Chapter 10 - Coffee break

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo, gano'n na nga. Ang sakit! Ang sakit-sakit mawalan ng anak," mangiyak ngiyak nitong sabi.

Pinipigilan na lang nang dalawang babae ang pag-ikot ng kanilang nga mata sa harapan nito.

"Uh, nasaan po ba ang rest room dito? Nakakasuka! I--I mean kailangan kong gumamit," sambit ni Michigan kaya't nabaling sa kanya ang atensyon ng matanda.

"Ako rin! I need to pee," pagsang-ayon ni Rhanna at nag-usap sila gamit ang mata.

"Cr? Nandoon!" tila sumigla ang boses ni Mr. Fisco. "Samahan ko na kayo mga iha, baka maligaw kayo." Sabay tayo nito.

Tumayo na din ang dalawa at ngumiti nang pilit. "Salamat po, ang bait niyo naman."

Naglalakad na sila papunta sa rest room nang makasalubong nila si Aling Marcoba na may hawak na tray na may dalawang mangkok ng sopas at kape, na may kasama pang tinapay at juice. "Saan kayo pupunta?" tanong nito.

"Cr lang po," sagot ni Michigan at ningitian ang matandang babae. Nakaramdam siya ng pagka-awa para rito. Namatayan na nga ng anak tapos ganitong klase pa ng asawa ang kasama. Napapa-iling nalang siya sa kanyang isipan. Napakasaklap naman ng buhay ng Ginang.

"Sige, hintayin ko nalang kayo doon," sagot nito at nagtungo na kung saan sila naroroon kanina.

Nagpatuloy naman sa paglalakad ang tatlo hanggang sa makarating sila sa isang pinto. Backdoor. Kulay puti ito.

"Nasa likod ang cr dito," biglang sambit ng matanda at ningitian sila. Nauna ng naglakad si Rhanna. Nang mabuksan ang pinto, sumunod si Michigan at sa likod niya si Mr. Fisco pero may kakaibang nararamdamam ang dalaga sa kanyang likod kaya't tumingin siya rito, ang ikinabigla na lang niya nang masarang bigla ang pinto at nakita niyang nakadiin dito ang katawan ng matanda, kinukwelyuhan ni Waxx na nang-galing kung saan.

Ang bilis ng pangyayari. Hindi kaagad napansin ni Michigan na nando'n sina Waxx.

"T-Teka, sino kayo?" nagtatakang tanong ni Mr. Fisco at ngumingiwi na tila nasasaktan sa pagdidiin sa kanya ng binata. Halos mahalikan na nito ang pinto kung hindi lang nakatagilid ang kanyang mukha.

"Kami?" biglang singit ni Vinch na nasa gilid at prentang-prenta na naka-upo sa isang plastic na upuan. Naka-dewatro pa ang mga paa nito. "Kami ang puputol sa kaligayahan mo tanda."

"Dalian na natin 'to, gutom na ko. Atsaka nakakabusit ang pagmumukha ng matandang 'to," giit ni Rhanna habang nakalabas na ang handgun nito at nakatutok sa ulo ng nito. "Aminin mo na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Margo para matapos na at makapagkape na kami!"

"Aminin mo rin na ginagahasa mo si Margo, matandang hukluban!" giit naman ni Michigan habang nakataas ang kilay.

Bigla namang tumawa si Mr. Fisco, "Bakit ko aaminin? Wala akong kasalanan! Si Joe ang may gawa no'n! Paalisin niyo na ako. Wala kayong mapapala sa akin mga bata!"

Lalo itong idiniin ni Waxx sa pinto. "Magsasalita ka ba o gusto mong kami ang magsabi sayo lahat ng katarantaduhang ginawa mo sa anak mo?!"

"Hindi ko alam kung ano'ng gusto niyong patunayan pero wala akong sasabihin," sabay tulak nito kay Waxx kaya't natanggal ang hawak niya rito.

Inaayos din nito ang damit niya. Ningisian nito ang apat at bubuksan na sana ang pinto nang magsalita si Vinch.

"Kausap niya si Joe no'ng gabi nang bigla kang kumatok, hindi ko alam kung ano'ng drama mo pero muntik mo ng siraan 'yong pintuan, adik much Manong Libs?"

