"Hey! Mark? Are you alright?" nabalik ako mula sa pagtitig sa katawan ni Tale nang bahagya niyang haplusin ang pisngi at noo ko.

"Wala ka namang sakit." komento niya matapos damhin ang ibang parte ng mukha ko. Marahan kong napalo ang kamay niya na  medyo ikinatawa niya lang. "What? I'm just worried about you!" kahit kailan talaga hindi siya nauubusan ng oras na asarin ako.

"Kailan ka pa naging concern sa'kin?"

"I'm always concern about you, Mark."

Nangingut na lamang akong tumungo sa kusina at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga pinamili ko. Minsan napapatigil na lang ako sa aking ginagawa dahil sa tutok na tutok ang atensyon ni Tale sa bawat kilos ko. Kitang-kita ko ang mala-abo niyang mata na sumusunod sa bawat galaw ko habang prenteng nakaupo sa stoolbar nitong island counter. Napapailing na lang ako sa kalokohan niya.

"Magsuot ka nga ng tshirt do'n. Hindi ka ba nilalamig?" hindi na maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa simpleng bagay na nangyayari sa aming dalawa ngayon.

"Ayoko nga. Ikaw na rin ang nagsabi na mainit. Look oh! I'm sweating." gumuhit ang isang malapad na ngisi sa kanyang labi habang nakaturo sa maumbok niyang dibdib na hindi na mababakas ang pawis hindi tulad kanina. Kahit kailan talaga...

"Bakit? Nasa labas ba tayo ngayon?"

"No..." akala ko ay hindi na siya magsasalita dahil sa matagal niyang pagtigil. "Why Mark? Are you really that distracted to my body?" gusto ko siyang sapakin ngayon para naman mabawasan ang pamboboska niya sa akin ngayon. Ano kaya ang nakain ng lalaking 'to at naisipan na naman akong asarin?

"Ang kapal ah! Sino kaya ang patay na patay sa ating dalawa?" napapitlag ako sa aking kinatatayuan ng bigla na lamang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Umiba ang ekspresyon sa kanyang mga mata maging ang kanyang ngisi ay mas lumapad pa.

Hindi ko inaasahan ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin samantalang ako ay parang aso na naghihintay sa pagdating sa kanyang amo. Ultimo mga daliri ko sa kamay ay hindi ko magawang maigalaw.

"D-dyan ka lang. Binabalaan kita Tale. Kapag lumapit ka dito---" hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

Dama ko ang malakas na pintig ng aking puso dahil sa labis na kaba. Ang kaninang init ay nanumbalik sa aking sistema. Kitang-kita ko sa malapitan ang bawat guhit na humuhulma sa mala-adonis niyang katawan dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Para akong nauubusan ng hangin sa nasisilayan ko ngayon.

"Or else what Mark?" nabaling ang tingin ko sa mga mata niyang kanina pa sa akin nakatitig. Nakakahipnostismo ang kanyang tingin na sa puntong hindi ko na magawa ialis ang aking tingin sa kulay abo niyang mga mata.

Kusang gumalaw ang aking kamay papatong sa kanyang maumbok na dibdib. Damang-dama ko mula sa aking kamay ang malakas rin na pintig ng kanyang puso. Parehas kaming natahimik nang maging siya ay pinatong rin ang kamay sa aking dibdib at damhin ang tibok ng puso ko.

"Wish you have bigger boobs." sambit niya mula sa kawalan. Muli, nabalik ako sa aking sarili at mabilis na kinaltukan ang kanyang noo.

"Aw! Fuck!" malakas niyang daing sa ginawa ko. Tila nagmukha siyang bata na hinahaplos ang kanyang noo.

"Kahit kailan talaga napakaloko mo!" napakagat ako sa aking labi dahil sa inis sa kanya. Akala ko pa naman  seryoso na siya kanina kaso hindi mo pala talaga maaalis ang kalokohan sa sistema niya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon