Chapter 1

0 0 0
                                    

"welcome to the college life wohoooo" sigaw ni abby na para bang nakawala sa hawla

"ulol men, ingay mo" nakakalokong sabi ko.

This is our first day in college at hindi na rin ako mag tataka kung bakit ganyan ka excite si abby, eto rin kasi ang unang araw namin na mag kakasama sa iisang condo, mas gusto nya yun. Gusto nyang humiwalay sa mga parents nya e, independent daw ang gaga, pero pati ako sinama.

"ya, dito na tayoooo room 316"  by the way our school named International College, kilala ang school na ito bilang isa sa may mga pinaka magaling na estudyante. Kilala din ito dahil sa mga estudyante na nagiging exchange students, yung tipong ipapadala ka sa ibang bansa para dun ka mag aral, parang ganon ata.

"hoy drie, ano't lumulutang ka jan, sabi ko tara na. Lutang ang wolaa" sigaw ni abby

"nakakahiya wag kang sumigaw"
Sabi ko saka sumunod

"ang akala ko ang building na to puro accountancy lang, di pala."

"bakit anong course pa ba ang meron dito?" tanong ko

"Business ad, nabasa ko kanina sa kabilang room business ad ang nakalagay e."

"ay ganon." tumango lang sya at hindi na ulet nagsalita.

Nag antay-antay pa kami ng ilang minuto saka lang dumating ang isang estudyante na parang may katungkulan sa school na to.

"Goodmorning students, kayong lahat ay inaanyayahang pumunta sa ating gymnasium para sa orientation."

Lahat kami ay nagsitayo at tsaka pumunta sa gym.

"ang laki ng school grabe, hahaha" manghang sambit ni abby

"tuwang tuwa ah hahaha"

"malamang hindi naman ganto kalaki yung school natin nung senior high sa indiana e" sa indiana kami nag senior high ni abby, well dun ko din sya nakilala at of course naging bestfriend.

Pagkatapos ng ilang minutong lakaran ay nakapunta na kami sa gym, hindi na ako mag tataka na pati ang gymnasium ng school na ito ay sadyang napakalaki rin. Lahat
Talaga ng estudyante ay kasya, maluwag pa nga kung tutuusin.

"Goodmorning students, welcome to the International College" bati saamin ng isang professor.

Ang mga ibang professor at dean ay nakaupo lamang sa gilid at nakikinig kagaya namin.

Siguro ay isang oras din ang itinagal ng orientation bago ito natapos.

"thank you for listening enjoy students, and by the way kung napapansin nyo ay may mga tent sa labas," lahat kami ay napalingon sa may labas ng gymnasium.

"yan ang mga clubs natin dito sa IC, if you want maari kayong mag register sa mga tent na yan, Goodluck"

Tumayo na kami ni abby saka nag libot libot para matingnan ang mga clubs na meron sila sa school na to.

"Drie! Debate club!" sigaw ni abby saka tinuro ang isang tent.

Parehas nagliwanag ang paningin namin ni abby ng makita namin ang club na gusto namin. Saka kami dali dali na pumunta sa may tent na tinuro nya.

"Hi, interesado kayo?" masigla at masayang bati sa amin ng babaeng nakatayo sa may tent.

"yes." diretsahang sabi namin.
Nag register kami at tsaka nag tanong tanong about sa club na papasukan namin.

"If you have a question, masasagot namin yan sa meeting mamaya, sana makapunta kayo. Magkakaroon din kasi ng pre-debate kung saan mag kakaroon ng parang maliit na debate na syang sususbok sa kakayahan nyo bilang myembro"

Playful Destiny Where stories live. Discover now