In these times, we should always stay vigilant for we don't know what might happen.

He warmly smiled at me. "Akala ko'y si Sir Richmond ang nandito. Ikaw si Zendaya, tama ba?"

When he mentioned my father, I lowered my guard down a bit. He also knew my name, but it didn't stop me from being suspicious.

"Kilala ninyo po ako?" nagtataka kong tanong.

Tumango siya at saka hinila papasok ang mga gamit niya panglinis. That was when I realized what he was here for.

"Pinakita sa akin ni Sir Richmond ang litrato ninyong magkapatid," sabi niya sabay ngiti sa akin. "Aba'y mas maganda pala ang dalaga niya sa personal! Kahawig mo nga ang mama mo gaya ng sabi niya sa akin."

Napaawang ang aking labi at bahagyang napakunot ang aking noo. "Nakausap ninyo na po si daddy?"

"Oo," sagot niya. "Noong una ay araw-araw pa siyang pumupunta rito para samahan ang asawa niya. Araw-araw din kasi akong nag-iikot dito para maglinis at napapansin ko siya madalas. Pero matapos no'n ay isang beses na lang sa isang linggo ko siya nakikita. Ang sabi niya'y abala na siya trabaho."

Stunned by the information I just got, I was rendered speechless.

"Akala ko nga ay si Sir Richmond ang nandito ngayon dahil tuwing Linggo siya pumupunta rito, pero ikaw pala," natatawa niyang sabi nang nagsimula na siyang linisin ang nalalantang bulaklak. "Bakit hindi kayo nagsabay ng tatay mo?"

"Uh, hindi niya po alam na pupunta ako rito..." sabi ko na lang.

Ang ibig sabihin ay noong namatay si mommy, araw-araw siyang pumupunta rito. That explained why my father was out the whole day and would always come home late at night. I never thought that he spent his time here. Nang mapagtanto ko iyon ay parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso.

"Oh, e, nandyan na pala si Sir Richmond!" Mas lalo siyang napangiti at nilingon ang labas.

My head also turned to see my father. He looked surprised when our eyes met. Naglakbay ang aking mga mata sa kanyang kamay. He was also holding flowers for my mother. It was a beautiful bouquet arrangement of the same flowers I brought with me. He also prepared my mother's favorite flowers. May isang basket pa siya ng bulaklak na dala. Siguro ay para iyon kina lolo at lola.

"Sir Richmond, magandang umaga po!" masiglang bati ng lalaki.

"Manong Jules," sambit ni daddy sa pangalan nito at saka nagpakita ng galang. "Maglilinis pa lang po kayo?"

"Oo. Nagulat nga ako na nandito ang anak mo," sabi ni Manong Jules at saka malapad na ngumiti ulit sa akin.

Nilingon ako ni daddy. "Dito ka pala pupunta," sabi niya. "Sana ay nagsabay na tayo. Sandali lang naman ang meeting ko kanina."

Honestly, I purposely didn't tell him that I would go here because I didn't know if he would want to go and see my mom. Also, he told me that he would meet a client. He didn't say anything about visiting mommy's grave.

"Sa susunod na lang po," sabi ko na lang sa kanya.

"Okay, then." He just smiled at me, then turned to my mother. "I'm here again, Frida." I heard him whispered quietly as he placed the flowers beside mine.

Pagkatapos ilapag ni daddy ang bulaklak para kina lolo at lola, nagtagal siya sa harapan ni mommy. Tahimik lamang siya at hindi nagsasalita. I remained standing near him, watching how he looked at my mother's tomb dearly.

Hindi ko maiwasang maisip ang ugat ng paglayo ng loob nila ni mommy sa isa't isa. Looking at how he earnestly gazed at the tomb, I refused to believe that he really did cheat on my mother. Maybe it's just really a misunderstanding between them.

Invisible Line in BetweenKde žijí příběhy. Začni objevovat