"Nagsuot ka pa ng gloves, astig nga, e. Parang ikaw lang yung nagluluto sa burger machine, nakadrugs ka ba Manong?" ani Rhanna. "May hawak ka pa ngang pills e!"

Biglang humigpit ang hawak nito sa doorknob pero hindi nito nililingon ang apat. Kinakabahan ito na nagtataka, paano nila nalaman ang mga 'yon?

"Pilit mong pinapainom kay Margo 'yong pills pero hindi na niya kinaya 'yong pambababoy mo sa kanya. Ibinato niya 'yon sa bintana, at lumayo sayo!" giit ni Michigan.

"Nagmakaawa 'yong anak mo! Pero ano'ng ginawa mo?! Gago ka! May galang ako sa mga matatanda pero sayo? At 'yong ginawa mo sa anak mo? Ni katiting na respeto wala na akong maibibigay sayo! Dahil sa iyo, dahil sa kademonyohan mo. Nagpakamatay si Margo!" galit na pahayag ni Waxx sa matanda.

"Inaswang mo 'yong anak mo. Peste ka po Manang Libs!" pahabol ni Vinch at dinuro pa ang matanda.

Samantala, tila nanigas naman sa kanyang kinatatayuan si Mr. Fisco na parang yelo. Pinagpapawisan siya nang malamig. Kinakabahan dahil may nakaka-alam na ng sekreto niya.

"P-paano niyo nalaman?" mahinang bulong niya habang nakatalikod pa rin. Magsasalita na sana si Vinch nang bigla nalang bumukas ang pinto na siyang ikinabigla nila.

Dahil sa impact, natulak si Mr. Fisco sa tabi ni Waxx. Natumba at napa-upo sa lupa dahil sa lakas ng pwersang nang-galing sa pinto.

"H-hayop ka!" napatingin sila kay Aling Marcoba na nakatayo sa harapan ng pinto. Nanginginig ang boses nito habang ragasa ang luha sa mata. Nakatingin sa kanyang asawa na may halo-halong ekspresyon. Sakit, galit, pandidiri, at pagkamunghi.

"M-Marcoba magpapaliwanag ako. H-hindi totoo ang--"

"Bisto na Sir, wag ng umapela!" nakangising sambit ni Waxx at mabilis na pinosesan ang matanda.

Nagsilabas naman ang ilang pulis sa gilid. Inihagis ni Vinch ang hawak niyang recording x device. "Ebidensiya mga Sir! Ikulong si Manong Libs!"

Nasalo naman 'yun ni SPO3 Corpuz, "Salamat," anito. "Sino ka na nga?"

Ngumiti si Vinch, "Agent X09 at your service," sabay saludo sa pulis.

"Chua-chuwawa! Halika na!" napatingin siya kina Rhanna na nasa gilid na. Aalis na sana siya nang magsalitang muli ang pulis.

"Chua ka?" nagtataka man ay tumango si Vinch bilang sagot.

"Kaya pala kahawig mo siya," sambit ni pulis.

Kumunot ang noo ni Vinch.

"Sino ho?"

"Si Jhay..." hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil hinila na siya ni Rhanna.

"Wag ka na magkipagtalk show! Umalis na tayo, magkakape pa tayo!"

End of chapter 10.

TRIVIA

Nakuha ko ang pangalan na....

Michigan - Sa photocopy na binigay sa amin nung Prof ko sa effective writing. Nacute-an kasi ako, kaya ayan. Sabi ko sa sarili ko kapag magkaka-story ako ulit, gagamitin ko yang name na yan.

Rhanna - Si Baezkeng po yan. Haha. Mahal ko 'yan dahil sa mga super hyper na comments niya sa mga story ko. Oh, yes! Rhanna miluvs it's your time to shine. Dejk.

Vinch - Facebook friend. Ang cute kasi diba? Tapos sakto, Chua pa ang apelido niya. Edi ginawa ko nalang pinsan ni Jhay miluvs.

Waxx - Dapat Vinch ang name niya kaso hindi ko feel kasi gusto kong seryoso yung aura kaya ayun. Nakuha ko yung name ni Waxx sa floorwax. <33

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon