Chapter 34

131 7 0
                                    

Buong araw akong nakahiga habang paulit ulit tinatanong sa sarili ko kung anong naging mali, bakit biglang nagka-ganon kami ni Zyair kasi kahit anong paghahanap ng sagot, hindi ko alam ang nangyari - bakit nakay Lily na naman siya.

  Binuksan ko ang telebisyon at nakitang ngayon na pala na-air ang TWBA nila, kapag tinititigan ko ang maamong mukha ni Zyair mas lalo kong nararamdaman ang pagkalungkot at pagkagustong umiyak, bwiset

  Agad kong sinampal ang sarili ko at hindi hinayaang tumulo ang luha ko

  "Zyair, ikaw. May girlfriend kana ba?"

"Alam niyo tito boy andami talagang issue nitong nakaraan pero kung sasagot man ako nung matino sa tanong na 'yan, may isang babae akong hinihintay"

"Clue!!" si Vester na nakatawa ang nagsabi non, si Vester na palaging kumakanta sa banyo, palaging nagbibitaw nung jokes, yung 'di tamad sumama sa pamamalengke.

"Parang 'di mo naman alam" kalmadong sabi naman ni Keint, yung taong kaya mabuhay basta may manok, yung laging naghahanap nung fried chicken, yung sobrang mag alaga sa akin.

"So Sino ba?" muling tanong ni Tito Boy.

"Ay nako Tito, maraming magagalit pag nagsalita 'yan" sambit naman ni Wren, si Pinuno na lahat gagawin para sa members niya, kayang protektahan ang bawat isa. Pinaka- the best leader.

"Sige Zy, sabihin mo na" si Jam na ang nagsabi non. Si Jam na sobrang mahal si Pat, si Jam na magaling sumayaw at laging nakakaintindi nung bagay bagay :)

"Tito Boy, ibubulong ko nalang po sainyo" sambit ni Zyair, natawa naman si Tito Boy kaya agad itong lumapit at bumulong.

"So Averraine is her name" nagsigawan lahat nung parang nadulas si Tito Boy na nasabi 'yon, natawa ang apat na boys habang namumula naman ang tenga ni Zyair. bago pa kami mag-Korea ishinoot na nila ang episode na 'to kaya 'di na ko magtataka kung bakit ako ang sagot niya.

"Tito Boy naman" usal ni Zyair, natawa nalang silang lahat at pinag usapan ang next album nila, pinatay ko naman ang tva at muling nag-scroll sa social media account ko, sobrang ingay sa twitter at nababasa ko rin ang pangalan ko, may mga naghahanap sakin at mayroon din namang nag uupload na nung pictures ko.

Napahinto ako sa pag-scroll nung makita ang isang litrato na galing sa isang fan.

LilyZyair  @lilyforzyair

  Lol, nakita ko nga si Zyair kasama si Lily e! Nag iingat lang yung dalawa para 'di mahalata nung iba, gusto nila private relationship nila. 'Yang Averraine na 'yan, average lang 'yan ni Lily, dzuh!

replies:

Sb19 @manoknikeintt

Luh! totoo b? kala ko kasi si Ave lang para kay Zyair, ship ko naman sila!

#SB19 #BienParecidos @bienparecidosofc

Anna @vesterstan

Maniniwala lang ako pag si Zyair na mismo nagsabi

#SB19 #BienParecidos  @bienparecidosofc

Monik @wrennatics

ship ko din sila pero kita ko na kasi pano kiligin si zing kay Ave, so why pipigilan.

#BienParecidos

Luisse @cullenjam_

Weh! Ave and Zyair lang naman eh!

  Thanks sa support pero 'di na ako, e.

Nadako naman ang tingin ko sa kakapost lang nung ofc twitter acc nung Bien Parecido. Nakita ko rin na may event sila na gaganapin malapit lang dito, gusto kong magpunta baka kasi magbago pa ang isip ni Zyair, e. Baka mamaya magulo lang talaga at plano niya lang na mangyari 'to kasi nalilito siya. Gusto kong subukan.

Bukas na 'to.

.

Maaga akong nagising kinabukasan at maaga rin nagpunta nung mall. Sobrang dami na agad ang tao at lahat sila nag uunahan sa pwesto. Habang tinitignan ko ang poster sa stage mas lalo ko sila namimiss na lima, bakit ba kasi biglang nagkaganito.

  Nakaupo lang ako sa isang side at hinihintay ang oras. Hindi ko manlang naramdaman ang gutom kahit kagabi pa 'ko hindi kumakain, wala talaga akong gana

"guys andyan na daw sila Pinuno! shet ang gwapo nilang lima!"

"Weh? OMG si Zyair nakita mo?"

  "Kasama niya si Lily, as usual"

"May album na ba kayo? Papapirma ko pagkatapos, e."

  Pagkarinig ko palang non parang automatic na nanuyo ang lalamunan ko. Bumigat din ang pakiramdam ko, kasabay din non ang sigawan nung iba nung makitang naglalakad na ang Bien Parecidos papunta nung back stage, agad akong tumayo at nakipagsiksikan para mapunta sa harapan.

sige na naman oh.

Zyair, gusto ko lang makausap ka.

  Ilang minuto lang ay nagsimula na silang magperform, hindi ko nga alam kung pinipilit nilang 'wag lumingin sa direksyon ko o ano pa man. Kung pakikipagchat lang 'to, ghosting panigurado ang maitatawag kay Zyair,


Paulit ulit lang akong sumasabay sa kanta nila, yung mga kanta nilang kabisado ko na dahil palagi nila 'yon pinapatugtog sa mansion. Kahit naman dati na kasama ko si Larkin, paulit ulit kong pinapanood ang performance nila


"Angelica tara na! pila na tayo" sigaw nung katabi ko, hinatak niya naman ang kaibigan nyang dala ang album nila Zyair, napabuntong hininga nalang ako nung matulak ako palikod, pumila na silang lahat. Lumakad ako sa gilid at pinilit na kawayan si Zyair, pinipilit na gawin ang lahat mapunta lang sa akin ang atensyon ni Zyair - parang isang fangirl na gustong gusto makuha ang atensyon nung idolo nila. Nandito nanaman ako sa stage na 'yon, Reaching you again, Zyair Alleres.


  Nakita ko namang nakuha ko ang atensyon ni Vester, nangiti ito sakin at pasimpleng kinalabit si Zyair, tumingin sa direksyon ko si Zyair pero wala akong nakitang ngiti at walang expression ang makikita sa mukha niya, hindi katulad sa Zyair na nakasama ko sa Korea, na kahit nagsusungit sa akin alam ako ngitian, malayo sa Zyair na 'yon


Lumakad ako habang nakakapit sa tiyan ko, CR lang ang napili kong puntahan. Wala naman akong nakasalubong na tao dahil lahat sila ay nandoon mismo sa Bien Parecido. Humarap nalang ako sa salamin habang paulit ulit pinunasan ang mukha ko

hanggang dito nalang ba tayo, Zyair?


  "Averraine" para akong binuhusan nang malamig na tubig nung may humatak sa kamay ko paharap sakanya, ini-lock niya ang cubicle habang hingal na hingal. Nakasuot ito nung hoodie at may cap na.

"Zyair" bulong ko, lumapit ako sakanya at niyakap siya, agad niya rin namang tinanggal ang kamay ko at inilayo ako sakanya

"itigil na natin 'to"

 

Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now