Teaser

32.1K 530 5
                                    

Umiikot lamang ang buhay ni Shaniah Gonzales sa fashion world. Nagmula siya sa lahi ng mga artist na mahuhusay sa larangan ng sining. Magaan ang buhay niya, malaya at higit sa lahat ay masaya siya sa propisyon niya bilang fashion designer.

Ni minsan ay hindi niya sinubok na pasukin ang mundo ng pag-ibig. Naniniwala siya na hindi niyon mahihigitan ang buhay meron siya. Subalit nang makilala niya si Brandy—ang kaibigan ng suki niyang modelo na si Whiskey ay tila natutukso siyang buksan ang puso para sa pag-ibig. Ngunit taglay ni Brandy ang mga katangian ng isang lalake na isinumpa niya.

Gusto niyang subukan ang lalake kaya ito ang pinili niyang Engineer na gagawa sa bahay niya. Ngunit habang tumatagal na madalas silang nagkikita ay tila hindi na niya masusuway ang kanyang puso.

Mapapanindigan kaya niya ang prinsipyo na hindi siya iibig sa katulad ni Brandy na walang ginawa kundi paglaruan ang mga babae? 

Bartenders Series 4 Brandy (Completed) RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon