CHAPTER 22

41 3 0
                                    

ZIO

“My little girl!”

Agad na sumalubong sa kaniya si Cathalia na galing Mall kasama ang kaniyang kapatid.

Dahil hindi pa siya pinapayagan na umuwi ng kaniyang ama ay nanatili lang muna siya sa Alemanya. Wala siyang ibang kumunikasyon sa iba kundi tanging pamilya niya lang.

Ang ama niya mismo na si Emmerson ang nag blocked ng ibang number na naka save sa kaniyang cellphone. Even her friends and boyfriend number have been blocked by his father.

“Mama! Tignan mo po ang dami kong laruan.” tinuro nito ang kahon na puro laruan ang laman.

“Buti naman at hindi  nanguripot ang Tito Zale mo.” biro niya at bahagyang pinisil ang pisngi ni Cathalia.

Lumapit sa kaniya si Cathalia at bumulong “Naka ilang aya na nga po siya sakin umuwi pero hindi ko po siya pinapansin.” Humagikgik si Cathalia at si Zio naman ay napailing nalang.

“Iyang tito mo mayaman iyan. Kaya ubusin mo pera niyan wala namang pinag gagastahan iyan eh.” bulong niya din kay Cathalia.

“Hey! Anong pinagbubulungan niyo diyan?” tanong ng kapatid niya at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanila.

“Wala!” sabay na sambit nila ni Cathalia

“Wala, pero nagbubulungan kayo diyan.” magkasalubong ang kilay ni Zale ng tumingin sa kanila.

“Nagbubulungan nga kami pero hindi naman ikaw pinaguusapan namin.”

“Pero sakin kayo nakatingin” segunda ni Zale.

“Ano naman—”

“Nagaaway na naman ba kayo?” Napatingin silang tatlo sa taas kung saan pababa ng hagdan ang Mama niya.

“Para kayong mga bata dinaig niyo pa si Cathalia.” nang makababa ang Ina ay agad itong lumpit kay Zale at kinobrahan ganon din kay Zio.

“Mama naman eh.” reklamo ni Zale.

“May reklamo ka?” ang Ina niya na nasa gitna nilang dalawa.

“Masakit Ma—”

“May reklamo ka din?” umiling si Zio.

“Liebling?” Darling? ang ama niya niya na galing sa kusina.

“Was?” What?

“Pinagagalitan mo na naman ba ang anak natin?” yumakap ang ama niya sa likod kaniyang ina.

“Bakit may reklamo ka din?” magkasalubong ang kilay na tumingin si Priscilla, ang kaniyang ina, kay Emmerson, ang ama niya.

Pinatong ni Emmerson ang kaniyang baba kay Priscilla. Naglalambing. “Wala. Pagalitan mo lang sila.”

Agad namang sumaama ang muka ng mag kapatid at tumingin sa kanilang ama “Papa naman eh!”sabay na reklamo ng dalawa.

“Kayong dalawa kakausapin ko kayo, ngayon din” pumunta si Emmerson sa opisina nito at agad din namang sumunod ang si Zio at Zale.

Nang makapasok sila ay agad na nagsalita ang kanilang Ama “ We already solve our problem. The suspects our now in the hands of the police, of course with the help of our people. Napagkasunduan namin ng Mama niyo na i-daan nalang ito sa legal na proseso kesa mapahamak pa kayong dalawa—”

“But Papa l know how to fight—” segunda ni Zale.

“Your sister don’t know how. It’s good that Zio is a fast learner but still she’s new in this world, right?” sabay tingin nito kay Zio na tumango lang bilang sagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Exquisite Love 1: His ParloristaWhere stories live. Discover now