pag susumamo sa mga mata nito.

Mula sa pag ka kunot ng noo ay parang pumantig ang tenga ko sa pangalang narinig ko mula rito.

"Valerie?" Pag uulit kong tanong dito.

"Valerie?" Dinig kong sabi rin ni Batchi na alam kong ikinagulat din niya.

Agad kong kinuha ang panyo ko mula sa bulsa at binasa ito gamit ang mineral water na nasa lamesa ko.

Dahan dahan kong nilinis ang pisngi nito na napupuno ng putik at grasa hanggang sa lumitaw ang malinis na anyo na nakatago sa mala grasa niyang mukha.

Napa atras naman ako ng lumitaw nga ang wangis ni Rachel, unang pumasok sa isip ko ang nangyaring pag papalit ng totoong Rachel sa mga mukha nila para malinlang lang kakambal ko, at sigurado akong matutuwa si Athena sa sa oras malaman niyang nasa harapan ko na ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
__________________________________

Hindi ko na tinapos pa ang meeting namin kanina dahil inuwi ko agad si Valerie sa bahay para iuwi siya sa kapatid ko. Sa ka habaan ng byahe ay tahimik lang ito at nakatingin lamang sa labas ng bintana.

Kahit nag mamaneho ako ay pasimple akong tumitingin sakanya at minsan bumabaling sa mga kamay niya na parang nanginginig.

"Valerie?" Tawag pansin ko dito.

Lumingon naman ito na naka kunot ang noo ngunit agad naman napalitan ng ngiti.

"Anong nangyari sayo? San ka nag punta? Alam mo bang matagal ka namin hinanap, lalong lalo na si Athena." Sunod-sunod kong tanong rito.

"Madaming nangyari sa akin Althea, ikwe-kwento ko mamaya kapag nasa harap ko na si Athena, gusto ko muna maka usap at makita si Athena,"

Di na lang ako sumagot pa at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag mamaneho,

Kahit nasa daan ang tingin ko ay alam kong nakatitig siya sa akin, pero isinawalang bahala ko na lang ito.

Di nag tagal ay nakarating na din kame sa bahay, at sinalubong agad ako ni Mama Ofelia ng maka labas ako ng sasakyan. Nakangiti itong yumakap sa akin ng lumapit na ako dito para halikan siya sa pisngi.

"Ang aga mo ngayon ah? Si Jade kasama mo ba?" Tumingin pa ito sa loob ng kotse ko.

Di pa kasi lumalabas si Valerie mula sa loob.

"No, wala si Jade Ma,

"Ganon ba? Kumain kana ba anak--"

"Pero may iba akong kasama."

"Sino? Papasukin mo na para maka pag hapunan na kayo ng bisita mo, pauwi na din ang Mommy Sandra mo at si Arabella."

"Ma, may dapat kang malaman."

"Malaman? Ano anak?"

Napabuntong hininga akong lumingon sa sasakyan ko at di nag tagal ay bumaba na din si Valerie mula sa loob.

"Jusko.... Si Valerie ba yan?!!"

Halos lakihan na ni Mama ang pag hakbang papalapit kay Valerie sabay sinipat sipat nito ang mukha niya.

Bakas ang di maka paniwalang reaksyon ni Mama.

"Anong ginawa nila sayo? Bakit ngayon ka lang? Bakit ang dungis-dungis mo?" Nanginginig na tanong ni Mama na may halong pag aalala.

"Si Athena?"

Bagkos sagutin niya ang mga tanong ni Mama ay si Athena parin ang lagi niyang hinahanap.

Taimtim lamang akong nakikinig at nakamasid sakanilang dalawa,

"Wala dito anak.... May nilakad sila ni Sophia." Sagot ni Mama rito.

Napakunot bigla ang noo ko ng mapansin ko ang pag iba ng reaksyon ng mukha niya. Napatingin ito agad sa akin ng mapansin niya ang pag titig ko sakanya, kaya parang sa isang iglap ay muling bumalik ang ngiti nito sa labi at tumingin kay Mama.

Lumapit na ako sa kanila para mas lalo kong marinig ang pinag uusapan nila.

"San sila nag punta?" Tanong nito pero pansin ko ang kaseryosohan ng tinig nito.

"Pumunta sila ng correctional, dinalaw nila ang Ina ni Sophia."

"Si Eliz?"

Napahinto ako sa pag lapit ng marinig ko ang sinabi nito.

"Kilala mo ang Ina ni Sophia?" Nag tatakang tanong ni Mama.

Mukhang nagulat naman ito sa sinabi niya kaya napatingin dn ito sa akin. Habang ako'y nag aabang sa isasagot niya.

How come na kilala niya si Eliz??

Di na niya ito nasagot ng makarinig kame ng busina mula sa labas ng gate.

Bigla tumakbo si Valerie malapit sa gate at hinintay buksan ng mga gwardya, kahit maliit palang ang naka dungaw ay kilalang kilala ko ang sasakyan iyon.

Di nag tagal ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa ang kapatid kong si Athena.

Bakas ang gulat at pananabik sa kanyang mga mata, walang ano-anong tumakbo ito papalapit kay Valerie at binigyan niya ng isang mahigpit na yakap ang babaeng nasa harapan niya.

Tumingin pa sa akin si Athena at ngumiti, ginantihan ko naman ito pero agad naman naglaho sa aking mukha.

Diko alam bakit..... Kung kanina ay kulang na lang kaladkarin ko si Valerie papalabas ng station at iuwi para mag kita na sila dalawa ng kapatid ko....

Pero ngayon.....bakit pakiramdam ko may mali akong napapansin sa babaeng kayakap ni Athena.

Wag naman sana......
___________________________________
To be continued..........

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now