CS49 - Give Up

5 0 0
                                        

Vl's Pov

It's already September and habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang tiyan ko. I'm on my 4th month and Nahihirapan na akong itago ito. I know anytime ay kakalat na sa buong school na buntis ako. Nang nandito sina mama ay kinausap niya ang school's president dahil sa condition ko. Luckily ay hindi issue ang pagkakaroon ng anak dahil naiintindihan nilang nasa tamang age na ang mga nasa med-school.

Ang ikinababahala ko nalang ngayon ay ang kumalat ito sa social media. Ayokong magkaroon ng hint si Jc na sa kanya ang bata. Ayokong dumating sa point na pati buhay ng anak ko ay magugulo.

Habang naglalakad papasok ay agad akong sinabayan ni Ju-Ne. Mabuti nalang at mapagkakatiwalaan ang isang ito. Wala siyang issue pagdating sa pagbubuntis ko.

"I love your outfit today." napangiti ako.

"Tss, lagi mo nalang yan sinasabi araw araw." ngumiti din siya.

"Nabasa ko kasi sa isang article na maganda daw sa buntis ang laging pinupuri para maganda daw ang magiging anak niya." natawa ako.

"Kung anu-anong nababasa mo." tumawa siya

"Totoo naman ah. Yan nga din yung sinabi nung mama ng pinsan ko. Kaya heto, kahit na labag sa kalooban ko lagi kong pinupuri si Athena." napatigil ako sa paglalakad.

"A-athena?" napatingin siya sa akin. "Athena ang pangalan ng pinsan mo?" tumango siya.

"Oo." napaisip siya. "Sa tingin ko nga kilala mo siya dahil nag-aral din siya sa dati mong school."

"Sa St. Catherine?"

"Yup."

"Reyes ba ang apilido niya?"

"Oh, kilala mo nga siya." para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Waaaa, ang liit talaga ng mundo." hindi ako nakapagsalita.

"So you mean...she's pregnant?" napahawak siya sa bunganga niya.

"Shiiii, hindi pala alam ng iba. Pwede bang huwag mong ikwento sa dati niyong school mate? Lagot, baka makalbo ako ng babaeng yun."

"Ahm...alam mo ba kung sino ang ama ng anak niya?" napaisip niya.

"Hmmm, hindi e. Ni wala nga siyang sinasabi maski sa pamilya niya kaya inisip nalang namin na baka hindi sila magkaayos. Uy, keep this a secret a. I also trust you." tumango ako.

"Yea...i will shut my mouth." sabi ko nalang.

Nagsimula nalang kaming maglakad ulit. If she's pregnant then maybe si William ang ama nung bata pero...bakit hindi alam ng family niya? As far as I know ay maganda ang pamilya ni William. He's also intelligent and charming. So bakit kailangan nilang itago? Hindi kaya....hindi siya ang ama? Pero imposible naman kung ganun.

Hays, nadagdagan na naman ang iniisip ko. Tssss.... Huwag ko nalang pakealaman ang personal life nila. May sarili akong problema kaya hahayaan ko nalang sila.

-----

Nang nasa bahay na ako ay nagpakabusy ako. Isinasabay ko ang pag-aaral at pag aalaga sa little one ko. Every 6 pm ay nag lalight work out ako tapos nagbabasa din ako ng parental magazines.

Naging ganito na ang routine ko araw araw. Minsan ay nagsasawa na ako pero nasanay lang din ako kalaunan.

Kriiing

Napatingin ako sa phone ko. Napangiti ako nang makita kong si Rovy ito. Halos isang buwan na din kaming hindi nakakapag usap. Busy ako sa school tapos kasalukuyan naman ang review niya. Ni hindi na nga din ako makapag open ng social media account ko e.

Change Of StatusWhere stories live. Discover now