Prologue

15 1 0
                                    

           
      "Mahal na mahal kita Ten, Wag ka namang mag bingibingihan oh"

Bakit ba kami umabot sa ganito? Bakit hinayaan kong umabot kami sa ganito? Napaka bigat ng pakiramdam ko lalo na ngayon, kung paano nya ako tingnan para bang isa akong napakababang babae na isang basura sa kaniyang paningin.

"Hindi na kita mahal Alouette! Matagal na kitang kinalimutan,"

Kahit paulit ulit ko ng narinig sa kaniya kahit paulit ulit nyang winawasak ang puso ko ay hindi ko magawang bumitaw sa kaniya.

"Im so sorry, please give us a chance! I know your still love me, I can feel it Ten please"

Nasasaktan ako sa paraan ng pag titig niya sakin, napakaraming tao ang nanood samin ngayon hindi ko nga alam kong saan nakuha ang lakas ng loob para lumuhod at gumawa ng eksena dito sa field.

Pero isa lang ang alam ko iyon ang makuha si Tenley ang lalakeng hindi ako iniwan

"Hindi na kita mahal Alouette tantanan mo na ako!"

Ang lalakeng hindi ako pinabayaan

"I cant leave without you Ten!"

Ang lalakeng nag tiis sa ugali ko

"You can"

Ang lalakeng paulit ulit kong sinasaktan pero

"I love you Ten, Im begging you"

Paulit ulit din akong pinatawad.

"No, you dont love me. You love your self "

Sya ang lalakeng hindi na papagod na mahalin ako

"Pagod na kong mag pakatanga sayo Alouette"

Ang lalakeng hindi ko alam na hahanaphanapin ko

"Hindi na ako ang dating Ten na mag bubulagbulagan sayo!"

Ang lalakeng kababaliwan ko ng husto

"Hinding hindi mona ako magagago "

Ang lalakeng paulit ulit kong pinag sisiksikan ang sarili ko

"Ito ang isaksak mo sa kokote mo"

Ang lalakeng minamahal ko ng husto pero

"Matagal na kitang inalis sa buhay ko"

Hindi na niya ako gusto

"Hindi na kita mahal"

Dahil

"At hinding hindi na kita mamahalin ulit"

Huli na ako.

Huli na ba ako?

                   #Icarusstories

Behind the times of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon