Kabanata 1

1.9K 41 13
                                    


Kabanata 1

Mistaken

"Gapan na! May bababa pa ba?!"

Napatayo ako nang mabilis nang marinig ang sigaw ng konduktor. Hindi ko na naayos pa ang magulo kong buhok at dali-daling kinuha ang dalawa kong bagahe at backpack na nakalapag sa sahig, sabay sukbit sa balikat.

"Excuse me po," sambit ko sa matandang babae na katabi ko sa bus.

I didn't glance at the people staring at me, except the driver, and thanked him. 

Alam kong simpleng pagpapasalamat lang 'yon pero malaking bagay na 'yon para sa kanila. Na may nakaka-appreciate sa paghihirap nila.

At alam ko ring nakahihiya iyong nangyari sa bus! Pagtinginan ka ba naman hanggang sa makababa, ewan ko na lang talaga kung ano'ng maramdaman ng ibang makararanas no'n.

I let the strong and fresh wind of Nueva Ecija touch my skin; it welcomed me as if I do really belong here; it instantly vanished the planted anger and sadness that my heart was grieving for. In just a swift blow of the wind, my mind was clear already.

Napatungo ako nang masilaw ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw. 

Panibagong umaga. Bawat araw na dumaraan ay simbolo ng pagbabago. Hangga't may bukas, may tyansa.

Tinanaw ko ang pila ng trycicle. Ang iba ay wala sa kani-kanilang mga trycicle dahil nakikipag-usap sa kanilang mga ka-trabaho.

Magkano kaya ang bayad patungo sa Hacienda Flores? Hindi naman kasi ako taga rito kaya hindi ako sigurado.

Nagsimula na akong maglakad para mas maaga akong makarating sa Hacienda ng Lola ko.

Hindi ko naman maiwasan ang pagbigat sa dibdib ko. 

Magiging pabigat lang naman ako roon! Ano nga ba'ng maiaambag ko roon? Hindi naman puwedeng hayaan ko lang na lumipas ang bakasyon nang nagpapakasarap lang ako.

Will my Lola agree if I ask that I want to help on her Hacienda? Like managing the finances, I am willing to learn even if I was not for that. I could be a waitress, too, since I already had my experiences doing things like that. I would not disagree.

What if I'll sell my portraits? May bibili kaya kahit na mataas ang bayad? Kaso nasa Maynila ang mga gawa ko!

Pero kung posible mang maibenta ko ang mga ito, ayaw ko sa mga barat na mamimili. Kung hindi nila afford, huwag nila akong baratin na para bang ayaw nila sa mga gawa ko.

Madali pala? Edi sila ang gumawa!

You can earn money by doing your passion and talent. Bakit nga ba iniisip ng iba na wala kang kikitain dito? Kung doon masaya ang isang tao, bakit mo ito pipigilan?

Envious people are spitting hatred but they can't even look at the mirror. When they are the ones whose lives need fixing.

Walang makapapantay sa trabahong mahal mo mula sa puso—na kahit pera ay walang katumbas. Kasi ang mahalaga sa 'yo ay ang kaluluwa at paghihirap na iniaalay mo roon.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi naman pare-parehas ang lahat. Na kahit gaano mo man kamahal gawin ang isang bagay, kung hindi sapat ang salaping nakukuha mo, darating at darating din ang panahon na mapapagod ka.

"Saan kayo, Miss?" tanong ng trycicle driver na tumigil sa harap ko kaya naman nawala ako sa 'king iniisip.

He glanced at my things, his brows immediately furrowed. Mukhang nagtataka kung bakit ganoon karami at kung paano ko nabitbit ang lahat ng 'yon.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon