Nabitawan ko ang aking phone sa gulat. What the fuck? Bakit niya alam ang number ko?! Saan niya ito nakuha?! Oh my gosh.

“Hey!”

Kanina pa ito nagsasalita sa kabilang linya ngunit wala itong natatanggap na sagot sa akin. Pinindot ko na ang end call para matahimik na ang phone ko.

Bakit ganito?! Pinagpawisan ako sa kaba! Shit, oh my gosh, anong nangyayare sa akin. Napatingin ako sa salamin na nasa pader.

Bakit parang mapula ang mukha ko? Oh right! Ang init kasi sa loob nitong kwarto. Napatingin ako sa electric fan. Gumagana naman ito pero bakit ang init ng mukha ko.

Bumukas ang phone ko at nakita ang text message ng isang unknown number. Ito yung tumawag kanina sa phone ko.

That damn.. Santiago!

0995xxxxxxx:

Good night and sweet dreams! Oh, btw, I got your phone number from your brother hehehe.

Inulit ko basahin ang text message baka kasi mali lang ang pagkakabasa ko. Nasapo ko na lamang ang aking ulo dahil tama pala ang pagkakabasa ko. That Eros, bakit niya binigay number ko sa lalaking 'yon.

Nag-type ako ng reply.

Mama mo good night.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nireply ko, siguro kasi ayun ang una kong naisip. I let my intrusive thoughts win. Agad naman itong nag-reply.

Lol, mama ko, mama mo rin in the future hehehe.

What the fuck? Anong ibig niyang sabihin... na ang mama niya ay mama ko rin in the future? Nag-type ako sa keyboard para mag reply.

Sabi na eh, crush mo talaga ako eh no. Baliw, 'wag ako, Santiago!

Napaisip pa ako bago ko i-send ang text. Lumipas ang limang minuto't wala pa rin itong reply. Hanggang sa tumunog ulit ang phone ko.

He replied.

Bakit?

Nag-antay ako ng anim na minuto para lang sa reply niyang 'yon. 'Tsaka bakit niya ba ako tinatanong kung bakit, hindi niya ba naiintindihan ang sinabi ko.

Hindi ko na ito nireplyan pa at ganoon din siya, hindi na rin nadugtungan pa ang tanong niya. Mabuti nga iyon nang matahimik na ang utak ko. Biglang may nag notification sa facebook ko.

Freya Mendoza shared a post.

Hay, bakit ba pati shared post ni Eya kailangan updated ako. Kaya minsan ayoko nang mag-open ng facebook eh.

Pagbukas ko ng aking facebook account ay una kong nakita sa newsfeed ang shinare ni Eya na post. Post ng isang kilalang tao.

I think I'm in love.

Post iyon ng walang iba kundi si Santiago, mayroon itong 800 na likes at thousand na comments. Ang ibang mga comments ay paulit-ulit lamang.

Hindi na ako nag-abala pang basahin isa-isa ang comments dahil inaantok na talaga ako at gusto ko nang magpahinga dahil sa pagod tapos dumagdag pa yung tumawag sa akin kanina.

Since, mayroon na siyang contact number ko, I assume na he'll never let me in peace though hindi naman talaga. Simula pa lang no'ng nakilala ko siya, wala na talagang magandang nangyare sa buhay ko.

Dahil sa kanya, na-late na ako nang ilang beses.

Mabuti na lang ay hindi ito nalaman ni Eros dahil paniguradong isusumbong ako nito kay Mama. Speaking of my mother, lagi itong busy sa kanyang trabaho kaya halos dalawang beses lang sa isang buwan siya tumatawag.

Biglang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Eros habang karga ang alaga namin na pusa na si Nami. Hinahaplos-haplos pa ni Eros ang ulo nito.

“Anong oras na, baki—” Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang hawak niya.

Isang red notebook.

“Sayo 'to, diba? Bakit nasa kwarto ko?” Patuloy pa rin siya sa paghaplos kay Nami.
.

Natutop ko ang aking bibig dahil sa hawak ni Eros na notebook. Hindi ko alam kung bakit nasa kaniya ito. Ahh, siguro binigay na ito ng lalaking yun.

“I saw this sa ilalim ng kama ko, baka kinagat ni Nami kaya napunta roon.”

Nagtaka ako, “What do you mean? Hindi ba binigay ito sa'yo ni Santiago?”

Umiling ito habang ang mga kilay ay magkasalubong dahil sa pagtataka. Hinablot ko ang hawak niyang notebook at agad ko itong binuklat.

Ito nga! Yung notebook ko. Yung nawawala kong notebook, finally nasa kamay ko na ulit. Parang masaya ako nitong matutulog.

“Ge, matutulog na ako,” Paalam ni Eros at naglakad na ito pabalik sa kaniyang kwarto pero hinabol ko ito.

“Eros!”

Humarap ito sa akin at makikita sa mata niya na inaantok na talaga ito.

“Why? Inaantok na ako.”

Huminga ako nang malalim bago magsalita, “At sinong nagsabi sayo na pwedeng ibigay ang contact number ko kahit kanino?”

Lumaki ang mga mata nito.

“He ask for it, alangan naman number ni Mama ibigay ko,” sagot niya sabay kamot sa kanyang ulo.

Bumalik na lamang ako sa aking kwarto dahil baka mapingot ko pa ang Eros na 'yon. Napatingin ako sa hawak kong red notebook. Ito nga talaga yung nawawala kong notebook.

Pero... paanong nasa ilalim ito ng kama ni Eros? Ang alam ko'y hawak ito ng Santiago na 'yun. Hindi ko maintindihan, nalilito ako.

Hinugot ko sa charger ang phone ko at agad nagtype ng text message. Anong sasabihin ko sa kaniya? At saka, alas dose na nang gabi.

Imposibleng gising pa ang taong iyon.

Pero sinend ko pa rin ang text message ko sa kaniya.

Hey! Binigay mo ba kay Eros yung notebook ko?

Tumunog ang phone ko. Hindi ko inaasahan na magre-reply ito. Gising pa nga talaga ito! Anong oras na't gising pa rin ito. Binasa ko ang reply niya.

Huh? What do you mean? Narito pa rin yung notebook mo and I'm not letting anyone have it.

Hindi pa ako nakakareply nang may sumunod agad na text message niya.

At bakit gising ka pa?

Hindi ko alam kung anong isasagot kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko. Napatingin ulit ako sa hawak kong notebook at binuklat.

Sa unang page ay nakasulat ang aking kompletong pangalan. Vanessa Castro. Nasapo ko ang aking ulo nang mapagtanto ang nangyayare.

What the fuck. Ibig sabihin, hindi talaga akin yung notebook na nakuha niya. Nagkamali lang ako nang hinala dahil sa magkaparehas ang design ng notebook!

Napatingin ako sa pader at una kong nakita ang binili kong dress kanina lamang. Argh, bakit ba nangyayare ang lahat ng ito.

Embrace Of Night Where stories live. Discover now