Goodbye

10 1 1
                                        

I'm Haze may boyfriend ako si West matagal na kaming magkasintahan. Legal kami both side pati sa mga barkada ko kilala na din sya.

"Babe sure ka payag ka lang na sasama ako kina mama" tumayo ako tsaka lumapit ng upo sa kanya.Andito kami sa bahay nila.

Nagpapaalam kase ako para sa family reunion namin.

"Oo naman ano ka ba babe family reunion nyo yan minsan lang yan di ka pa sasama ikaw talaga uuwi ka naman eh" hinila nya ko paupo sa kanyang kandungan.

"Eh ano kase ilang araw din kita di makakausap walang signal dun" nakangusong sabi ko sa kanya.Ang hirap kase makahanap ng signal dun lalo nat probinsya ang pupuntahan namin.

"Eh ano naman ngayon ang importante may tiwala tayo sa isat isa at ang mahalaga uuwian moko tama na yang kakapraning mo" nilagyan nya ng pagkain ang bibig ko para hindi na makasalita.

How lucky I am to have this man.Ako na yung pinaka swerteng babae dahil may understanding faithful and loving boyfriend akong nakilala.

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos ng lunch mag eempake pako ng gamit kase gabi daw yung biyahe para hindi na kami maabutan ng traffic sa daan.

~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa bahay na kami ng Lola ko kung saan ginanap yung family reunion namin as usual nasa gilid lang ako nakabusangot.

Nagpaiwan nalang sana ako sa bahay ang boring naman ng ganito.

May lalapit lang na mga tita at Tito ko para mangamusta.

"Maa cr lang ako" tumango lang ito tumayo nako.

"Arrggh ilang oras pa ilang araw pa kami dito" nag cr lang naman ako para makawala sa bored na lugar na yun.

Kinuha ko ang cellphone ko nagbabakasakaling makahanap ng signal.

"Ohh my may signal dito" dali dali akong nag open ng Facebook wala naman akong load pangtawag kaya dito na lang.

Nadismaya ako ng wala ako makuhang text galing kay West akala ko pa naman kahit wala akong signal magchachat pa rin sya.

Nag scroll nalang ako.

Maya maya lang nabigla ako ng mag chat yung isang kaibigan ni West di naman sila ganito kaya kinabahan ako ni minsan di ko sila nakakausap through social media kase seloso si West.

Binasa ko yung mahabang chat nya.Biglang tumulo na lang yung luha ko.

"Hindi!! isang araw palang West bakit ganito" tila pinipiga sa sobrang sakit yung puso ko.

"Ang daya bat ganito na ginawa mo" pinunasan ko nalang yung luha ko bago lumabas.

Pinilit kong ngumiti pinilit kung kalimutan muna yung sakit kahit ngayon lang isipin ko muna na wala lang yun hindi pa din naman sigurado kung totoo ba.

Pauwi na kami habang nasa daan pa kami hindi nako mapakali hanggang ngayon di ko na ulit na open yung cellphone ko.

Ginising lang ako ni mama ng dumating na kami sa bahay. Hinang hina pa rin ako dahil sa biyahe siguro.

"Akyat nako ma" diko na hinintay na sumagot ito.

Kinuha ko sa bag yung cellphone ko tsaka sya tinawagan.

Ilang ring lang ng may sumagot

"Hello sino to" napatigil ako ng babae yung sumagot.

"Hello sino po to sorry kung sino ka man di kase naka register yung number mo sa phone ng boyfriend ko" napatakip ako saking bibig sabay buhos ng luha saking mata.

Pinatay ko yung tawag ang daya umalis lang ako dahil sa family reunion pag balik ko may iba na.Asan na yung mga sinabi mo bago ako umalis west napakadaya mo.

Diko namalayan nakatulog na pala ako kakaiyak.Nagising lang ako ng may kumatok.Inayos ko muna yung sarili ko bago binuksan.

"Nik" niyakap ko sya napahagulgol na naman ako .

My bestfriend she used to be my shoulder whenever I want cry and now she's here in front of my room.

"Ang sakit nik naniwala ako sa mga sinabi nya bago ako umalis"

"Shhhhhhh tahan na kausapin mo sya puntahan mo baka prank lang yun" inalo alo nya muna ako.

Ang dami nya pang sinabi sakin bago sya magpaalam kase gumabagi na.

~~~~~~~~
Naisip ko lahat ng sinabi ng kaibigan ko kahapon kaya eto ako sa labas ng bahay nila West wala pa naman kaming official break up kaya di ako naniniwala na may bago na sya.

Mag dodoor bell na sana ako ng may magandang babaeng nagbukas na ng pinto.

"Yes miss sinong hinahanap mo?" Ang amo ng kanyang mukha.

"Andito ba si West?"

"Ang si West wala dito yung boyfriend ko may pinuntahan baka bukas pa yun uuwi balik ka na lang bukas" sinirado nya muna yung gate bago ako tiningnan.

"Saka miss mag white ka bukas ahh" tumalikod na ito sakin.

Bat ako magpuputi bukas?naguguluhan ako sa sinabi ng babae.

Ni walang luha ang lumabas sa mga mata ko.Umuwi lang akong nakatulala ni kausap ni mama hindi ko nasagot.

Nakatulugan ko na naman yung pag iisip bat gusto ng bago nya na magpuputi ako.

Gaya nga ng sabi nya nagsuot ako ng plain t shirt at andito nako sa labas ng bahay nila.

Ang dami ng tao diko alam anong meron hindi naman kasal diba nagsisimula ng manubig ang aking mata.

Nakabukas lang yung gate kaya pumasok na lang ako.

Lahat ng tao sa paligid ko parang namatayan ang lulungkot ng mga mukha patuloy lang ako sa paglalakad hanggat makita ko yung puting kahon sa harapan ko.

"Hindi! Hindi to totoo" napatakbo ako sa kabaong

"Ang daya mo si West sabi mo uuwian pa kita tapos yung uuwian ko nasa kabaong na ang daya mo ang daya daya mo" hinahampas ko yung kabaong .

Napatingin ako sa babaeng yumakap sakin.

"Sorry if I lied to you yung araw na tumawag ka rinig na rinig ni West yung boses mo na umiiyak ka ayaw nya na umiiyak ka kase sabi nya ang sakit na iwanan kang luhaan ayaw ka niyang saktan kaya mas pinili nya na magpanggap ako na gf nya last day nya na kase nung araw na yun gusto niya na kamuhian mo sya pero hindi nya alam na mas masasaktan ka sa nangyayare ngayon sorry pinsan nya nga pala ako" yumakap parin ito.

Nanghina ako yung akala ko may iba lang sya.

"West bumangon ka na sabi ko diba hindi na sana ako umalis napakadaya mo di mo man lang sinabi na ganito na pala yung sitwasyon mo" umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ng pinsan nya.

Matagal na pala siyang may leukemia kaya pala minsan napapansin ko na may kakaiba sa kanya.

Last day na ni West andito kami sa cementery

"West mahal na mahal kita kahit na iniwan moko ng ganito sana maging maayos kana kung nasan ka man ngayon" sambit ko ng tinatakpan na ito sabay ng pagtapon ko ng bulaklak.

Hanggang sa muli nating pagkikita mahal.Antayin mo ko mahal alam kong maging masaya kana sa kung nasan ka man ngayon.

'I LOVE YOU WEST' walang tinig kong sabi sabay talikod sa kanyang puntod.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now