ㅤ╰► TRIGGER WARNING
ㅤㅤㅤㅤ ݄⿴݃*₊↷ 。
Kunot noo kong pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Tila hindi mawari kung tama ba ang aking nakikita. Ang aking repleksyon na pinapakitang ako ay masaya. Nakangiti, ibig sabihin masaya, hindi ba?
Natawa ako ng bahagya sa aking naisip ngunit tila isang masamang hangin ang biglang bumulong sa aking isip.
"Nagkakamali ka. Hindi ka tuluyang magiging masaya."
Tila tunog ng nabasag na pinggan ang umalingawngaw sa aking tenga, na ajo lamang ang nakarinig. Isang sulyap pa at tila libu-libong karayom ang tumusok sa aking puso.
"Anong nangyari?"
Napahawak ako sa gitnang bahagi ng aking damit at napahikbi. Halu-halong emosyong ang nagsimulang bumalot sa aking buong pagkatao. At sa isang iglap, bumuhos ang mga luhang pilit kong kinukubli. Ang sakit na pilit kong binabaon sa kaibuturan ng aking puso ay sumabog na parang granada.
"Hindi maaari.."
Napaluhod ako sa harapan ng malaking salamin, sapu-sapong ang mukhang basang-basa na ng luha. Ang aking isip ay napupuno na ng katanungan..
Bakit?
Ano?
Paano?
SINO!
Saan..
Bakit ganito...parang binabagyo ang aking pagkatao, tila ba...naliligaw na naman ako..
Ano? Ano ba talaga ang aking dapat na gawin upang kanilang magustuhan?
Paanong ang munting kagustuhan kong maging masaya ay nag-uuwi lamang ng kalungkutan sa aking puso?
Sino....ang dapat sisihin? Ako ba na nagnanais lamang maging masaya? O sila na makasarili at hindi makaintindi...
Saan ba dapat ako lulugar upang aking matagpuan ang kasiyahang inaasam?
At parang ulan na unti-unting tumila ang buhos ng luha sa aking pagod na mga mata. Isa pang sulyap sa harapan ng malaking salamin.
Isa pang sulyap mula sa aking malungkot na repleksyon.
Isa pang sulyap...bago ko lisanin ang mundong dumudurog sa aking pagkatao..
Isa pang sulyap...paalam.
ㅤ
ㅤ
