𝐄𝐥𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐡

4 3 0
                                    

𝐋𝐌𝐒𝐁


"Alright, I'll forward this to the gear department and hopefully, you'd have your weapons by next week, good bye class" paalam ni Sir sa amin at ang sumunod naman na klase namin ay ang Ability enhancement class

Pinagpalit kami ni Mrs. Torres ng physical program uniform, ang aming teacher sa subject na ito na may cloning ability

Matapos namin magbihis ay nagkita kita kami sa kabilang building kung saan ay open gymnasium ito at napakalawak. Ito raw ay pinoprotektahan ng isang makapal na barrier mula sa loob para hindi makapinsala tuwing may klase

Kaming mga babae ay naka shorts na parang sa track and field at sleeveless na pang ibabaw, para siyang uniform ng volleyball kung titignan at ang sa mga lalaki naman ay naka sweat pants na terno din sa short sleeved na uniform nila

"Ang showy naman masyado ng uniform ng babae" reklamo ko na tinawanan nila Jade "Ayos lang yan, maganda naman ang hubog ng katawan mo, ano ka ba" pampalabagloob ni Jade sa akin kaya sinimangutan ko ito

"Okay class, I'm done reading your basic informations, I will create clones that would help each and every one of you to enhance your skills and ability"

Tulad nga ng sinabi nito ay nagkaroon ng anim na Mrs. Torres sa harapan namin kaya naman kanya kanyang assessment ang mangyayari

"Doon tayo dear" bungad sa akin ng clone ni ma'am kaya naman sumunod na lamang ako dito at natagpuan ko ang sarili ko sa dulong bahagi ng gym at pagtingin ko sa mga kasamahan ko ay ang lalayo namin sa isat isa

"Liquid manipulation is a dangerous ability, I can sense that you're able to control it on your own now" komento nito sa akin kaya naman tinanguhan ko ito dahil tama naman siya

"What else can you do aside from manipulating liquid forms?" tanong nito sa akin

"I can easily sense anything that has liquid in it but I can't distinguish the location exactly, I can breathe underwater as well and float in water I guess" sagot ko dito kaya naman napapalakpak ito sa akin

"Would you mind demonstrating it?" tanong nito kaya hindi na ako napatagal pa at inextend ko ang dalawang braso ko at nakiramdam kung saan may source ng tubig bukod sa mga halaman na nasa labas

Nang maramdaman kong may fountain sa malapit ay kinontrol ko ang tubig gamit ang pagkumpas ng mga kamay ko at hindi nag tagal ay pinapalibutan na ako ng tubig

Naramdaman kong tumigil sa mga ginagawa nila ang iba ko pang kasama at pinagmamasdan ang galaw ko

"Must be nice to have an ability like that" dinig Kong komento ni Lucas kaya naman nawalan ako ng gana at bumagsak sa sahig ang tubig kaya basa na ang sapatos at medyas ko

"I'm sorry" paumanhin ko bago ko lisanin ang gusali at naglakad sa hindi ko malaman kung saan

Nadinig ko pa ang pagtawag sakin nila ngunit hindi ko na sila nilingon pa

Ang komentong iyon ang nagudyok sa akin upang maging ganito. Kinahihilian nila ang abilidad na mayroon ako kahit na ako mismo ay kinasusuklaman ito

Kaya ako napadpad sa mundo ng mga mortal

Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng Gate ng paaralan

Ano itong iniinarte ko?

Natrigger man ako sa sinabi ni Lucas upang maalala ang mga nangyari dati ngunit matagal nang nangyari yon, wala na dapat sakin ito

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako bumalik sa Gym at inabutan ko sila roon na inaantay ako

Lumapit ako sa kanila at nagulat ako nang Lumapit silang lahat sa akin

"Sorry if I said something to trigger you Axura" paumanhin ni Lucas kaya nginitian ko na lamang ito ng tipid at nagyayaan na kaming lahat na pumunta muna sa cafeteria dahil break time na naman

Maingay na muli ang paligid dahil marami na ang mga estudyanteng labas na mula sa mga klase nila at handa nang kumain

Pinagtitinginan parin kami ngunit hindi na namin ito pinansin

Ang kumuha ng makakain namin ay ang tatlong lalaki kaya naman tahimik lang ako sa aming pwesto habang nagkukwentuhan sila Amy at Jade tungkol sa mga magiging weapons nila

"... I'm excited, eh ikaw ate Axura, ano ang weapon mo?" biglang baling sa akin ni Amy kaya napaangat ang tingin ko rito

"LMSB" tugon ko rito

Nagtaka naman ang itsura ng dalawa kaya nagbuntong hininga ako bago magpaliwanag

"LMSB, Liquid Multi-strand Bracelet, pwede ko rin itong tawaging Limubra para madali, ikocoat ko siya gamit ang liquid, mapa tubig o dugo, basta sakop ng kapangyarihan ko" paliwanag ko sakanila na ikinamangha nila at tatango tango pa

Hindi nag tagal ay dumating na ang mga lalaki bitbit ang trentang burgers at sampung soft drinks para sa aming lahat

Kaya naman naming ubusin ang lahat ng iyan, malalakas naman kami kumain

Napuno ng asaran at kwentuhan ang pwesto namin nang may bigla kaming madinig na hiyaw mula sa labas kaya naman nagsilabasan ang lahat ng tao sa cafeteria at kasama na kami roon

Lahat nga diba?

Kahit mga staff ay nakiosyuso na sa kung ano mang kaganapan ang nangyayari

Nakita namin ang isang babae na nakatakip ang isang ka ay sa bibig nito at nakaturo naman ang kabilang kamay sa toktok ng Potion Department building

Tinitigan ko nang maige ang tinuturo niya nang maaninag ko ang isang lalaki na mukhang tatalon kaya naman kahit nakakataranta ay hinatak ko si Amy at inutusan na gumawa ng warp gate patungo sa rooftop kaya agad ako nakarating sa likuran ng lalaki nang walang nakakapansin sakin

Ngunit gayon nalang ang gulat ko nang hahawakan ko na sana ang lalaki nang bigla itong tumalon!

Ginagawamue?

Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumunod rito kaya pareho na kaming nahuhulog mula sa pitong palapag na gusali

Pinakiramdaman ko ang paligid at maya maya lang ay hawak ko na ang lalaki at binalot ko kami ng halo halong likido na nasagap ko upang hindi kami masaktan sa pagbagsak

Ibinaba ko ang lalaki na bastang basa na at may bakas pa ng mga mantsa ang uniporme nito

Agad itong nilapitan ng mga kaibigan wariko nito at bago pa ako himatayin dahil sa pagkabigla at nakita ko itong nakatitig sa akin

IPAGPAPATULOY

AutherianWhere stories live. Discover now