"Alam mo naman kung anong sitwasyon ko sa bahay na yun dibaa? Ayoko Gabb."


"Kaya gusto ko na rin magtrabaho, para matulungan kita."

"Hinde, hangat nandirito ako, hindi ka magtratrabaho."

"But Gabb."


"Coleen, hangang kaylan ba natin kaylangan pag awayan to?"


"Ayoko ng iasa sayo lahat. Para saan pa kung hindi tayo magtutulungan."


"Ayokong mahirapan ka."

"Mas nahihirapan ako pag nakikita kitang ganyan at Wala na rin akong pang bayad para sa next sem."


"Bakit hindi mo sinabe agad?"


"Hindi ko alam, ayoko. Ayoko kong madagdagan pa lahat ng ginagastusan mo, sa pagkain, sa tubig, sa kuryente. Magtratrabaho rin ako."


"Coleen-"


"Gabb! Hindi pwedeng laging ganto. Gusto kong tumulong. Kung sa tingin mo mahihirapan lang ako. Wag kang mag alala, Kaya ko."


"Kakayanin ko."



Ayoko man payagan siyang magtrabaho pero araw araw lang itong nagpupumilit hangang sa nagiging dahilan na ng pag aaway namin.

Tinulungan ko siyang makapasok sa pinagtratrabuhan ko para mas madali ko siyang mabantayan. At sa awa ng diyos agad naman siyang natangap.


COLEEN's POV.

"Ahh? Miss trinidad? May boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ng manager na ikinataka ko.

"Aahh wala po."


"Good!"

"hindi mo ba tatanungin kong may girlfriend na ko?"

"Shhhhhh wag kang maingay."
Bulong ni Gabb kaya natawa na lang ako.

"Like I said, Bawal ang may jowa dito, okay?"

Hindi ko alam kung biro lang yun sinabi niya pero ano namang connect sa trabaho nun kung may jowa ka man o wala?


"Hi Ms. Coleen! I'm bruno, Ang pinakagwapong crew dito bago dumating si Gabb." Biglang sabi ng payat na lalaki na to sabay kindat.


Eww~


"Alam kong bago ka pa lang dito kaya hindi ka pa sanay. Wag kang mahihiyang humingi ng tulong sakin. Nandito lang ako, i gotchu!"
Sabi nito at kumindat ulit.


Alam mo bang kaya kitang sakalin gamit lang ng dalawang daliri ko.


Napatingin naman ako kay Gabb at pinagtatawanan ako nito. Napansin niya atang naiirita ako sa lalaking to.


"Sabayan mo na lang." Ngiting bulong niya.

Ahh okay sasabayan ko na lang tong palito na to kahit iritang irita na ko.


"May kamukha kang artista." Biglang sabi nito.


"Sino? Liza soberano? Nadine?"


"Yung member ng IV of spades"

"Abat! Gag-"


"Start! Na ng trabaho!" Sigaw ng manager.


Bago lumabas sinamaan ko muna ito ng tingin. Kung hindi lang kita katrabaho baka pinangtinga na kitang toothpick ka!

Natapos na ang mahaba at napakahirap na trabaho. Di ko akalaing mabenta pala tong restaurant na to dahil sa dami ng customer.


"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon