Napagisipan ko munang maligo at magpalit ng mas komportableng damit. sinubukan ko ulit tawagan si Gabb pero hindi pa rin siya sumasagot.


Binuksan ko ang ref pero wala ng ibang laman na pagkain dito. Buti na lang may canned foods na nakastock at itlog kaya ginawan ko na ng paraan yun.


"Masarap rin pala tong sardinas huh?"


Ngayon lang ako nakakain ng ganito dahil pinagbabawal ni dad na kumain kami nito. dahil na rin laging may nagluluto sa bahay namin.



GABB's POV.

"Tangap ka na, pwede ka ng magsimula." Ngiting sambit ng manager ng restaurant na ito.


"Maraming Salamat po!."



"Sir bat parang ambilis ata niyang matangap?"

"Ano ka ba? Yung mga ganyan tao yung mabilis makahatak ng customer."

"Bakit ako sir? Nung nag apply ako hinanapan mo pa ko ng mga papeles. pati ata baptismal ko hiningi mo na."

"Nagrereklamo ka ba? Tumingin ka nga sa salamin."

Hinintay ko lang matapos silang mag bulungan. Biglang lumapit ang payatot na lalaki na to sa akin.

"Ito oh! uniform mo." Pabalang na sambit nito.

"S-Salamat."


"Sure ka ba na lalake ka ha?"

"Huh? Babae po ako." Biglang nanlaki ang dalawang mata nito at napahawak sa kaniyang bibig.


"Omayghad!"


Nginitian ko lang ito at unti unti rin itong ngumiti sa akin.


"Heyy! My name is bruno, ganda ng name ko dibaa?" Pagpapakilala nito sabay kindat.


"Gabb nga po pala."

"Tara Gabb mag start na tayo, wag kang mahihiyang humingi ng tulong sakin ahh."

Biglang bumait ang tono ng boses niya kaysa kanina kaya medyo napanatag ang loob ko. Agad akong nagsimula sa trabaho.

"Gabb! Sa table 5!"

"Eto na po."

"Sa table 6!"

Hindi ko akalaing mahirap pala itong trabahong to at mas dumami pa ang customer kaysa kanina.


Walang gana kong binagsak ang aking katawan sa upuan.


Binigay ng manager ang sobre na may lamang limang libo. Masyadong malaki yun para sa isang araw pero hindi yun sapat para bayaran yung 30,000 na hinihingi ng landlord.



Chineck ko ang oras 11:30pm na pala.


Agad akong nagpaalam at umalis.
Naisipan kong pumunta sa dorm nila ate Dana at daryll.

"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na." Bungad ni ate Dana.

"Ate Dana, daryll. Pwede bang makahiram ng pera?" Deretsong tanong ko sa kanila.

"Woah? ang yaman yaman mo e-?" Napatigil sa pagsasalita si daryll ng mahalata niyang seryoso ako.


"Bakit may problema ba Gabb?" Tanong ni ate dana.


"Okay, di kita pipilitin magsalita.
Ito 10 thousand, buti na lang kabibigay lang ng budget ko." Ate Dana.

"Oh 5k pasensya ka na, estudyante lang rin ako e." Daryll.

"Stay with me" Where stories live. Discover now