Dating Tayo Na Merong Ikaw at Ako

4 3 0
                                    

Magkano ba ang pamasahe pabalik sa dating tayo?
Dating tayo na masaya at nagmamahalan pa,
Dating tayo na maligaya sa piling ng isa't isa,
Dating tayo na tila hindi na mapaghihiwalay pa,

Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon,
Ang dating masaya ay napuno ng kalungkutan,
Ang dating nagmamahalan ay puro na sakitan,
Ang dating tila hindi maghihiwalay ay biglang nagkasawaan,

Sino ba ang mali? Ako o ikaw?
O pareho tayong gusto nang bumitaw?

Hindi malaman kung paano maibabalik ang dating sigla,
Dating sigla ng relasyon na masaya,
Ngunit ngayo'y malabo na

Magkano ba ang pamasahe pabalik sa dating tayo?
Handa akong magbayad kahit magkano,
Makuha lamang ang dating pagmamahal mo,
At matupad ang pangako na pinanghahawakan ko

PoetriesOnde histórias criam vida. Descubra agora