FIVE

14 2 1
                                    

Heimdal's POV

Ate woke me up with a set of missed calls and another one was coming.

"Ano ba?! Kanina pa ako tumatawag, bakit hindi mo sinasagot? Basahin mo yung iminessage ko sa'yo kaninang madaling araw! Anong oras na? Nasaan ka na ba? Alam mong may pupuntahan pa ako! Halika na!"

She keeps on nagging and nagging and nagging at me. Seriously, doesn't she feel tired talking at all?

"Oo, papunta na." tsaka ko na pinatay ang tawag. I'm wearing a white-colored button-up top with stripe gray sweatshirt, paired with black jeans. Nagsusuot na lang ako ng sapatos ngayon tsaka aalis na rin.

Lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa lugar na sinasabi ng ate ko. Nang makarating sa kinaroroonan, pumasok na agad ako. Hinanap ko kung saan siya nakapwesto at agad siyang pinuntahan. Nakahanda na sa lamesa ang mga pagkain at hindi pa nagagalaw. Kaya naman pala galit na nang tumawag siya.

"Oh ano? Ang tagal mo, ha. Panigurado nagpuyat ka na naman kaya late ka gumising ngayon kahit noong isang araw ko pa paulit-ulit na sinasabi sa'yong kakain tayo sa labas. Late ka na nga gumising, dinaig mo pa ako sa tagal mong mag-ayos ng sarili mo bago ka pumunta dito. Akala mo naman kung artista eh. Artista ka?" pang-aasar niya. Napakahimala nalang talaga kapag bigla biglang nagkakaroon ng mood swings 'to. Galit na galit noong tumawag pero ang lakas mang-asar ngayong dumating na ako.

"Kumain nalang tayo, dami mo pang sinasabi eh sobra ka naman kung magalit kanina." tsaka ko nilantakan ang mga pagkain nasa harapan ko.

"Ayan! Sige, magpuyat ka pa sa cellphone mo, 'di magtatagal diretsyo ka na sa libingan. Iwas-iwasan mo kakacellphone mo, kupal ka. Sa tagal mong dumating, nanlamig na 'yang mga pagkain." usal niya tsaka na rin siya nag-umpisang kumain.

We know we weren't close enough since the day her work started, but she still makes sure that we felt we vibe with each other whenever she has time for me. I rarely see her and sometimes doesn't come home but when she does, she'll prepare meal for the two of us. I suppose that her salary was given to them yesterday. Also, she got her one-day day-off and it's probably today. So lucky of her to have a bond with her handsome brother, isn't it?

"Alam mo, ate... ang swerte mo, noh? Panigurado sumahod ka na naman tapos sumakto pa na ang day-off mo ay sa araw matapos niyong matanggap yung sahod niyo. Nagkaroon ka pa ng chance na mailabas mo ang nakapapogi mong kapatid na walang ginawa kundi ang magkulong sa bahay. Grabe, napakabait mong ate, noh? Naalala ko tuloy, may nakita akong sapatos doon sa ano e, ah eh diyan lang, lalakarin mo lang ng kaunti mula dito ganoon tapos andoon yung shop, ate alam mo yun? Yung sapatos, bagay sa akin panigurado." nagpaparinig ako sa kanya habang kumakain.

Napangiti siya. Alam niyang inaasar ko na naman siya at paniguradong hindi niya ako tatanggihan.

"Nakakaawa naman diba kung naiiwan lang sa bahay yung kapatid mong napakapogi tapos wala man lang pareward diyan." dagdag ko pa sabay ngiti nang nakakaloko.

"Ah gano'n? Sige, sandali." sabi niya nang nakangiti tsaka niya binuksan ang bag niya. Biglang napawi ang ngiti niya nang kunin niya ang kaniyang phone. Her forehead creased.

Kinuha niya iyon tsaka siya tumayo at sinagot ang phone niya. Maya't maya pa'y kinuha niya ang bag niya sa kinauupuan niya kanina.

She slid her hand inside her bag then she handed me five pieces of a thousand-peso bill. She lowered herself into my ears then she whispered.

"Gotchu! Pasensya na, I must leave. There's an emergency sa department namin. I'm in the right position to hold the responsibility. Spend that money, if that's not enough, call me right away. Nabayaran ko na 'yan. Ikaw na bahala sa sarili mo. Gonna message you if uuwi ako." then her hand patted my shoulder. Right after, I heard her stilletos walking away.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 09, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Cold Summer Nights || On-HoldOnde histórias criam vida. Descubra agora