Uupo sa aking kwarto, kukuha ng kwaderno.
Lapis at pambura, hahawakan ko pareho.
Pupunuin ang pahina, pero pag wala namang laman
uulit sa simula kahit maubos ang papel ko.
Humahabi ng salita na hindi basta basta
Hanggang mensahe at anyo ay aking mapadala
Anim na oras? Ayos lang! Kahit buong araw pa nga.
Pahihirapan ang sarili para sa obra na gawa.
Minsan kailangan din tumigil, tumingin din sa iba
para kumuha ng ideya, inspirasyon at iba pa.
Makakakita ng makata na dinadayo ng madla.
Pagsilip ko sa buslo, puro hilaw at malabsa!
Tangina! Ano to?? Idol daw pa talaga?!
Minsan isang buwan pinaghihirapan ang aking mga gawa.
Kaso ba't parang gusto ata ng tao ay mga
minadaling kalakal na gawa lamang sa pataba.
Hindi ko sinasabing mas malupit mga gawa ko.
Hindi din ibig sabihin na ang utak ko ay sarado.
Sumusuporta ako sa tunay - talentadong mga tao.
Pero tangina naman! Alam natin pagkakaiba ng yosi sa tobacco!
Ang galing daw! Idol! Talented daw amputa!
Gawa ko at ng mga katulad ko pa ata ang basura.
Hirap! Dapat ba gamitin ko ay mumurahin lang na pluma?
Sapat na kasi minsan pakainin ng tira tira ang mga tuta.
Pag naamoy ng madla na may nasagasaan na pangalan
Sasabihing naapakan ng ampalaya ang nakasanayan na galawan
Ayoko sabihing katangahang bansagan yang kagandahan - hindi ako kalaban -
para lang akong nabasagan sa gulat sa nakitang kababawan.
Pero sa paghawak ko ulit ng lapis ay napagtanto ko:
ang lumalapat sa kumakalat na papel ay mga kamay na kinalyo
sa pag-ensayo, mula nung bata pa ko, na maidapo ang isip sa titik, at maiba ko:
di ko pasasarapin ang luto ko para sa kanin baboy lang ihalo.
ESTÁS LEYENDO
Talaga ba?
PoesíaPasensya na kung tunog inggit, talangka o desperado. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.
