Class 3-C Has a Secret Fan Fic.

Start from the beginning
                                    

Nang makarating na si Lilith sa kinatatayuan ni Andy ay agad inilahad ni Andy ang kanan nya kamay para kunin sa tatay kuno ni Lilith ang kamay nito. Hangang sa nakita namin na may binulong si Andy dito. At syempre ano pa ba kung hindi siguro

“You look so beautiful.” kasi kita ko kay Lilith ang pagmula ng pisngi nito. Huminto na rin si Sarah geronimo sa pagkanta at umupo na rin sila Amanda at Summer sa tabihan ko.

“Ay shit!”sabi ni Amanda na nakaupo na kami bali napag-gigitnaan nila ako. “Bakit Amanda?”tanong ko sa kanya mukha kasing pawis na pawis sya o sa madaling salita haggard.

“Buti na lang itim tong pang abay ko.”sabi nya sabay punas ng pawis sa noo nya.

“Kasi ang bruha hindi alam ang due date nya kaya ayan may tagos buti na lang hindi halata.”sambit naman ni Summer.

“Ay sige I -loudspeaker mo pa.”sabay irap ni Amanda,tong dalwang to mag-aaway pa ata sa simbahan pero alam naman namin na naglolokohan lang to.

“Ay teka asan na nga pala yung ex ko?”tanong sakin ni Summer,tzk tong babaeng to harapan kung sabihin sakin na “ex” nya si Ash. Pero lam ko naman na naglolokohan lang yan.

“Hindi ko alam.eh,baka kung san nanaman magpunta.” “Naku baka nambabae na!”sabi naman ni Amanda

“Loka ka,alam naman natin na mahal na mahal nya si Denise bat naman nya magagawa yon.”pagtatangol sa kanya ni Summer.

“Uyyyy pinagtatangol,uy Denise oh si Summer may pagnanasa pa rin kay Ash.”biro ni Amanda.

“Uy di ah! May iba na ko!”

“Weh? Yung aso sa kalye? XD”

“Loko ka Amanda!”

Hala ayan op na ko masyado,hahaha hayaan mo ko na nga lang sila. Panunuorin ko na nga lang yung kasal nila Lilith at Andy. Lumingon ako patalikod para tignan kung asan si Ash pero wala eh hindi sya mahagip ng mata ko actually isang linggo ko na syang hindi nakikita ang sabi nya nasa Tarlac daw. Sa isip isip ko nga eh baka may nabuntis sya don -_- Nagpatuloy ang kasal hangang sa isang tanong ng pari

“Meron bang tumututol sa kasal?” isang minutong katahimikan. Pero isang tao ang bumasag ng katahimikan sa simbahan.

“ITIGIL ANG KASAL!!” isang boses ng lalaki ang bungalingawngaw sa simbahan lahat kami ay napalingon sa likoran upangg tignan kung sino ang sumigaw na sira ulong yon.

“Shit.”-Amanda “Gosh,bakit?”- Summer Napatayo ako kinauupuan ko at masidhing tinitignan sya... Ash bakit? Bakit mo pinapatigil ang kasal ano bang meron sa inyo ni Lilith? O kung hindi si Lilith....baka si Andy? Baka may relasyon sila? Kung ano ano ang iniisip ko at hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.

“Pre anong nasinghot mo at pinapatigil mo ang kasal!”sigaw ni Andy na halata rin na gulat na gulat.

“Ash....”sambit ko. Lumakad sya sa aisle at nakita kong napatingin sya sakin pero agad din umiwas. Ano ba Ash bat mo to ginagawa sakin.

Class 3-C Has a Secret Fan Fic.Where stories live. Discover now