PNS 2

61 4 0
                                    


"Anak! Parini ka nga muna at ako'y may iuutos sa iyo!"

Sigaw ng isang nanay na nagluluto.

"Ano na naman ba 'yun nay! Kanina ka pa umutos ng umutos ah!"

Reklamo ng isang binata na nasa labinlimang taong gulang habang hawak hawak ang cellphone at abala sa paglalaro.

"Ikaw na bata ka napaka tamad mo talaga! Ako ang bibili ikaw ang magluluto ha!"

Galit na galit pang sigaw ng nanay sa anak. Agad namang padabog na tumayo ang binata para bilhin ang inuutos ng ina.

"Akin na! Ano bang bibilhin!" busangot nitong sagot.

"Bumili ka muna ng langgonisa para may maibaon ang kapatid mo! Oh eto isang daan, dalawang balot bilhin mo ha!"

Agad namang inabot ng bata ang pera saka daliang lumabas.

"Ang ganda ganda na ng laro ko! Epal talaga si nanay kahit kailan!"

Reklamo pa ng bata habang binabagtas ang daan patungo sa bilihan ng mga langgonisa.

Ngunit hindi pa ito nakakalayo ng biglang may tumawag sa kaniya.

"Bata....."

Nilingon naman niya ito at isang matandang babae ang sa kaniya'y bumungad. Nakangiti ito kaya medyo natakot ang binata.

"Ba-Bakit po manang?" kinakabahan nitong tanong.

"Gusto mong bumili ng aking paninda? Murang mura lang abot kaya ang presyo"

Agad namang na curious ang binata kaya inusisa pa nito kung ano ang tinitinda ng matanda.

"Ano po ba ang tinda niyo?"

"Mga karne...."

Nagtaka naman ang bata ngunit patuloy pa rin ito sa pagtatanong.

"Magkano po ba? May langgonisa po ba kayo?" Nagbabakasakali nitong tanong. Dahil na rin sa katamaran ay ayaw niya ring mapalayo ang lakad.

"Oo hijo, bente lamang ang isang balot" sambit pa ng matanda saka pinakita ang isang balot ng langgonisa na nakabalot pa sa plastic. Mamula mula pa ito kumpara sa mga nakikita sa palengke kaya agad kuminang ang mga mata ng binata.

"Makakamura ako nito ah! Saka ang alam ni nanay ay singkwenta kada isang balot. Sa akin na lamang ang sukli pang load ko na rin iyon" masayang saad ng bata sa isip.

"Sige manang! Pagbigyan po ako ng dalawang balot. Heto po ang isang daan oh" sambit ng bata saka abot ng pera.

Kumuha naman agad ang matanda ng dalawang balot saka inabot sa binata. Inabot na rin nito ang sukli ng binata.

"Salamat po!" masayang anas ng bata.

"Bumili ka ulit sa sususnod hijo ha" nakangiti pang saad nito.

Nawala na naman ang takot ng bata noong una itong nakita kaya tumango na lang ito sa matanda saka nagpaalam.

Napangiti naman ang matanda dahil may buena mano agad siya....

"Nayyy!! Heto na po ang pinapabili niyo!" sigaw ng binata pagkapasok pa lang ng bahay.

"Oh ang bilis mo naman ata. Parang kani kanina ka lang lumabas ah" takang tanong ng ina rito saka kinuha ang pinamili ng anak.

"Tumakbo po ako nay, baka magalit na naman kayo sakin pag natagalan ako" pagsisinungaling nito sa ina.

"Kay suki mo ba ito binili anak? Ang pupula naman ng nga ito parang bagong gawa lamang" namamanghang saad ng ina.

"O-po nay sa suki niyo ako bumili" pag sisinungaling muli ng bata.

"Oh siya magluluto na ako. Wag na wag kang aalis ha at baka may ipabili pa ako sayo" sambit pa ng nanay saka umalis patungong kusina.

Naiyamot naman ang binata dahil baka may iutos na naman ang ina. Ngunit binalewala na lang niya ito dahil masaya ito ng maalalang may panload na siya mamaya.

************************************

BIBILI KA BA?
July2020
ArvinCuran

PANINDA NI SUSAN (BIBILI KA BA?) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora