"Okay si trisha at justin, si Ly at Stell, ako at si yani, si penny at kalix, kayong tatlo?" tanong na wika ni ate rose

"Ahhhhhh!! Mga beshyy!" sigaw ng babae

"Ahh!!! Angge!" sigaw ng tatlo (Ly, Trisha at penny)

Agad nilang pinuntuhan at niyakap ang babaeng nangangalang angge.

"Namiss ka namin!"

"Me too!"

Nagsibitawan sila ng yakap at nang makita ko ang mukha niya ay napag alaman kong si Angeline Cruz ito....

Si Angeline Cruz lang naman ang isa sa inspirasyon ni Sejun na isa sa minahal nito na hanggang ngayon ay ganoon pa din ang nararamdaman.

"Anong ginagawa mo dito angge? Ang huling tawag namin eh lasing kayo ni janjan" ngiwing wika ni penny

janjan? Parang familiar hmmm..

"Alam mo kung nandito lang si ano, nasapak ka na nun you know diba ayaw niyang----"

"Tinatawag na ganun dahil si ano lang gusto niya ang tumatawag sa kaniya nun" pagtatapos na wika ni Ly

"Yeah yeah! So I'm here kasi wala lang! Nabored lang ako sa america but uuwi din agad ako pero I will stay at your condo Trish andun na nga gamit ko eh" wika nito

"Tsk eh ang dalawa?" ngiwing wika ni Trisha

"Nasa italy sila pero pauwi na ngayon sa america" wika nito

Wow ang bibigatin naman ng mga kaibigan nito.

"Bakit daw?" wika ni kalix

"Bored din! At tsaka kakatapos lang nila sa photoshoot roon"

"So kailangan pala may kapares dito eh wala ako nun" ngiwing wika nito

"Ah ayun oh! Kami nalang ni ken ang magsasama" ngising wika ni Josh

"Pano ako?" tanong ni sejun

"Edi kayo ni Ms. Angge" ngising wika ko

"Ayoko"wika nito

"Tara na trisha!" wika ko sabay hatak sa kaniya papasok ganun din ang ginawa nila at naiwan ang dalawa sa labas

"Ano po sir and ma'am? Madami pa po ang naghihintay sa inyo sa likod" wika ng staff

"Okay fine" taas kilay na wika ni angge

Walang choice ang dalawa kaya sumakay nalang sila.

Nang nasa taas na kami ay dun ko tinanaw ang labas.

"Ang Ganda" manghang wika ko

"Oo ang ganda nga" ngiting wika ni Trisha

"Hinding-hindi ko toh makakalimutan shang" wika ko habang nakatingin sa kaniya

"Ako din" ngiti nito

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo at pisngi.

"Wag mo kong iiwan ha?" wika nito

"Oo hindi kita iiwan. Hinding hindi na kita tatalikuran" wika ko

Ngumiti lang ito at niyakap ako. Ganoon ang pwesto namin hanggang sa matapos ang ride na iyon.

"Ah sige aalis na ko. Magkita nalang ulit tayo shang, ly at penny" ngiting wika ni angge na halatang kakatapos lang umiyak

Tinignan ko si sejun na ngayon ay nasa baba ang tingin. Nang inangat niya ang ulo niya ay binigyan ko siya ng pagtatakang tingin pero umiwas lang ito ng tingin.

"Hoy stell! Pag sinaktan mo si Ly yare ka kay elle! Papatayin ka nun" bantang wika nito.

"A-ah hindi ko siya sasaktan pangako!" wika ni stell

Ngumisi lang ito at umiling "Sige paalam" wika nito sabay yuko kaya yumuko na lang kami

"Hays ansarap pala gayahin yung nasa kdrama noh? Ganun pala yun" biglang wika nito

"Sira ulo ka talaga!" naasar na wika ni Trisha

"HAHAHAHHA loveyou! Bye!" paalam ulit nito at dali-daling umalis

"Bat siya lang? Dapat pinilit niya yung dalawa" wika ni Ly

"Hays, hayaan mo na tara uwi na tayo gabi na oh!" sabi ni Penny

Hmm? Sino kaya yung dalawa na yun? Grabe kaibigan din pala nila si angeline? Wow grabe naman si tadhana hahaha.

Habang nasa biyahe ay nakatulog sila sejun maliban lang saming dalawa ni trisha.

"trish? Tanong ko lang if ilan taon na yung dalawa niyong kaibigan?" tanong ko

"Ah yung si jae ay 24 yrs old na na-inlove sa 27 yrs old hanggang ngayon at si Gen naman ay 23 yrs old na nainlove rin sa kaedad niya hanggang ngayon" ngiting wika nito

Teka? Edad lang naman tinatanong ko ah?

"Ha? Hindi ba sila ni love back?" tanong ko

"Hindi" malungkot na wika nito

"Eh si angge?"

"26 na siya" wika nito

"Sad, ang tatanda nila pero hindi pa din nila nakikita ang para dapat sa kanila"

Nakakalungkot dahil hanggang ngayon ay mahal pa din nila ang hindi naman kayang mahalin sila pabalik.

"Pano kayo nagkakilala?" tanong ko

"Sa amerika, modeling tapos nag share kami ng buhay namin dito sa pinas hanggang sa hindi na kami mapaghiwalay para na kaming magkakapatid" ngiting wika nito

"Pare-pareho kaming umalis dahil sa pangarap namin, pare-pareho din kaming broken nun, iniwan kami at nang iwan din kami para maibsan ang sakit na nadarama"lungkot na ngiti nito

Ngayon ay alam ko na kung bakit ang close nila sa isa't-isa, sila-sila nalang pala ang nagdadamayan makalipas ang limang taon.

HAPPY BIRTHDAY KAY JUSTIN DE DIOS! AYIEE 22 YRS OLD NA PO SIYA! SANA HINDI KA ICRUSH BACK NG CRUSH MO! CHAR LANG HEHE

ENJOY READING LOVELOTS!


PRESENT.

Your votes and comments are highly appreciated ;)


MY OWN PHOTOGRAPHER Where stories live. Discover now