Chapter One

7 2 0
                                    

"Inay, mukhang magkakamalay tao na siya" wika ng isang mumunting tinig. Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata. Bumungad sakin ang mukha ng isang batang paslit na ang tantya ko'y nasa gulang na lima.

Kumukurap-kurap ang mata nito animo'y namamangha sa kanyang nakikita. "Hello po! Your eyes is so pretty!"Ani nito sa kakaibang lenggwahe. Hindi ko alam kung anong klaseng lingwahe ang tawag dun pero ang nakapagtataka ay malinaw ko itong naiintindihan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, ayokong mag-English , pero mukhang wala talaga akong choice. Giatay.

"Who are you?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Inay mukha siyang Maharlika at marunong siyang mag-ingles. Mukhang bihasa siya sa wikang iyon" baling nito sa ina ,ngayun ko lang napansin na may kasama pa pala kaming iba. Ngayun ay nagtatagalog na siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kakausapin niya na naman ako sa kakaibang wika na'yon.

Maharlika? Nasa ibang bansa ba ako?

" Nasan ako?" Tanong ko ulit. Mas lalo namang namangha ang bata ng magsalita na naman ako ng ibang lenggwahe.

"Ikaw ay nasa bayan ng Siera. Saan ka ba nagmula binibini?" Nagtataka akong napatitig sa kanya. Wala pa akong narinig na ganoong lugar. Baka nasa ibang parte lang ito ng Pilipinas.

"Taga-Maynila ho ako. Saang probinsya po ba ito?"

"Maynila? Saang pangkat ba yan nabibilang?" Naguguluhang usal ng ginang.

"Teka po. Anong grupo po ang sinasabi niyo? Maaari niyo po bang ipaliwanag ang lahat?" Naguguluhan man ay nagsimula na itong magkwento.

"Ang mundong ito ay tinatawag na Encantasia. Ang Encantasia ay nahahati sa apat na pangkat , una ay ang mga witch ,sila ang mga taong may kakayahang magmanipula ng tao, bagay o hayop sa pamamagitan ng pagbibigkas ng salamakang wikain. Pangalawa ay ang mga Bampira, ito ang mga taong may espesyal na kakayahan, gaya ng teleportation, super strength at may kakayahang tumakbo ng napakabilis. Pangatlo ay ang werewolves, sila ay mga taong lobo. Gaya ng mga bampira ay mabilis itong tumakbo at may di mapaliwanag na lakas. Ang werewolves at bampira ay sadyang hindi magkasundo kaya naman sobrang layo ng tirahan nila sa isa't isa upang maiwasang magkagulo. At ang huli ay ang mga Elementalist. Ang mga elementalist ay ang mga taong kayang kumuntrol ng apat na elemento, Fire, water, Earth and Air. Bukod dun ay kay kakayahan dinsilang mag teleport, telepathy, mind reading at telekinesis. Gaya ng witches ay kaya rin nilang magbigkas at gumawa ng spell. Kaya sila ay itinuturing na espesyal ng lahat. Syempre ay hindi talaga maiiwasan ang igit na naging dahilan ng pagkawatak-watak ng ibang pangkat.

Ang mga bampira ay nasa hilagang bahagi ng mundong ito. Habang ang mga werewolves ay nasa timog, ang witches ay nasa silangan at nasa kanluran naman ang mga elementalist. Nasa centro ang tinatawag nating Capitol. Sila ang may hawak ng batas na pinamumunoan ng Counsil. Pinapanatili nila ang kapayapaan sa Buong Encantasia. Kami ay nasa pangkat ng mga Elementalist."mahabang paliwanag nito. Hindi pa tuluyang naproproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya. Isa lang ang nauunawan ko—

Nasa ibang mundo ako. Yawa nganung naabot man ko diri?Vampire,witches, werewolves, Elementalist... totoo ba talaga to? Baka chinuchurachurva lang ako ni Ali, naku!

"Paano ho ako napunta rito?"

"Ang pamilya namin ay isang water user. Si Hana ang nakakita sa iyo. Naglalaro sya kahapon sa may ilog ng Capiz na hindi kalayuan rito. Naramdaman niyang may kakaiba sa tubig kaya kinontrol niya ang ilog para mahanap ka."

"K-ahapon?! Isang araw ho akong tulog?" Kaya pala nanakit ang likuran ko.

Nahihiyang napakamot sa batok ang ginang "Pasensya kana at pagkatapos kang kunin sa lawa ng mga galamay na tubig ni Hana ay bigla ka niyang nabitawan kaya sumalampak ang iyong katawan sa lupa. Natulala raw siya at parang nakakita siya ng isang diyosa kaya nawalan siya ng control." Natatawang usal nito. Napangiwi nalang ako sa narinig. Naiimagine ko na kung gaano ka taas ang binagsakan ko.

"Ma, maaari na po ba kaming maglaro ni Ate?" tila naiinip na tugon ng bata. Napailing naman ang ginang.

"Kagigising niya lang. Baka hindi pa maayos ang pakiramdam niya." Agad namang sumimangot ang bata. Bahagya akong natawa. Ang cute niya.

"Okay lang ho Tiya-?"
"Helena" pagdudugtong niya sa aking sinabi.

Ngumiti ako sa kanya at nilingon ang batang ngayun ay nagtatalon na sa tuwa.

"Yehey! Maglalaro kami ni ate ganda. May bago na akong kalaro." Pakanta kanta itong naglalakad habang hila ako.

"Saan tayo pupunta?"nagtataka kung tanong ng makita ko ang bukana ng gubat.

"Sa may ilog po ate ganda!"
"Kung saan mo ako nakita?" Agad siyang tumango.

"Malayo pa ba?"
"Malapit na po!"
"Wala pa ba?"
"Malapit na po!" Hinihingal akong napahinto. Hindi ako madaling mapagod dahil isa akong athlete pero hindi pa yata tuluyang bumabalik ang lakas ko at nanginginig na ang tuhod ko.

"Hala ate ganda pagod na po kayo?" Agad ko siyang sinimangutan. Humagikhik naman ito.

Hinila niya ako ulit, ilang sandali lang ay nasa harapan na kami ng dalawang kakaibang malalaking dahon.

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin kasabay ang mahalimuyak na bango na hindi ko alam kung saan nanggaling. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Naroon parin ang mabangong amoy tila ba hinihila ako sa direksyon kung saan ito nagmula. Nang hawiin ni Hana ang mga dahon ay bumungad sa amin ang napakagandang tanawin.

Napanganga ako ng masilayan ko ang pinakaperpektong katawan na nakita ko sa tanang buhay ko. Pisti kalami!

"Ahhhhhhh!" tili ng bubwit na nagpapukaw sakin. Agad kong tinakpan ang kanyang mga mata upang hindi makita ang masara- ay este malaswang tanawin na nasa harapan.

"Fuck!" Usal ng lalaki at natatarantang nilingon kami.

Tangina ang pogi!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Adventure of Tanya In Another World Where stories live. Discover now