Chapter 2

44 17 2
                                    

Manang Ester's Pov

"Jusko kang bata ka!" saad ko at inalog alog siya

Pinasadahan ko naman ng tingin ang katawan niya at napansin kong nakakapasa siya jusko ano ba nag yayari sa batang to hindi ata ito umiinom ng gamot niya eh

Halos isang oras na akong nag aantay dito sa loob ng kwarto ni zoe para sa resulta niya. Kanina nung nahimatay siya ay naisipan kong tawagin ang personal doctor niya pero wala ito kaya napag disesyonan ko nang dalhin siya sa ospital.

Ewan ko ba sa batang ito ayaw niyang ipasabi sa nobyo at sa mga kaibigan at magulang na niya may sakit siya Oo at alam nga ng magulang niya pero yung bumalik sakit niya di na niya pinasabi dito dahil daw wala naman daw paki gusto ko man sabihin kaso nag pupumilit halos siya na ang tumayo kong anak simula nung namatay ang anak ko kaya alagang alaga ko yan si Zoe

Habang nakahiga siya sa hospital bed ay nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya at tinitigan namumutla na naman ang alaga ko alam ko mahihirapan na naman siya neto mahal na mahal ko tong alaga ko na to ako na nga lang daw ang nanay niya biro niya nun

Habang pinag mamasdan ko yung muka niya ay nakita ko ang isang luha na pumatak sa mata niya nakakaawang bata hindi manlang inaalala ng magulang. Habang pinusan ko siya ay pumusok na ang doctor at sinabi na sakin ang resulta

"ahm ma'am nalaman ko po ay isa siya sa patient ni doc wilford ngayon po kasi ay wala siya kaya ako po muna ang mag sisilbing doctor niya ako po si Doctora Dayan Montenegro ah ma'am si miss Zoe Anne po kasi sinabi  po sakin ni doc wil na hindi po siya nakakapag pa check up sakaniya at tinignan din po namin yung health niya ay medyo bumababa na po ang dugo niya dahil sa pag hindi niya pag take ng gamot niya possible pong mas lumalala pa po ang sakit niya kung di po siya iinom ng gamot at ma'am kailangan niya po muna ng 1 week rest kasi po para bumalik ang lakas niya yun lang po thank you kung may problema po tawagan niyo lang po ok sige po"paliwanag ng doktor

Ibig sabihin hindi na nag gagamot itong batang ito at hindi na pa din siya nag papacheck up mag papakamatay na ba talaga siya nag simula akong umiyak napaka bata pa netong alaga ko

"ma...manang"saad ni zoe para mapatingin ako

Zoe's Pov

Nagising ako at nakita ko ang isang puting kisame at ginala ko ang mata ko nakita ko si manang na umiiyak i think nasa ospital ako.nung nakita ko si manang na umiiyak ay tinawag ko ito

"ma....manang"saad ko para mapatingin niya

"Zoe anak bakit mo ginawa yun bakit di ka umiinom ng gamot at di nag papacheck up?" tanong ni manang habang umiiyak na guilty naman ako

"sorry po manang ha kung pinag alala ko kayo naisip ko kasing hindi na ako mahalaga eh"saad ko at unti unti nang nangingilid ang aking luha

"anak zoe kung tungkol ito sa magulang mo hayaan mo muna sila diba nga sabi ko sayo andito pa si manang hindi naman kita iiwan diba zoe anak mahal na mahal ka ni manang eh"saad ni manang at dun na ako napaiyak at niyapos ko siya

"ah manang ano daw po sabi ng doctor?"tanong ko

"zoe wala daw si doc wil kasi may inaasikaso kaya may inatasan siyang doctor para mag asikaso sayo siya si doktora Dayan sabi niya possible daw na lumala daw yang sakit mo pag di ka ulit uminon ng gamot at binigyan ka niya ng 1 week na pahinga..kaya zoe makinig ka ha! Nako pinag alala mo ako ng sobra sayo sa susunod sasama mo muna ako sa pag papacheck up mo ha at ako na din mag papainom sayo ng gamot ha para sigurado ako" paliwanag at may halong sermon na saad ni manang nakitawa ko hindi ako maaring matagal na mawala baka malaman nila ang sakit ko habang nag iisip ako ay nay tumunog

"oh zoe cell phone mo ata ang tumutunog nadala ko ata yan dahil sa taranta ko kanina"abot ni manang sa cellphone ko

~trisha~

Tumatawag si trisha... hala Oo nga pala may lakad kami anong oras na ba?tinignan ko ang orasan ko at 8:30 pm na hala ano gagawin ko ano sasabihin ko hay basta mag sisinungaling nalang ako

"Hello trish"

"hoy babaita ka anong oras na bat di ka sumipot at ang dami na naming tawag sayo ano nag alala tuloy kami saan kaba ha?"

"ah eh trish masakit kasi ulo ko nauntog ako kanina sa kama ko kasi na tulog ako tas nahulog ako habang natutulog hehe sorry next time nalang ha" pag sisinungaling ko

"ikaw talaga Zoe na paka mo sayang tuloy hinanda namin ni Alice puntahan ka nalang nam---"

"ay nako wag na ok na ako wag na mag saya nlang kayo ha atsaka antok na din ako eh sige na wag na kayong pupunta dito sa bahay ha gabi na den ha bye wag kayong pupunta di ko kayo pag bubuksan"

"ok! Ok! Fine di na kami pupunta basta bawi ka ha bye besty ko mwuaps love you ngat ngat ka haha mwuah"

~toot~tott~toott

Pinatay kona agad ang tawag buti nalang di na siya nag pumilit pa hyst sorry besty kung di ko masabi ha titig ko sa phone screen ko hyst

"di mo parin ba nasasabi sakanila nak?" napatingin ako kay manang at sabay iling

"hanggang kailan mo itatago nak sakanila yang sakit mo?" tanong ni manang

"Pag magaling or handa na ako manang ayoko kasi yung kinakaawaan ako ng iba eh lalo ng mahahalagang tao sakin"sagot ko kay manang at nag pilit na ngiti at ngumiti nalang din si manang at niyapos ako

"oh siya uuwi muna ako para makapag luto ha tapos bukas uuwi na tayo siguro gutom kana din ulit haha"saad ni manang  habang natawa sabay labas niya

Napatingin ulit ako sa screen na nag babakasakaling tumawag ang magaling kong magulang pero wala kinalumutan na talaga nila ako hyzt buti pa ang ibang tao inaalala ako at nag alala sakin pero sila hindi hyst

Ayoko mag tanim ng sama ng loob dahil magulang ko parin sila at sila parin ang nag bigay ng buhay at napakagandang buhay sakin yun nalang ang pasasalamat ko sakanila

--------------------

A/N sorry ulit po sa wrong grammar mwuaps comment lang po kayo sa mga mali

Behind My Back (On Going)Where stories live. Discover now