CHAPTER 17

250 16 1
                                    

"Last day mo na ngayon trisha huhu" lungkot na wika ni Ly

"Ano ba kayo! Andito pa rin naman ako sa tagaytay noh! Hindi ko nga lang kayo kasama" ngiwing wika nito

"At dahil last day mo na ngayon! Magpi picnic tayo sa 'Picnic Grove' at mag enjoy sa 'People's Park in the sky' maganda dun!" masiglang wika ni stell

"Oo nga noh! Tara mag grocery na tayo para sa picnic!" wika ko

At ayun nga hehe nag grocery kami at nakakapagtaka dahil pinagtitinginan kami ng tao ang iba naman ay kinukuhaan kami ng litrato imbis na pagtuunan ng pansin ay hinayaan nalang namin ito. At nang natapos ay inihanda na namin ang ibang ingredients at nagluto na.

Nang natapos lahat lahat ay inayos at chineck namin if kumpleto na ito dahil syempre ready na kami!

"Hmm... Menudo check! Caldereta check! Kutsinta check! Cheese at yema para sa kutsinta check! Ang biniling buko pie check! Adobo na manok at baboy na may pugo! Oh namnam! Check! Soft drinks check! Tinapay at palaman na nutella at strawberry jam check! Kanin check! Plato't kutsara't tinidor check! Baso check! Basket para sa pagkain check! Basurahan check!" ngiting wika ko habang minamarkahan na check ang mga nakasulat sa papel

"Oraaaaayt! Kumpleto na! Tara na alis na tayooo!" sigaw na wika ni ken

"May kulang pa!" wika ni sejun

"Huh?" takang wika ko

Wala naman ng kulang ah? Eh?

"Chicherya! Eto oh! Clover! Mang Juan! Nova! Piattos! Pic A! and many more!" wika nito

"Nako dahan dahan sa junk food ha! Mamaya pagka uwi ay kakain tayo ng gulay" ngiwing wika ni ate rose

"Yes ma'am" kunwaring saludong wika namin

•••

"Uy sakto! Tanghali na!" masiglang wika ni ken

"Sakto lang pala ang dating natin dito sa Picnic Grove! Tignan mo oh ang ganda pa ng view kitang kita ang taal!" wika ni stell same vibes as ken haha

"Picture tayo! Daliiii Picture!" ngiting wika ni josh

Buti nalang at dala ko ang camera at camera stand nito kaya medyo hindi na kami mahihirapan.

"Okay one two three! *click*"

"Isa pa one two three *click*"

(eh bat ba ayan gusto kong sounds eh -_-)

"Tara letzzz kain na tayo" wika ko

Pero syempre bago kami kumain ay inaayos muna at nagdasal muna kami.

"Ano gusto mo shang? Gusto mo ba muna ay adobo,caldereta o menudo?" tanong ko

"Uhmm.. Pareho" ngiting wika nito

"As in lahat?" gulat na wika ko

"Oo! Why?"

"Pano yung pictorial mo bukas?"

"Don't mind it! Hindi naman ako agad tataba!" ngiwing wika nito

Tumango nalang ako at nilagyan siya ng ulam at kanin sa plato niya at syempre sakin din!

Habang kumakain ay puro kwentuhan at tawanan ang naganap doon ngunit biglang nawala iyon ng may lumapit saamin.

"Justin!" tawag saakin na ikanilingon ko

MY OWN PHOTOGRAPHER Where stories live. Discover now