Chapter 2 : Spellbound

6 0 0
                                    


**


Ilang porsyento lang ang omega sa populasyon ng mundo kaya dama ang diskriminasyon sa mga tulad namin. Dumaan na sa isip ko ang magpanggap na isang beta pero para ko na ding sinabi na talunan ako.

Ang mga alpha na gaya ni Caleum ay nasa taas ng hierachy sila ang tinitingala dahil sa pagiging alpha nila, pero gaya din ng isang omega ay di din ganun ka taas ang bilang nila as lipunan kaya sobrang atensyon ang nakukuha nila, Ang beta naman ay ang mas maraming populasyon, Sila yung mga taong may normal na pamumuhay. Kung sana nga naging isang beta na lang ako. Napailing na lang ako. Isang bagay ang natutunan ko sa nangyari sa mga magulang ko sa oras ng hayaan ko ang kasarian ko ang mag kontrol sa buhay ko doon na magtatapos ang lahat.

Sinalubong ako ng isang ma-ulang umaga pagpasok ko sa unang subject ngayong araw ng bigla ulit sumagi isipan ko ang naramdaman ko sa mga oras nagtama ang mga mata namin.Pilit ko mang ibaon sa limot hindi ko magawa.

Hindi ako makakonsentrate sa klase isama mo pa tong professor namin na walang gana magturo.Papikit na sana ako habang naglelecture ang professor namin nang may kumalabit sa braso ko.

Si Zion lang pala isang beta na ka-classmate ko ,makulit siya pero mukha naman siyang mabuting tao. Sa haba ng mga pinagkwewento niya di ko na maintindihan ang iba hanggang sa huli niyang sinabi ang salitang outing.

"Alam mo bang may pinplanong outing ang department natin Para daw e-welcome ang mga freshmen." sabi niya na parang nauubusan ng hininga.

Muntik ko na siyang masampal sa mukha buti na lang nakapagtimpi ako.

"Sino naman kaya may pakana neto." may halong inis kong sinabi. Pero bago pa siya humirit ay agad akong nagsalita uklit.

"Zion , may mga gagawin pa ako at saka alam mo naman yung nangyari last year diba? "

"Last year yun hindi ngayon." pangagatwiran niya.

Diyan siya magaling sa mga kalokohan. Pero di ko matatangi na isa sya sa dahilan bakit mas nagiging madali ang pagpasok ko sa eskwela saddf cxx x Natapos ang klase at hindi ako tinigilan ni Zion sa pagpapaalala na sumama na outing na yun. Pasakay na sana ako ng bus ng makatanggap ako ng Isang text.

Alam kong mapapayag din kita!

Akala ko kung sino na si Zion lang pala. Pagkauwi ay hindi ako mapalagay tila ba may bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko na malayang naghihintay ako sa text ni Dok Leo patungkol kay Caleum. Hanggang sa nakatulog na 'ko.

Kinabukasan ay hindi na ako mapakali dahil hindi ko nakita si Caleum sa loob ng kampus nagpunta na ako ng silid-aklatan at sa mga lugar na maaring nandun si Caleum pero wala. Lumipas ang Isang linggo na di ko siya nakita sa school. Nagtitimpi lang akong itext si Doc pero heto nasend ko na. Ilang minuto lang ay tumunog na ang telepono ko.

Ah yun ba hindi ko din alam pero papasok din yun. Maikling sagot ni doc sakin.

Baka nga masyado lang ako nag-iisip. Mabilis umandar ang oras kasabay noon ang walang humpay na pagtanong sakin Zion tungkol sa outing.

Sa inis ko bigla ko na lang nasabi

" Sige na papayag na ako. Pero uuwi ako kaagad,." Bahala na nga para lang matapos at tumahimik na siya. Hindi umabot sa tenga ang ngiti ni Zion pero wala siyang magagawa dahil una siya naman ang nagpumilit.

"Sa wakas!"

Kunwari pa si loko na malungkot. 

"Teka nga bakit nga kasi gustong gusto mo akong pumunta ah?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Small constellation ( Omegaverse)Where stories live. Discover now