Hindi rason ang suicide upang takasan ang iyong mga problema.
-Venus
x-x-x- Someone's Pov -x-x-x
"Ganiyan lang ba ka babaw ang rason mo upang hiwalayan ako?" naiiyak kung tanong kay Angelo ang boyfriend ko dahil gusto niya ng sukuan ang 3 years relationship namin.
"I'm so sorry Cassandra, siguro di pa ito ang tamang oras. Kailangan muna nating mag focus sa pag-aaral. 3 years is enough naman siguro kung tayo talaga sa huli tayo talaga" paliwanag niya at may namumuo ng mga luha sa mga mata niya.
Grabi siya makapagsabi ng 3 years is enough? Ganun na ba siya ka babaw para magdesisyon ng ganun-ganun lang. Mahal ko siya at legal na kami both sides. Di ko kaya na makipaghiwalay sa kaniya mahal na mahal ko siya. Ngunit siya na ang sumuko may magagawa pa ba ako?
Pinunasan ko ang mga luha ko. Kailangan kung ipakita sa kaniya na kaya kung tanggapin ang desisyon niya.
"Mas mabuti nga. Parang wala ka naman kasing pake sa relasyon natin eh" sumbat ko sa kaniya.
"Pero---" magpapaliwanag na siya sana kaso pinigilan ko siya. Di ko na gusto marinig ang paliwanag niya. Sinaktan niya ako. Sinaktan niya ang damdamin ko. Di ko siya mapapatawad pagsisihan niya ang ginawa niyang ito.
"No more explanation na. Tapos na tayo, tinapos mo na dba? Pwes! Wala na akong pake sayo" sabi ko at agad na siyang tinalikuran. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit di ko na siya nilingon. Galit na galit ako sa kaniya.
******
x-x-x- 3rd Person's Pov -x-x-x
A/N: 3rd Person ibig sabihin po Author's Pov :>
Isang nakakapalaninding balahibo ang narinig na balita ng lahat sa School nila.
"Talaga wala na si Cassandra?"
"Bakit niya naman nagawa yun? Ang mag suicide?"
"Nag break kasi sila ng boyfriend niya"
Maririnig na chismisan sa school nila dahil kainaumagahan nakita na lamang si Cassandra sa labas ng kanilang dorm binabaha ng sariling mga dugo at basag ang ulo halos lumabas na ang kaniyang utak at naka uniporme pa siya ang tanging alam ng lahat ay nagpakamatay siya.
At ang rason ay ang break up nila ng boyfriend niyang si Angelo.
YOU ARE READING
THE VILLAIN
Mystery / ThrillerLahat ng bagay may rason. Lahat ng problema may solusyon. Depende na lamang sayo kung pano mo ito tuklasin, hanapin at harapin. Paalala: Huwag pairalin ang inggit, selos at galit kung hindi mo gustong pagsisihan ito sa huli.
