Chapter 16-What goes around, comes around???

Magsimula sa umpisa
                                    

“Judith.. Hi… ahm.. ah…. C…. can we… can we talk?”, tanong ni Denise kay Judith na natataranta at hindi mapakali…

“ahm… s..sige…”, pagpayag ni Judith… alam na niya ang dahilan kung bakit gusto siyang makausap ni Denise, siguro ay alam na nito ang tungkol sa feelings ni Dylan para sa kanya.

Nagpunta silang dalawa sa isang park, na hindi kalayuan sa opisina nina Judith. At doon ay nag usap sila…

“Judith.. ahm… hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa… First of all, I’m really very sorry for everything I’ve done to you before…. I treated you the way that you never deserved… I treated you as my rival in everything kahit hindi naman tama, kahit irrational… I.. I’m so sorry…. So sorry for stealing your guy… I had feelings for Andrew, but not enough for me to ruin your relationship and steal him from you… I knew you loved him so truly, and I’ve got nothing on that… pero I still chose to have him away from you, because I was so desperate…. So desperate to get something from you na ikasasama ng loob mo, just like everytime when you unintentionally have something I didn’t have.. I wanted to get everything I can get from you…. It was so foolish of me… I’m so sorry….”, pag-amin ni Denise, and with this, she began to cry….

Hindi agad nakapagsalita si Judith… pero nang makabawi na siya…

“Denise, matagal na yun… wala na sa’kin yun…. Yung kay Andrew? Wala na yun… hindi naman ako mapagtanim ng galit…”, sabi ni Judith.

“kung ganoon, thank you… thank you so much for having a good heart, Judith… I know you do…..”, sabi ni Denise na punong-puno ng guilt at pagsisisi…

“Judith… I know… there is something between you and my husband… are you…. Are you… having an affair?”, lakas-loob na tinanong ni Denise.

“No… never… never will I have an affair with someone who is taken…. I would never do that no matter how much I love him…”, nagulat si Judith sa huli niyang nasabi..

“…….So you love him, too? But how come you’re telling me that you didn’t have a relationship with him?”, --Denise.

“Yes… I love him… I love him, God knows how much I do…. Pero hindi makakaya ng konsensiya ko na makipagrelasyon sa isang lalaking may asawa na… kahit ikaw pa yung asawa niya…. Kahit na alam kong pag inagaw ko sa’yo si Dylan, ay parang nakaganti na rin ako sa’yo… but I’m not that kind… hindi ako ganoong klaseng babae… I’m nothing like you.. and I will never be like you..”, sagot ni Judith..

Natigilan si Denise sa mga sinabi ni judith..

“… do you know that he loves you, too? He didn’t tell me, but I can feel it…. Alam mo ba, kapag ikinukwento ka niya sa akin mula pa dati, I can see something in his eyes… something I have never seen when he is looking at me… at minsan……. Kapag natutulog siya, naririnig ko…… naririnig kong… binabanggit niya ang pangalan mo….alam mo ba kung gaano kasakit para sa’kin yun? Ako nga ang asawa niya, ako nga ang kasama niya.. pero ikaw! Ikaw ang iniisip niya, hanggang sa panaginip pa naman niya, ikaw pa rin!...”, bulalas ni Denise habang umiiyak..

“I…I know he loves me… but… I didn’t know about……that…”, na-shock si judith sa sinabi ni Denise.

“Judith.. please… ‘wag mo naman siyang kunin sa’kin… alam ko kung gaano ako minahal ni Dylan noon, at gusto kong ibalik yun…. Please, Judith… I know I look pathetic, but please…. Please…. You can have everything you want, you can have anything you desired, but please…. Not my husband…. If you want to get even, do it in any way you can, but spare my marriage please…. “, nagmamakaawang sabi ni Denise na halos lumuhod na sa harapan ni Judith..

