Forever TORPE??? (One shot story)

5.3K 152 30
                                    

Torpe?

Nakakahiya mang sabihin pero....isa na ako diyan. Ako nga pala si Ivan Josh Briones. At ang laging bansag sa'kin ng mga kaibigan ko, "TORPE" Bakit ba, ano bang masama sa pagiging torpe? Wala naman siguro di'ba?

Ang daming babaeng ayaw sa mga lalaking torpe. Hindi rin naman madaling maging torpe no. Hindi madaling maging lalaki. Ewan ko ba sa mga babae kung bakit galit sa lalaking torpe, kayo kaya maging lalaki. Hindi madaling mapahiya, lalo na ang ma-busted. Kaya siguro lumaki akong torpe kasi takot akong ma busted. Sino bang lalaki ang hindi takot ma busted? Tsss. Ang drama ko.


Kasi nga torpe!

Minsan nagagalit na ako sa sarili ko, kasi sumusubra na yata ang katorpehan ko. Noong nasa fourth year palang ako no'ng nagkaroon ako ng classmate na crush ko. Transferee. Unang kita ko  palang sa kanya crush ko na agad. Tinamaan kumbaga. 

Gusto ko siya kaibiganin kaya lang nahihiya ako. Tsaka mahiyain din siya, kasi nga siguro wala pa siyang kaibigan. Bago palang kasi. Gusto ko kunin number niya para maka-textmate ko. Kaya lang ayan na naman, nahihiya na naman ako. Kaya ang ending, nag patulong ako sa kaibigan ko.

At ang naisip niya?

Kumuha siya ng papel tapos kinuha niya lahat ng number ng mga ka-klase ko. Utak talaga, isa lang hiningi ko binigay sa'kin lahat. Di'bale, sinulat parin naman niya number niya.

Pagdating ko no'n sa bahay tinext ko siya ng "Hi."

Sobra naman ang dasal ko no'n na sana mag reply. Ilang oras din ng nag reply siya.

"Sino 'to?"- Reply niya. Mabilis pa sa alas kwatrong nag-reply din ako.

"Si Ivan. Classmate tayo."  Nahiya ako sa reply ko. Waaaa! Pero di ba'le. Nag reply pa.

"Ahh. Hello, Ivan."   Waaaa! Nag hello siya. Tapos sinulat pa niya ang pangalan ko. Ang babaw ko ba? Pero bahala na. Kala niyo babae lang marunong kiligin? Kinikilig din namin kaming mga lalaki no. Kaya lang sinasarili namin.

Halos tatlong oras din kaming nag text ni Annica no'n. Ang bait niya talaga, sobra. Kahit na sa text lang basta feel ko mabait talaga siya.

Tapos sa school, lagi ko siyang tiniti-tigan. Minsan nahuli ako ni Ryan. Kaibigan ko.

"Hoy!" Nabitawan ko 'yong ballpen ko. Kasi naman, manggulat ba naman?

"Ano ba?" Asik ko sa kanya.

"Halos maubos mo na 'yang takip ng ballpen mo." Tumawa pa ang gago.

"Trip ko 'to, paki mo?" Sabay pulot ko sa ballpen ko.

"Trip mo ang titigan si Annica sabay kagat diyan sa ballpen mo?" Dahil sa sinabi ni Ryan tinapon ko sa kanya ang ballpen ko. Ang lakas naman kasi ng boses. Baka marinig ni Annica. Naku, maupakan ko talaga 'to.

"Noh? Si Annica tinititigan mo no?" Asar niya pa.

"Hindi, ah!" Tanggi ko. Naman kasi, alam ko ang hilatsa ng utak nitong si Ryan. Alam kung ipagkakalat nito iyon oras na may malamang sekreto.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"OO." Sagot ko sa kanya. Nginitian lang ako ng mokong. Tapos umalis na sa harap ko. Salamat naman. Tumayo ako para kunin 'yong ballpen ko. Pag balik ko sa upuan ko nakita ko si Ryan nasa tabi ni Annica...

Forever TORPE??? (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon