Chapter 2

8 3 0
                                    

Alyssa's POV

"My highness tila may ibang dahilan pa po si Lady Amethyst sa kanyang pagliban sa kanyang personal na tagapag-turo at paglabas ng palasyo" mungkahi sakin ng aking tinalagang tagapangalaga ni Amethyst si Levesia

Meron nga kayang ibang pinagkaka-abalahan si Amethyst sa labas ng palasyo?...

"Anong ibig mong imungkahe sakin Levesia? "

"Saking nakikita at napapansin bilang pribado at pinagkakatiwalaang tagapangalaga ni Lady Amethyst, maimumungkahi kong sya'y may lihim na iniibig sa labas ng palasyo mahal na reyna"

Hindi nga kaya?....

Ngunit.....

"Alam ni Amethyst na ipinagbabawal ang umibig sa isang huwaran Levesia"

Alam iyun ni Amethyst....

"Ngunit my highness walang sino man ang makakapagdikta sa isinasaad ng damdamin ng isang nilalang, maging tayong mga diwata man"

Tama si Levisia ngunit....h'wag naman sana pagkat maari niya etong ikapahamak.....

Amethyst POV

Hmmm... Tila ata humigpit ang bantay ng palasyo? Pati saking silid ang daming kawal na nakapalibut...

Ano kayang nangyayari?

Hindi kaya....

Hay naku!!  Si ina talaga, batid kong ginawa nya eto upang  hindi na ako makalabas pa ng palasyo....

Ngunit.... Hehe ngunit ikinalulungkot ko akoy isang diwata kaya kung gawin ano man ang aking gustuhin patawad ina ngunit.....

....kahit gaano mo pa higpitan ang siguridad dto sa palasyo.... Makakatakas parin ako.....

Patawad ina ngunit nais ko siyang makita.....

Nakalabas na ako ng palasyo palihim akong dumaan sa maliit na butas ng aking silid, papunta sa labasan...

May nilabag akong palisiya sa palasyo... Ngunit hindi ko kayang pigilan ang sinsaad ng damdamin at yun ay ang umibig sa kanya...

Makikita narin kita Zearo mahal ko...

"Amethyst" tawag niya ng akoy kanyang nakita...

"Zearo patawad kung natagalan ako hinigpitan kasi ni ina ang siguridad ng palasyo batid na kase niyang tumakas na naman ako"malumanay kung saad...

Siya si Zearo ang taong iniibig ko... Isa lamang siyang ordinaryong engkantado namay busilak na puso.

Napansin kung mayparang ibang bagay na bumabagabag sa kanya... Kanina pa siya tulala't mukhang malalim  ang iniisip....

"May problema kaba Zearo? Tila ata'y kanina kapa nakatulala't walang imik dyan" tanong ko, akoy nag-aalala

"Wala naman Amethyst sadyang blangko lang ang aking isip sa ngayun ngunit babalik rin ako sa katinu-an pasensya na Amethyst " paniniguro niya ngunit iba ang sinasaad ng kanyang mga mata, meron kaya siyang inililihim na hindi niya masabisabi sakin?

Hinayaan ko na lamang siya't tumingin sa napagandang paligid Amvella dito niya ako dinadala at eto narin ang aming tagpuan.

"Amethyst.... gumagabi na" bakit parang pinapaalis niya ako?

"ahhh... Oo nga gumagabi na malapit ng lumabas ang angking kagandahan ng tatlong crystal moon sa Amvella"

"Madali kanang umalis Amethyst baka nagtataka na't nag-aalala ang mahal na reyna"walang ganang sambiy niya...

Pinapapaalis na niya ako?...

"Ngunit~"hindi niya man lang ako pinatapos

"Cge na mahal kong Amethyst baka mag-alala ng sobra ang inang reyna ng Amvella" pagsusumamo niya...

"O cge akoy lilisan na mahal ko" saad ko ngunit akoy palihim na nagdamdam sa kanya...

Ano bang problema Zearo...

"Mag-iingat ka mahal ko" huling bilin niya bago ako pumasok sa tagong daanan papasok ng palasyo.

Ako'y lumingun kay Zearo upang sana'y kumaway ngunit isinara na niya agad ang naturang lagusan...

Tila may iba akong nararamdaman... Tila nagbago si Zearo... Bakit? Ano ba ang kanyang hinanaing hindi niya manlang masabi-sabi sakin...

Himdi naman siya malihim nung una, ngayun lang...

Anong nangyayari sayo mahal ko 'Tila ata ika'y nagbago  tanong ko sa aking sarili.

Akoy papasok na sana sa aking silid ng harangin ako ni Levesia

"At saan ka na naman pumaroun Lady Amethyst?"

"A-ah, dyan lang sa labas lumanghap ng preskong hangin bakit may problema ba Levisia? "

"Wala naman,pinag-alala mo lang ang iyong Ina Amethyst "

Natigilan ako ng marinig ang tinig ng aking ina..

"I-ina"

"Amethyst bukas na tayo mag-usap magpahinga kana muna't baka ika'y napagod na" sambit ni Ina at tuluyang lumisan na...

Patawad Ina at ako'y tuluyang natulog na.....

Zearo...

Third Persons POV

"Alam mo naman ang iyong hangarin hindi ba? " pagpapa-alala ko sa kanya.. Minsan talagay nakakalimutan na niya sa tuwing siyay humarap sa naturang prinsessa

"Hindi ko po iyun nakakalimutan ama ko"

Ganyan nga magalit ka..

"Kung gano'y ano ang iyong  hangarin? "

"Patayin ang sino mang nakatakda!"

"Tama" yan ang nakatakdang mangyari at malapit na yung mangyari mapapasakamay ko narin ang matagal ko ng ninaais abutin...

Alyssa...... Maghanda kana



♡♡♡ ♡♡♡ ♡♡♡ ♡♡♡


A/N:

Eto lang po muna sa ngayun.. Watty readersss see u next chapter...

If u have any questions about sa story free to ask me :)

If u have any magical suggestions for the story just message me:)..

Hope you love reading my story.. 😘

Pasupport narin to all your watty reader friends thankiess❤ :)^_^

The Prophecy (world of Amethyst)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon