This is just a work of fiction.
____
Simula
Louie's POV
"Maghiwalay na tayo.." she said
Kalokohan nanaman ang nasa isip ng girlfriend kong ito.
"Stop it, you're pranking me again, but it's just the same prank last time" I said habang natatawa pero nakayuko lang siya, ang galing talaga, she's my best actress.
"Louie, this is not joke or a prank, seryoso ako, ayaw kona, maghiwalay na tayo" sabi niya
"Wag ako ha, tigilan mona, anong gusto mong pagkain? Punta tayong plaza" sabi ko at tumayo, akmang hihilain ko siya pero umiwas siya.
"Hindi mo ba ako maintindihan? Nakikipaghiwalay na ako sayo Louie! Tigilan na natin 'to!"
"Love tigilan mona, hindi na ako natutuwa sa mga biro mo"
"Hindi ako titigil because I'm not joking here! Alam mo kung anong tigilan mo ngayon? Yang kakaisip na prank lang 'to!" Sigaw niya sakin.
Seryoso ba siya?
"L-love wag naman.." naiiyak na ako, pero mas pinili kong kumalma kahit nasasaktan na ako, parang totoo na kasi, pero umaasa akong biro lang ulit ito.
Pero hindi, nanatili siyang nakatingin sa akin, parang naghihintay pa ng iba kong sasabihin..
"Anong d-dahilan? Dahil ba sa pamilya mo? Alam mo namang hindi kita susukuan kung yan ang dahilan diba?" Sabi ko, yes sa loob ng mahigit tatlong taon naming relasyon, hindi kami legal sa pamilya niya.
"No, ginusto ko'to, hindi yan ang dahilan, may mahal na akong iba Louie, matagal na, hindi kita mahal at kailanma'y hindi kita minahal" Sabi niya
"Sino? Sino ang lalaking pinalit mo sakin?"
"W-wala kana ron" she's lying, I know her.
"Wala kang bago, kilala na kita masyado, so ang dahilan ang pamilya mo? Hindi Roneia, walang maghihiwalay"
"May bago na sabi ako!"
"Stop this, walang maghihiwalay"
"No!"
"Sige sinong bago mo!?" Sigaw ko
"Si Josh! Matagal na kaming may relasyon! Diba lagi mo kaming pinagseselosan? Matagal na kami, may mga panahon na nagseselos ka sa'min na kami na!"
Sinasaktan ako ng mga salita niya.
Josh is her boybestfriend, bago naging kami, magkaibigan na sila. Hindi niya rin ugaling mandamay ng ibang tao pag may alitan kami, so this is true?
No, lumuhod ako sakanya, alam kong ayaw nya sa lahat ay ang lumuhod ako
"Roneia... makipagbreak ka sakanya, akin kalang, mahal moko diba? Diba? Please" sabi ko habang nakaluhod
"Kahit lumuhod kapa diyan, hindi na magbabago ang desisyon ko, we're done, at kung hindi mopa alam, niloko lang kita, dalawang panloloko ang ginawa ko sayo, bukod sa kami ni Josh habang tayo, hindi rin kita minahal dahil noon pa man, ginagamit lang kita, ginamit lang kita kasi mayaman ka, kaya magalit ka, si Josh ang mahal ko, and I'm choosing him not you"
Hindi na ako makapagsalita sa sakit.
"I'm not going to break up with him, because I'm breaking up with you, Louie Jhon Castillo" sabi niya, at tuluyan na niyang nilisan ang lugar kung nasaan ako.
Iniwan niya ako.
So this time, this is not a prank anymore.
She used me.
She choses him over me.
I love her but she loves him.
YOU ARE READING
I'm not her, but I'am
RomanceSabi nila, ako siya. Pero hindi, I'm not her, my name is Nina, hindi ang pangalan ng babaeng sinasabi nila, but I was wrong, my name is not Nina.
