I have an older brother. Twenty-two na siya ngayon at nagtatrabaho sa isa sa mga kompanya namin. Nasa custody kami ni Mommy dati. But during the first rain of the month of September, she was diagnosed with colon cancer. Ako lang ang nando’n sa tabi niya noong nasa ospital siya, suffering from her own body’s painful betrayal. Si kuya kasi napilitang umuwi sa China para mag-aral. Siya ang tagapagmana ng kompanya dahil bukod sa lalaki siya, siya ang panganay. Kaya kahit gusto niyang manatili sa tabi namin ni mama, wala siyang nagawa dahil utos ‘to ni papa. That’s why lalong lumaki ang galit ko kay papa.

My mom died when I was 12. After that, kinuha na ko ni Daddy sa custody niya. Ayoko talagang sumama sa kanya. I said that I would never go anywhere with the person who abandoned and let my mom die. Pero may choice ba ko? Wala akong mapupuntahan. My mom’s an only child and I didn’t know who my grandparents were. Ang sabi ni Mommy, they died when I was a year old because of fire.

Umuwi kami ng China ni Daddy at doon ako nag-aral ng Grade 6. Pero bumalik din kami dito sa Pilipinas kaya dito na ko nag-high school and now, college. Naiwan si kuya do’n at ngayon, he was taking over our mall business na pinapalago ni Daddy sa China.

            My dad, Henry Ong Chua, hadn’t changed. Wala pa rin siyang pakialam sa akin aside from me taking up Business Administration Major in Marketing para may mag-manage ng mga kayamanan niya in the future. Kuya’s cool with it since gusto niya talagang mag-business. Pero ako? I hated it.

Wala akong magawa para suwayin siya. My dad was always in control. In authority. Kahit na buhay ng sariling anak niya, siya ang nagdedesisyon. Tutol siya sa pagkuha ko dati ng lesson in aikido and kendo. Ang sabi niya, kung gusto ko raw mag-martial arts, I should do kung fu dahil may Chinese blood daw ako at hindi Japanese.

            Pero sinuway ko siya. I told him that I would decide for myself. He let it slide though, pero ‘yong pagkuha ko ng Business Ad? Not a chance. Lagi siyang nakabantay sa akin when it came to that. Kaya alam kong pupuntahan na naman niya ko dito sa bahay ni bes sooner or later dahil sa gulong kinasangkutan ko.

            “But you know, bes?” Napatingin ako kay Karen. Ngumiti siya sa’kin. “He’s kinda hot.”

            I looked at her. “Sino, si Daddy?”

            “Ew!” Her face twisted with gruesomeness. “Hindi. I mean ‘yong guy na humalik sa’yo. He’s a hottie! Nakita mo ba ‘yong hubog ng katawan niya? Saka ‘yong tindig? Pati na ‘yong chow moves niya? Ang cool!”

            “Chow moves?” natatawang sabi ko.

            “Uh, that martial arts thingy? Whatever! Basta, he’s bleeding sexiness! OMG!” At para na naman siyang kiti-kiti kung kiligin. “How did he taste, bes? Sweet ba? Tell me! Tell me!”

            Napangiwi naman ako dahil sa topic namin. “Stop it, bes! Nakakadiri ka.”

            “Nakakadiri ka diyan.” Inirapan niya ko. “Tinatanong ko lang naman kung anong pakiramdam niyang humalik. It was deep, right? Kasi kitang-kita ‘yong force! OMG! Ang hot niyong tingnan kanina, bes!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Surviving College (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon