"Ok na po Ma'am, pasok na po kayo."

"Salamat kuya," pag papasalamat ni Sophia sa gwardya.

Tumango lamang ako bilang sagot sa police ng sumaludo ito sa akin.

Kaya minsan ang sarap mag panggap bilang si Althea, bumabahag ang buntot pagdating sa deparmento niya.

Mag iilang minuto lang ang hinintay namin bago tuluyang lumabas ang Ina ni Sophia, tumingin pa ito sa akin bago yakapin ang anak niya.

Ngumiti lang ako rito at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Ngunit bigla na lang may yumakap sa akin na ikinalaki ng mata ko.

Don't tell me napagkamalan ako this time bilang si Arabella.

"Ang saya ko at dinalaw mo ako Arabella. Na miss kita."

Sabi na eh.....

"Ah Ma, hi-hindi yan si Arabella." Pag aawat ni Sophia sa Ina.

"Ha?" Gulat na tanong ng Ina at tumingin pa sa akin mula ulo ganggang paa.

"Si Athena yan, kakambal ni Ara."

"Pasensiya na," hinging paumanhin nito sa akin.

"Akala ko dinalaw na ako ni Arabella." Malungkot nitong sabi.

Mula ng makulong kasi si Eliz ay di pa siya dinadalaw ng kapatid ko.

"Bat pala kayo napadalaw? May kaylangan ka ba anak? May problema ba?" Sunod-sunod nitong tanong.

"Kasi Ma," nag katinginan pa kame ni Sophia bago nito tinuloy ang sasabihin. "May itatanong sana si Athena sayo,"

"Tungkol saan?" Tanong nito na nakatingin na sa akin.

Napalunok muna ako bago ko ito sinagot.

"Tungkol..... Tungkol kay Valerie. Nabanggit kasi sa akin ni Sophia na may alam ka kung nasaan si Valerie, Eliz nasan si Valerie? Saan siya tinago ni Rachel?"

"Un bang babaeng kasama ni Arabella sa aksidente noon?"

"Oo...siya nga... Ung ninakawan ni Rachel ng wangis, siya... Siya ang hinahanap ko."

"Huli naming pag kikita non ay nung inoperahan silang dalawa ni Rachel. Pag katapos non, wala na akong balita sakanya.... Ang alam ko lang Athena, nasa kamay ni Rachel ang kasintahan mo. Hawak siya ng mga Advincula."

"Nang mga Advincula? Diba sila ung tumayo at nag panggap na pamilya ni Arabella noon?"

"Oo... Sila nga. Pero..."

"Pero ano?"

"Huli naming pag uusap ni Rachel noon ay galit na galit siya sa mga Advincula, dahil nakatakas si Valerie sa poder nila."

"Nakatakas? Saan? Saan siya pumunta matapos non?"

"Hindi ko alam... Hinanap siya ni Rachel that time, pero di siya natagpuan that time."

"So ibig sabihin ba non? Pagala-gala lang si Valerie?"

"Diko alam... Bakit di si Rachel ang kausapin niyo,"

"Wala na si Rachel Mama.... Patay na siya." Sagot ni Sophia sa Ina.

Bakas naman ang gulat sa Ina ni Sophia na parang di maka paniwala sa narinig.

"What?" Gulat na tanong nito.

"Sumugod siya sa party nung gabing yun... Then Athena accidentally shot her."

Napamasid naman si Eliz na parang si parin makapaniwala.

"Bakit Mama? Bakit parang di ka naniniwala na wala na si Rachel?"

"Dahil di ganon kadali talunin si Rachel." Mabilis na sagot ng Ina nito at lumingon pa sa akin. "Rachel is wise woman Athena.... Di siya ganun kadaling mag patalo. Wag kang mag papalinlang."
____________________________________

"Iniisip mo ba ang sinabi ni Mama kanina?"

Panandalian akong lumingon kay Sophia at muling tumingin sa daan.

"Oo.... Pano, pano kung totoo yung mga sinabi ng Mama mo? Pano kun-"

"Athena......" Sophia immediately stop me, "Wala na si Rachel, she's dead. Pareho natin nasaksihan ang kamatayan niya, siya ang nag hanap ng katapusan niya.... She died in front on us... Nalagutan siya sa harap ng kapatid niya, at sa harap mo. And most of all... Inilibing na siya kanina." Histerikal na pag papaliwanag nito.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Sophia ng mapansin kong malapit na pala kame sa bahay, Bumusina na ako ng nasa tapat na ako ang malaking gate ng bahay namin.

"So move on with that Rachel... And moving forward with the real Valerie, kaylangan natin mahanap ang totoong Valerie." Pag papatuloy pa nito.

Tama.... I need to move forward.. At uunahin ko si Valerie, wala na si Rachel. My childhood nightmare is already dead.

Napatingin ako sa gate ng bigla itong bumukas, at para itong slomo motion ng unang bumungad sa akin ang mukha ng taong labis kong kinatatakutan.

"Is that-- is that Rache--"

"Valerie!!!" Sigaw ko at dali-daling lumabas ng sasakyan at patakbong yumakap sa babaeng ilang buwan ko ng hinahanap.

Yes it is.... It's Rachel indeed... kahit mukha ni Rachel ang nasa harap ko ngunit katawan ito ni Valerie..... at pag mamay-ari ni Valerie ang katauhan nasa harapan ko.

Doon ko lang napansin nakatabi niya pala si Althea.

Mangiyak-ngiyak ko itong niyakap ng mahigpit na lubos din niya akong ginantihan.

"Valerie, my God.... Your here,"
___________________________________
To be continued........

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن