Simula - My Life

139 4 2
                                    

Simula
My Life

"Mahal 'wag 'kong iwan, please... gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang lahat, p-pero please... 'wag mo akong iwan... nagmamakaawa ako sayo." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap sa likuran niya.

Hinarap niya ako.

"I-m sorry," panimula niya habang tinatanggal ang kamay ko sa bewang niya.

"Patawarin mo ako... d-dahil hindi ko na nararamdaman yung kilig pagkasama kita, hindi na bumibilis ang tibok ang puso ko pagmalapit ka, wala na yung slow motion pagnakikita kita, pasensiya na kung hindi ko nararamdaman ang mga 'yun... P-pasensiya na kung wala na akong nararamdaman para sayo." Nanghina ako sa mga sinabi niya.

Sobrang sakit... parang tinutusok ang puso ko dahil sa salitang binitawan niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Tama na..." nanghihina kong pagmamakaawa.

"Pasensiya na kung hindi na kita mahal..."

Naramdaman ko ang mainit na likidong marahan na bumababa sa pisngi ko.

"P-please...tama na! Tumigil kana!" pasigaw na sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.

"I'm very sorry... m-maghiwalay na tayo."
Hindi ko na napigilan ang sobra-sobrang emosyon na nararamdaman ko.

Wala akong magawa... wala akong magawa kung hindi ang panuorin siyang maglakad palayo sa akin, palayo sa buhay ko.

"Cut!"

Narinig ko ang mga kamay na nagpapalakpakan. Pinahid ko ang mga luha sa mukha ko.

Woah! That scene felt realistic.

Nagsho-shoot kasi kami sa bago kong pelikula na ipapalabas ngayong enero. Na may pamagat na love hurts, tungkol sa magkasintahan na parehong nasaktan dahil sa pag-ibig.

Hindi ko masabi kung gaano kasakit 'yong nararamdaman ng dalawang bida na nasaktan sa palabas, lalo na ang role na ginagampanan ko. Hindi pa kasi ako nakaranas na masaktan ng ganon ka grabe. Nagkaroon naman ako ng boyfriend pero hindi ganoon ka dramatic ang break-up. Tamang tawa lang tsaka sabay sabing 'Boi, break-up na tayo, sana mahanap muna talaga ang para sa'yo. Huwag kang mag-alala, ipagdadasal pa naman kitang hayop ka.' Ganoon lang! Hindi siya gold para iyakan.

Kaya hindi ako sigurado kung nagampanan ko ba ng mabuti 'yong role ng babaeng bida sa kuwento. But at least, I tried my best.

Tinulungan akong tumayo ng staff. Nginitian ko siya bago tinanggap ang kamay niya.

"Thank you..." Ngumiti rin siya sa akin pabalik, napansin ko pa ang pamumula niya bago tuluyang umalis.

Narinig ko ang mahinang palakpak sa likod ko kaya napalingon ako rito. Napangiti ako ng makita kung sino ito.

"Derik!"

"You did a great job, Yam!" papuri ni Derik Bobby.

"Thank you po," I said with a smile on my lips.

"This is the last scene today so, now you can go home and take a rest." Dagdag pa nito bago tinapik ang balikat ko.

Hay... gusto ko rin sanang magpahinga pero may photoshoot pa ako.

"I really want to chit-chat with you more and talk about how much you improved in your acting skill. But, unfortunately may lakad pa ako. Kaya kita-kits na lang tayo sa premiere night at kung palarin sa victory party na rin." Si Direk Bobby nang tinalikuran ako para magpaalam sa ibang staff.

Lalapit na sana ako sa PA ko nang si Ian Lerwick Emerson naman ang papalapit sa akin ngayon. Kung naaalala niyo, siya iyong lalaki kanina na iniiyakan ko sa scene.

The Beauty Inside || Farillion Brothers Series IWhere stories live. Discover now