Chapter 08: Meet Again

Start from the beginning
                                    

At ayun na nga, nag-away na si Rell at Brance tungkol sa pagkain.

"Stop!"

Muntik na akong ma-freeze ng magsalita ang kanina pa nanahimik na kasama nila. Malamig ang boses nya at medyo creepy! Para syang second version ni Shaun. Nakakatakot din!

Hindi ko makita ng maayos ang mukha nya dahil nakasuot sya ng cloak tapos medyo nakayuko pa sya.

Pero nung mag-angat sya ng tingin at tinanggal yung cloak nya...

MAJOR SHEMAY!!

Another fafable! (Ay syete! Nagagaya na ako kay Jelly)

Actually, yung aura nya parang vampira,,, like Edward Cullen? Maputi. Matangkad. Mapula ang labi. Brown eyes...

Two words to describe him?

Hot and Attractive...

Tinignan ko sila isa-isa! At Isa lang ang napansin ko...

Lahat sila GWAPO!

Wala manlang bang panget sa kanila? Siguro kung may mga babae dito kanina pa ako nabingi sa mga tilian at sigawan nila. -_-

"Hoy Eman! Tara na! Mamaya ka na mag day dreaming dyan!"

"Hindi ako magde-day dreaming!" Kontra ko ...

"Sige! Ideny mo lang. Alam ko naman na hanggang ngayon Mahal mo pa-----hmmmppp!" Tinakpan ko ang bibig nya para hindi nito matuloy ang sasabihin pero wrong move yata ang ginawa ko dahil sabay sabay na napalingon samin ang anim...

Nagtama ang mata namin ni Shaun. Nakakunot ang noo nya at parang kinikilala nya ako.

Napatayo kami ng maayos ni Jake ng maglakad ang mga ito papalapit samin. Si Drake at Jay na nakangiti, feel ko sila ang friendly sa grupo nila. Si Brance at Rell naman ay masama ang tingin sa isa't-isa, Hindi parin siguro tapos mag-away tungkol sa pagkain. Tapos yung nagsabi ng 'stop!' ay poker face lang. At higit sa lahat si Shaun, na lumapit sa harap ko at mas tinitigan pa ako..

Balak ko sanag umiwas ng tingin pero bigla itong nagsalita...

"Yow Hanz! Akala ko ba next month pa ang flight mo?"

Napanganga ako sa sinabi nya.

Huh? Ako? Hanz? Kilala nya si Kuya Hanz?

"Oo nga Dude! At anong ginagawa mo dito? " Drake

"Baka dito na sya mag-aaral?" Jay

Biglang nagsink-in sakin kung anong nangyayari.

Napagkamalan nila akong si Kuya Hanz. ARGH! Nakalimutan ko nga palang sabihin na, KAMBAL kami ni Kuya. Naunang lumabas si Kuya, kaya naman Kuya ang tawag ko sa kanya. At oo, marami kaming pagkakaparehas ni Kuya. Mas lalo na ngayon, na nag-disguise ako as a boy! Kaya posibleng pagkamalan nila akong si Kuya Hanz...

Tumikhim muna ako bago magsalita "Sorry mga p're! Pero hindi ako si Hanz! I'm Eman!" Pinatigas ko ang boses ko para lalaking lalaki.

"At ako naman si Jake! Transfer student kami mga bro'!" Pakilala din ni Jake sa sarili nya..

Mukang na-convince naman na sila. Pero si Shaun ? Nakatingin parin sakin habang salubong ang kilay. Tagusan pa sya kung tumingin pati yung isa nilang kasama , Yung medyo misteryoso ang dating. Si Lumia yata? Ah oo,  Lumia ang name nya.

Lumapit samin ni Jake si Drake, Jay, Brance at Rell.. nagpakilala din sila..

"I'm Jayper Bosell , pero Jay na lang! At ako ang pinakapogi dito sa SID Univer----- Aray! ANO NA NAMAN BA ? NAKAKADALAWA KA NA AH?" Sigaw ni Jay kay Drake matapos sya nitong batukan. -_- ang hangin naman ng Jay na 'to! Psh!

Sinamaan nya ng tingin si Jay bago sya bumaling sa amin. Ngumiti si Drake at naglahad ng kamay ..."My name is Drake . Drake Frocosta. " . Nakipagshakehands naman  kami ni Jake sa kanya pero napansin kong titig na titig sya sakin. Medyo kinilabutan pa ako sa paraan ng pagtingin nya. Na para bang nakakita sya ng alien na bumaba sa Earth. "...Alam mo Eman, muka kang babae! Lalaki ka ba talaga?" tanong nya.

Nagulat ako at hindi agad nakasagot.

Oh my! Mabubuking na ba ako? Katapusan ko na ba? Wahhhh!

"Ano ka ba naman Drake! Malamang lalaki sya! Sa higpit ba naman ng security nitong SID University sa tingin mo may makakapasok na babae dito? Tsk! Gamitin ang utak p're huwag mong i-istock! Nilulumot na eh!" Pangbabara sa kanya ni Jay sabay batok dito.

"Aray naman!"daing ni Drake . "Ang lakas mong mangbatok! Parang nagbibiro lang naman eh" Sabi nya

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Gosh! Akala ko mabubuking na ako agad. Hindi pa nga nagsisimula malalaman na nilang babae ako? Eh nasaan ang THRILL dun? Wala diba?

-_-

"Huwag mo na lang pansinin 'yang si Drake! May pagkaplayboy eh, naghahanap na naman ng mabibiktimang  babae kaya pati ikaw napagkamalan. Anyway , ako nga pala si Brance.." lumapit sakin si Brance at nakipagshakehands din.

Errr! Ang cute nya talaga

"HEY YOW!" Napatingin ako dun sa malakas ang boses. Si Rell. Nakangisi sya at nagulat ako ng bigla itong nakipagchest to chest bump..

PUTEK!

O_O

SHEMAY!!! Ang dibdib kooo T_T

"Rell Mark Vergara is the name! Pero Rell na lang o kung gusto nyo pwede ding Mark? Okay lang din kung Rell Mark pero mas prefer ko ang Rell so Rell na lang ang itawag nyo sakin. Okay? " Mahabang pakilala nya. Tumawa sya at akmang makikipag chest to chest bump ulit nang humarang si Jake. Yay! Thanks Jelly ^_^

Pasimple kong hinawakan yung dibdib ko at napangiwi.. Masakit ng konti... >_<

"Nice to meet you p're! I'm Jake! " Pakilala nya sa sarili at tumango lang si Rell. Hays! Buti naman at hindi sya nagtaka sa inasal ni Jake. Goshhh! Ang sakit kaya sa dibdib ng ginawa ng Rell na 'to.

Napapangiwi ako habang tinatapik-tapik ko ng mahina yung dibdib ko. 'Ang sakit parin! Pisti!'

Maya-maya ay biglang nagsalita si Brance...

"Ano nga palang club nyo?" Tanong ni Brance. Kapag nagsasalita sya lumilitaw yung dimples nya. Ang cute lang. Sarap tusukin ng biloy nya. Hehehe.

Pero anong sabi nya? Club?

Tumingin ako kay Jake. Wala kasi akong alam sa club-club na 'yan!

Napakamot sya ng batok bago sumagot "Sa Club I ."

Bigla namang napasigaw si Rell ng "YUN OH! EH DI CLASSMATE NAMIN KAYO?"

Duh! Kasasabi nga lang diba? Nagtatanong pa! Upakan ko 'to eh! Ang sakit ng ginawa nya sa dibdib ko. Psh.

"Pero si Eman..." Pabitin na sabi ni Jake tapos tumingin sya sakin. "...Sa Club III sya!" Huh? Ano daw?

"WHAT?!"

"Hala! Delikado!"

"Lagot ka Eman. Hahaha"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Jake at hiniwalay pa ako ng Club. Kung bakit hindi nya pa ginawang magkaklase kami.

'Thrill na naman ba ito?'

At hindi ko rin alam kung anong meron sa Club III pero base sa reaksyon nila? Alam kong worst ang Club III...

ARGH! Ano na naman bang trip nitong si Jake?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(To be continued...)

Don't forget to vote... JUST ONLY VOTE ^___^

Magnificent ImpostorWhere stories live. Discover now