"Thankyou! Malaking bagay na to."
Pinipigilan kong umiyak dahil aasarin lang ako ng dalawang to.

"Maraming salamat."

Chineck ko ang phone ko. Kanina pa pala tawag ng tawag si Coleen. sigurado akong nag aalala na yon.


Agad akong naghanap ng masasakyan pauwi. Pagkarating Dali dali akong nagtungo sa landlord para ibigay ang bayad, Kahit kulang ito.


"Ito na po yung bayad." Hingal na hingal na sambit ko.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko ng mapansin kong hindi niya tinangap ang perang hawak ko.

"Patawarin mo ako anak, pero naibigay na namin yung kwarto. Masyado ng huli ang bayad mo. Kinaylangan na talaga ng anak ko ng pera kaya tinangap nanamin yung bayad."


Bumagsak na lamang ang aking balikat dahil sa labis na pagkadismaya.

Biglang nag ring ang telephono nito.
"Excuse lang," ani nito bago sagutin ang tawag.


"hello po? Opo, natangap na po namin yung pera, Opo,"





" salamat po, Mr. Trinidad."






COLEEN's POV.

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto agad ko namang binuksan ito.


Bumungad sakin si Gabb na napakadumi ng damit at gulo gulo ang buhok.

"Gabb-"


Sinalubong ako nito ng yakap . dahan dahan ko naman itong hinila papasok sa loob.


"Saan ka ba nanggaling? Bakit ganyan itsura mo?" Hindi niya sinagot ang mga tanong ko at tinitigan lamang ako.



"Huy, kumain ka na ba?"
Bigla itong tumayo at chineck ang ref napansin niyang wala ng laman ito.


"Kain tayo sa labas?"aniya.


"Anong kain sa labas? Anong oras na kaya."


Binuksan nito ang nakatakip na ulam sa mesa at bakas ang pagkadismaya sa mukha nito.

"Sorry, yan lang tuloy yung kinain mo."


"Bat ka nagsosorry? Para kang tanga, masarap kaya."

Unti unting kumunot ang noo nito.
"Tekka allergic ka dito ah? Allergic ka sa malansa diba?"


"Hinde, ayos lang."


Lumapit siya sakin at chineck ang braso ko. Nagulat rin ako ng makita ko ang mga namumulang pantal.

Bakas ang pagkainis at pagaalala sa mukha niya.

"Gabb, ayus lang hindi to malala."
Hindi pa rin ito tumitigil sa pag check sa braso ko kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at hinarap sa akin.

Namumugto na ang mga mata niya na para bang iniiwasang umiyak. Agad niya namang iniwas ang kaniyang tingin.


"Wag ka na ulit kakain nun, Magluluto ako para sayo." Pilit na sabi nito.

"Eeh bakit ikaw? Bakit ngayon ka lang ang dungis dungis mo pa oh." Pag iiba ko ng usapan.

"Pumasok ako sa trabaho."


"Huh? Bakit? Anong trabaho?"


"Sa restaurant."

"Aishh! di mo naman kelangan magtrabaho. Hindi ba sabi ko sayo? ako na ang bahala sa financia-."

"Hinde."

"Bakit?"


"Hinde pwedeng ganon Coleen."


"Gabb, ayokong mapagod ka."

"Kaya ko, okay?"


"Pero mauubusan ka na ng time sakin?"

"Hinde no! Aalagan pa rin kita kahit nagtratrabaho na ko."


"Sure ka?"


"Oo, Basta galingan mo sa school ahh."


"s-syempre."

Bigla kong naalala. Hindi pa bayad ang tuition ko for next sem at kinansela pa nila dad ang credit card ko.


"Okay ka lang?"biglang tanong ni Gabb kaya agad akong nabalik sa wisyo.


"A-ahh, Oo naman."


"Stay with me" Where stories live. Discover now