Denise has so much guilt in her eyes, dahil ngayon ay narerealize niyang mahal niya ang asawa… she still loves him even if she had an affair with her friend’s cousin, Marc…

Punong puno ng guilt at remorse si Denise, dahil all this time, her husband is in love with someone else, but he didn’t have an affair with Judith. Pero si Denise, for seven months she had a secret affair with another man… with Marc…

Kaya hindi magawa ni Denise na lubusang magalit at mamuhi sa asawa niya, dahil siya mismo ay may ginawang kasalanan, na kung tutuusin ay higit pa sa pagiging unfaithful ni Dylan.

Dahil si Dylan, although he loves Judith, ay hindi sila nagkaroon ng anumang relasyon maliban sa working relationship, and sa friendship…. Sa friendship na gusto man niyang higitan ay hindi pwede… though he was emotionally unfaithful with his wife.

Pero si Denise, she is unfaithful, not only emotionally, but also physically…Hindi rin lubos na maipaliwanag ni Denise sa sarili kung bakit niya nagawang pagtaksilan ang asawa, marahil ay may hinahanap pa siyang iba na wala kay Dylan, at hindi naging sapat ang pagmamahal para manatiling faithful...hindi buo ang pagiging committed...

Pero kapag nasa bahay sila ni Dylan ay pinipilit niyang magpanggap na normal lang ang lahat…. Pinipilit niyang gawing normal ang kilos niya, hanggang sa mapansin nga niyang si Dylan naman ang may ipinagbago…

“Denise… you don’t have to beg.. I will never do what you did to me.. I won’t get even, I won’t take any revenge… dahil hindi ako ganoon.. Never will I become like you… I know what I have to do… and no matter how painful it is, I would still do the right thing…. So, nothing to worry about…”, sabi ni Judith habang naglalakad palayo kay Denise, ay unti-unti nang nahuhulog ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata…

Naiwang nakatayo at wala sa sarili si Denise… inaalala nang paulit-ulit ang kataksilan niya sa asawa, at ang mga sinabi sa kanya ni Judith..

Pagbalik ni Judith sa office, hindi na niya namalayang hindi pa pala siya nakakapag lunch…. But anyway, wala na siyang gana, kaya itinuloy na lang niya ang pagtatrabaho…. Napansin naman ni Helen at Anne ang kaibigang para bang nananamlay habang may tinatapos na trabaho…

“Jude… what happened? Na-holdap ka ba?”, pabirong tanong ni Anne.

“o kaya naman…. Na-basted ka?! Charot! Hahahahah…”, pang-aasar ni Helen.

“hahah.. kayo talaga! Hindi… ok lang ako… hindi lang kasi ako nakapag lunch….”, sagot ni Judith sa mga kaibigan,.

“Hah? Eh diba lumabas ka naman kanina? Nakahiwalay ka pa nga sa amin, kaya akala namin may ka-date ka… chos! Hahah..”, biro pa ni Helen.

“ah… h..hindi… ahm. May kinausap lang kasi ako.. I just settled things…”, sagot ni Judith.

“with who naman ‘teh? “, tanong ni Anne.

“with Denise…”, sagot ni Judith.

“Denise??!! What the…… “, bulalas ni Anne.

“ha? Sinugod ka? Inaway ka? Ano??”, pag-aalala ni Helen.

“H..Hindi… nag-usap lang kami… I just clarified to her that I don’t and I won’t have any affair with her husband… hindi ako katulad niya…”, sagot ni Judith.

“buti naman at hindi ka sinabunutan ng babaeng yun! Kapal lang niya ah… “, sabi ni Anne.

“at hindi ka talaga katulad niya… never! Feeling niya naman…”, sabi pa ni Helen.

“Wala naman siyang dahilan para magalit... wala naman kaming ginagawang masama….”, sabi ni Judith.

“eh pa’no na ngayon yan, girl? Ano nang gagawin mo? “, tanong ni Anne.

“ahm, I’m planning something…. Tutal, tapos na naman yung project sa Laguna…”, sagot ni Judith.

“what do you mean??...... Judith…. Don’t tell me……..”, sabi ni Helen at hindi na niya natapos ang sasabihin….

Thank you so much for reading Chapter 16!

Feel free to leave your comments, reactions, suggestions, and please do vote and recommend… Thanks a lot!

Please do follow me on Twitter: @Karina_lovesU

Thank you. God bless.

<3

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon