Biblical Vindication Part II

1 0 0
                                    

BIBILICAL VINDICATION PART II

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

BIBILICAL VINDICATION PART II

Marami pang karagdagang impormasyon ukol sa Biblical Vindication sa Part I at ito ang Part II ng ilan pang patunay sa Biblical Vindication. I-speed up natin ang paliwanag doon sa natitira at ilang karagdagan na ating pag-uusapan na wala sa nauna nating paglalatag. May ipinalabas sa Channel 11 tungkol sa Biblical Vindication, tungkol sa archeological finding. Sabi ng mga skeptic ng Bibliya, iyong Bibliya ay gawa lang ng tao. Sabi nila doon sa John, iyong Solomon's porch ay meron daw limang porches. Five portikos ang sabi doon. At ang tao doon ay gustong magpagaling, naghihintay sa full of bed rest.

Hindi nila na-diskubre iyong five porches pero pagdating noong archeological finding nang mahukay, nakita talaga na lima ang porch noong full. Doon sa archeological finding napatunayan na ang Biblia at totoo. Kung ano ang diniscribe niyang events noon ay totoo. Bagamat pansamantala hindi nila nakita ang ebidensya, eventually nang mahukay napatunayan nga na ito ay totoo. So, napakarami ng vindication on the side of archeology. Lahat ng iyan ay napatunayan dahil sa science, at papunta tayo mamaya sa pagsulat ng Biblia.

Biblical vindication, ito rin ang pattern ninyo sa pagsharing sa labas. You start with unbelievers. Kailangan meron kang bala diyan. Then punta ka sa make believer. Sino iyong mga nasa make believer? Iyong mga nasa denominasyon. Iyong mga nasa Endtime. Then, aabot ka na sa true believer. Iyong advance topic natin carry over mula sa Endtime. Ang Endtime na ito ay Level 2 and 3. Pero dito ang Endtime na se-share-ran mo ay Endtime na Level 1.

Overview muna, ano ang ibig sabihin ng Vindication? Ito ay "proof". Ibig sabihin iyong proof mo hindi lang pang unbeliever. Ang proof mo sasagad hanggang sa kaduluduluhan ng mga sangkakristiyanuhan, kahit kapatiran natin, kung merong differences sa atin. May vindication ang bible tungkol sa marriage and divorce, tungkol sa tithes and offering. Sa law, Godhead at marami pang iba.

Ngayon masyado ng malawak ito para ilagay sa vindication. So ang paksang Bible Vindication ay under unbeliever. The rest ng ating paksa ay all vindication. Ibig sabihin are all proof kasi doon nabubuhay ang isang Berean. Alam ninyo ba ang denominasyon may kanya kanyang interes yan? Pero ang Berean hindi yan nakukulong sa isa. hindi siya makukulong sa Godhead lang. Hindi siya makukulong sa sinabi ni Bro. Branham lang, sinabi ni Jackson o sinabi ni Bro. Gan. Iyong interes niya ay may relate sa Diyos at may related sa Bible. May interes na siya, kahit iyong tumutuligsa sa bible interesado siya. Wala siyang ganang makipag sharing doon sa walang galing. Iyong mga athiesta sa UP magagaling. Marami silang reputation sa Bible. Iyong mga Muslim magagaling, I'm talking of iyong mga scholar dito sa Pilipinas iyong tumutuligsa sa Bible marami silang pang repute o pang deny doon sa pagkakatotohanan niya. Sa mga denominasyon maraming magagaling doon. Of course naging tuso na lang at maging sa Endtime ay meron din.

Ang isang Berean ay exited sa lahat. Hindi siya kulong sa isa. Maaring meron tayong kapatiran gusto lang pag usapan ay blessing, gusto lang ay awitan. Matagal ng uma-attend dito pero kung ano ang nakasanayan sa denominasyon ay ganyan. Pero kapag ikaw ay nag-repent mabubuksan ka sa isang malaking mundo. Ang biyahe sa Diyos ay adventure. Hindi 'yan boring na gustong ipaniwala sa iyo ng sanlibutan. At kung medyo napatagal sa sanlibutan iyon nga ang gustong ipaisip sa iyo ng sanlibutan akalain mong boring kaya iiwas ka. Pero in reality ay masakit kasi gusto ka munang tuwirin. Ikabubuti mo yan. Hindi boring ang sa Diyos kundi exiting. Ang journey muna natin ngayon dito ay muna.

BIBLICAL VINDICATIONN PART 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora