KABANATA 16

41.9K 1K 5
                                    

KABANATA 16: THOUGHTS

NAALIPUNGATAN AKO sa pagtulog kaya napag desisyonan kong umalis na muna sa kama, inangat ko ang kamay ni Grant na nakadagan sa katawan ko saka dahan-dahang umalis upang hindi ko ito magising.

Isinuot ko ang damit kanina saka tiningnan si Dylan sa kabilang kwarto, hindi ko kasi siya na asikaso kanina dahil sa naging away namin ni Grant.

Naglakad na ako palabas saka sinilip ang kwarto niya, paulit-ulit na bumabalik ang nangyari sa amin kanina at alam kong panandaliang kasiyahan lamang iyon.

Hindi pa siya sigurado sa totoong nararamdaman niya, maybe he was scared na baka iwan ulit namin siya, malungkot akong ngumiti saka umupo sa kama ni Dylan at hinaplos ang buhok nito.

Mahimbing na itong natutulog sa kama niya, tiningnan ko ang orasan sa gilid.

Pasado alas tres na nang madaling araw, maraming bagay ang bumabagabag sa utak ko.

Ang threat na iyon, patuloy na umiikot sa ulo ko ang tanong sino nga kaya ang nagpadala non? Hindi ko alam gusto kong umalis ulit at magtago kasama ang anak at huwag nang babalik rito sa pilipinas pero may parte sa akin ayaw akong umalis na parang kulang ako kung wala si Grant sa tabi ko.

Hindi ko alam, oo totoo ngang mahal ko siya hanggang ngayon at hindi iyon nagbago kahit ilang taon na ang nagdaan, siya parin, sa kanya parin ako babagsak.

Nanubig ang mga mata ko sa naisip, gulong-gulo na ako, ano pa bang magagawa ko nasabi ko na kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko sa kanya ganun din siya sa akin pero ayaw ko munang maniwala, natatakot ako na baka sinabi niya lamang 'yon para gumaan ang loob ko sa kanya, natatakot ako sa kalalabasan nito.

Ano nga bang gagawin ko?

Mahina akong napahikbi sakanya umalis sa kwarto ni Dylan para hindi ito magising, nagsuot ako ng sweater at lumabas na muna.

Siguro sa rooftop na muna ako at magbababad muna sa pool.

Sumakay ako sa elevator at naghintay ng ilang segundo, nang tumunog ang bell ng elevator lumabas na ako, agad na bumingad sa akin ang malamig na hangin.

Iilan na lamang ang tao rito sa itaas siguro ay tulog na ang iba at nagpapahinga.

Naghanap ako ng lamesa malapit sa may railings saka umupo doon at nagmuni-muni.

Somehow the city lights makes me calmed and relax at the same time.

Bigla akong napangiti nang maalala ang nakaraan noon, he used to be cold but he became soft and weird when it comes to his parent's, he never failed to amuse me everytime his mood changed.

"Avi!"Nakarinig ako ng galit na pagtawag ng pangalan ko mula sa malayo.

I look around and saw Grant, he's wearing a sweater and shorts, his hair is messy and he look so d*mn attractive, mukhang kakagising lang nito.

Hindi nito pinansin ang mga babae nagtawa sa pangalan niya at basta basta nalang ako hinila at pinatayo.

"What the hell are you thinking!?"Galit na sabi niya.

"Ano ba! Ano bang nangyayari sayo? Nagpapahangin lang naman ako."sabi ko sakanya hinayaan ko siyang hilahin ako papunta sa elevator.

"Nang ganitong oras? Sana ginising mo man lang ako!"galit parin na sabi niya kahit na nasa loob na kami ng elevator hindi nito binitawan ang kamay ko.

"Ano bang ikinagagalit mo? Atsaka ayokong gisingin ka kasi ang himbing ng tulog mo."sagot ko rito.

"Kahit na dapat ginising mo parin ako."sabi niya pero hindi na pagalit ang tono ng pananalita niya.

BACK IN THE ARMS OF MY EX-HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now