Prelude

21 1 0
                                        

"Pagod na ako, itigil na natin ito."

Nakabibinging katahimikan. Iyan lamang ang naging tugon niya sa mga sinabi ko. Kahit pagod at nanghihina ako, muli kong inipon ang lakas na natitira sa akin para magsalita ulit. Para sabihin sa kanya ang iniisip ko ng mga panahong iyon.

"It's the only choice I have Alexander."
Who knew? Who knew those words are enough to break two people in just one snap? Hindi lang ako nakasakit. Nasaktan din ako. Sobra.

"Magsalita ka naman!"

He didn't move. He didn't say anything. Nanguna ang takot sa mukha niya na biglang napalitan ng blangkong ekspresyon. His every movement makes me shiver. Nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin. Hindi ko alam kung ano na ang sasabihin. Nanginginig na ang buong katawan ko. Basa na rin ako sa pawis. Nahihirapan akong lumunok. Para kasing may nakabara sa aking lalamunan. Kanina ko pa pinipigilan ang nagbabadyang pagbuhos ng aking mga luha.

"Ano pa bang sasabihin ko? Ikaw na mismo ang nagdesisyon para sa atin." sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Akala ko lalapitan niya ako. Akala ko luluhod siya at sasabihin niyang hindi niya gusto, na hindi niya kaya pero hindi. Sa halip ay mabilis na tumalikod ito.

"Alex--"

"Pinapadali ko lang ang gusto mong mangyari Amber."

On The Other SideTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang