Simula

94 9 7
                                    

Malamig ang simoy ng hangin ngayo'ng Disyembre. Nalalapit na naman ang pasko, dadayuhin na naman ng mga turista ang Cebu. Naisip ko ang pamilyang kumopkop sakin ng labing walong taon sa Cebu. Dalawang taon na din simula noo'ng umalis ako sa kanila at sumama sa totoong pamilya 'ko. Nakakausap ko naman sila tuwing tinatawagan nila ako o ako nga tumatawag. Mabait ang mga tinuring kong pamilya sa Cebu. Kahit kailan hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Ramdam na ramdam ko na totoo nila akong anak kaya ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na hindi nila ako kadugo.

Naalala ko kung paano nagbago ang buhay ko. Magpapasko rin no'n nung may bumisita saming dalawang lalaki. Nasa school ako no'n kaya ang nakausap lang ay si Mama Leny ang tinuring ko nanay. Paguwi ko no'n ay sinabi lang sa akin na may dumating na dalawang lalaki at hinahanap ako, hindi naman daw sinabi kung ano ang sadya sakin ngunit ang sabi ay babalik kapag nakauwi na ko. Nagtaka ako kung sino ang naghahanap sakin kaya inantay ko sila ngunit wala naman dumating hanggang mag-gabi kaya't hinayaan ko na lang.

Naghuhugas ako ng plato nung tinawag ako ni Mama na may naghahanap daw sakin, naisip ko agad ang sinabi sakin ni Mama noong isang araw na dalawang lalaki.

Hinugasan ko ang dalawang kamay ko at nagpunas. Lumabas ako nakita ang dalawang gwapong lalaki. Ang isang lalaki ay magulo ang buhok, nakasuot 'to ng business attire habang ang isa naman ay malinis tignan ang buhok, nakasuot 'to ng simpleng tshirt na white at nakapants.

Lumapit ako at tinanong kung ano ang kailangan nila sakin. Naramdaman ko ang pagpasok ni Mama sa bahay.

"Are you Raine Azora?" tanong sakin nung lalaking may magulong buhok.

"Oo, anong kailangan n'yo?" nagkatinginan ang dalawang lalaki.

"We want to talk you, it's important." Sagot naman noong lalaking may maayos ang buhok. Tinignan 'ko s'ya at nakita kong titig na titig s'ya sakin na para bang sinasaulo n'ya ang buong mukha ko. May sasabihin pa sana s'ya kaso naunahan na s'ya ng kasama n'ya.

"Btw, I'm Archer Espina and this is Kael Espina, my brother." Tinignan 'ko sila maigi. Mukha silang mayaman tignan. May kaya naman kami kaso hindi siguro kasing yaman ng mga 'to.

"Ano bang kailangan n'yo? Saka anong paguusapan? Dito na natin pagusapan." Mabilis na tanong ko sakanila.

"Ahm gusto sana namin kasama yung babae kanina."

"Si Mama?" nagkatinginan ang magkapatid at umubo yung Archer. Tumango ito sakin.

Narinig ko ang tawag ni Mama, papasukin ko raw ang mga bisita ko at naghanda s'ya ng meryenda. Tinignan ko muna ang dalawa at niyaya pumasok sa loob. Mukha naman silang hindi gagawa ng masama.

Pagpasok namin ay agad silang nagpakilala kay Mama. Nang umupo sila doon ko na nalaman ang pakay nila sakin. Nung una nagalit ako dahil sa walang kwenta nilang pinagsasabi pero nang makita kong umiiyak si Mama ay halos manghina ako, lalo na't nung umamin s'ya.

"Pauwi kami ng Papa mo nung makita ka namin sa may terminal malapit sa may ospital anak.... Ipagtatanong ka sana namin ang kaso ay nasusunog ang ospital na 'yon nung gabing makita ka namin. Tinangka rin namin hanapin ang mga magulang mo sa pagtatanong kaso wala anak... kaya dinala ka namin dito sa Cebu at inituring ka na para bang totoong anak namin."

Halos hindi ko makayanan ang nararamdaman ko, hindi ako makapagsalita at napatulala na lamang.

Isang linggong lumipas na wala akong ginawa kundi pagpasok sa school at sa kwarto ko. Hindi pa rin nagproproseso sa isipan ko ang mga nangyari. Sa isang linggo din na yon ay halos araw araw nanghihingi ng tawad sakin sila Mama dahil sa paglihim nila ng tunay kong pagkatao.

Sa totoo lang hindi naman ako galit sakanila, wala akong karapatan magalit dahil tinuring nila akong pamilya kahit hindi nila ako kaano-ano. Dapat nga magpasalamat pa ko dahil dalawa ang pamilya ko. Hindi ako galit, hindi ko lang matanggap dahil sila ang nakilala kong pamilya sa labing walong taon.

Nang nakapagisip isip ay lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko sila Mama na kausap ang dalawang lalaki na kapatid ko. Nakita kong napatayo pa sila nung nakita nila ako. Sa isang linggo wala silang palya sa pagbisita sakin kahit hindi ko naman sila nilalabas ng kwarto ko. Lumapit ako, tinawag ako ni Mama pero ang tingin ko ay nasa magkapatid. Nginitian ko ang mga ito.

"Sasama ako sa Manila." Kita ko ang gulat nilang dalawa. Kita ko rin sa kilos nila na gusto nila akong yakapin. Tinapik ko ang braso ni Archer, ngumiti ito sakin at tinanong kung sigurado ba daw ako sa sinabi ko kaya tumango ako. Tinignan ko naman si Kael kaya bigla n'ya kong niyakap. Hinagod ko ang likod nito. Mga kapatid ko.

Mabilis ang biyahe namin papuntang Manila, ang akala ko ay magbabarko kami kaya laking gulat ko ng plane trip ang kinuha nila Archer.

"First time mo ba 'to?" tumango ako at binitbit ang backpack ko. Kukunin sana ni Kael 'yon kaso inilingan ko s'ya at sinabing kaya ko naman.

Napapagitnaan ako nila Archer sa upuan sa loob ng eroplano. Tinignan ko si Archer na nasa bintana, tumingin ako bintana at tinanaw ang mga ulap do'n.

"Gusto mo ba umupo dito para makita mo lalo?" binaba ni Archer ang shades na suot n'ya pagkatapos n'yang itanong 'yon. Umiling ako sinagot ko na lng ito na okay lang ako.

Naramdaman ko ang pagkalabit ni Kael, inoffer n'ya sakin ang earphone. Mabilis ko yun kinuha, nakita ko ang pagngiti n'ya. Gusto ko ang music, nakakarelax.

Nang makalapag ang eroplano ay mabilis namin nakuha ang mga gamit at sumakay sa saksakyan na nagaantay para samin.

"Gusto mo ba kumain muna?" tanong ni Archer na nasa harapan nakaupo. Inilingan ko s'ya at tumingin sa katabi nitong nagmamaneho ng sasakyan. Medyo may katandaan na ang matanda, nakita ko itong kanina pa pasulyap sulyap sakin.

Ngumiti ito at tumango. "Pasensya na. Hindi ko maiwasan hindi ka titigan... kamukhang kamukha mo si Annalyn." Nagtataka akong tumingin kay Archer ng tumingin din 'to sakin.

"Nagulat din ako nung una ko s'yang nakita, Manong. Akala ko si Mommy." Sabay tawa nito. Tumawa din si Kael sa gilid ko kaya nilingon ko s'ya.

"Kamukha ko din naman si Mommy bakit hindi ka nagulat Kuya?" napalakas ang tawa ni Kael pagkatapos n'yang sabihin 'yon kay Archer. Nakita kong inilingan lang nito ang kapatid namin. Napangiti na lang ako at tumingin sa labas.

Huminto ang saksakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba ako inilibot ang tingin sa labas ng bahay. Simple lang ang bahay pero napakalaki nito. Mag-kahalong itim at puti ang kulay ng bahay. May dalawang saksakyan ang nakaparada sa labas nito.

Niyaya ako ni Kael pumasok, kulay itim na may halong konting ginto ang kulay ng gate, pagpasok sa gate ay nakita ko ang maliit na hardin sa gilid at may mga upuan na kahoy.

"Mom loves flowers... may malaking garden pa sa likod. Pinagawa ni Daddy 'yon para kay Mommy." Mahilig din ako sa bulaklak. Naalala ko ang pagdidilig ko sa mga bulaklak na alaga ni Mama sa Cebu.

Niyaya ako ulit ni Kael papasok sa bahay. Binuksan ni Kael ang pinto ng bahay, bumungad samin ang mahabang hagdanan. Sa gilid ng hagdanan ay may dalawang tao na nakatayo, isang lalaki na nasa mid-50s at isang matandang babae. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila kaya napayuko ako. Naglakad kami papalapit sakanila.

"Dad, she's here." Rinig ko sabi ni Archer. S'ya ang Daddy namin? Tinignan ko ang Daddy namin ng lumapit s'ya sakin ng may gulat pa rin sa mga mata.

Hinawakan n'ya ang mukha ko. "Annalyn?" ngumiti ito kahit nagumpisa ng tumulo ang mga luha nito. Rinig ko ang pagtawag nila Archer sakanya.

"Kamukhang kamukha mo ang Mommy mo... bumalik sakin lahat nung unang ko s'yang nakita. Kamukhang kamukha mo s'ya anak..." tinignan ko sila Archer nakitang naluluha din sila ngunit pinipigilan nila.

Nalaman ko patay na ang Mommy namin, namatay s'ya habang pinapanganak ako. Ang akala ko ay kasalanan ko pero paulit ulit nilang pinaintidi sakin na kahit isa ay wala akong kasalanan. Unting unti ko ito natanggap.

Sa pagtira ko kasama sila Archer ay mas nakilala ko sila. Si Archer ay ibang iba kay Kael. Si Archer ay palangiti habang si Kael naman ay napakasungit. Lapitin ng babae ang dalawa kaso mas nalalapitan si Archer kesa kay Kael dahil sa pagiging masungit nito. Ang alam ko ay pili lang ang kinakausap na babae ni Kael. Hindi katulad ni Archer na kapag may bumati sa kanya kahit hindi kilala ay kakausapin.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now