𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 2

83 13 18
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 2: IT'S ALL ABOUT THE MAP

(A/N: This story is UNEDITED. You might encounter a lot of errors like typos, spelling mistakes, inaccurate grammars, or on its content, itself. Just please bear with me and enjoy reading:»)

Spring's POV

"Alam mo ikaw? Pakialamera ka talaga!" Madiin na sabi ko habang pilit na ngumungiti sabay duro kay Rainy na umiinom lang ng juice.

"Luh! Inaano kita dyan? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah." Sabi niya sabay lapag ng baso sa mesa.

"Spring? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Summer said while raising her right eyebrow.

"A-ahh! Hihihi." Gosh! Kinakabahan ako! Anong sasabihin ko?! Langyang iyakin naman kase! "Sa-sabihin k-ko naman t-talaga naunahan lang." Utal ko pang sabi at tumawa ng pilit para itago ang kaba na nararamdaman ko ngayon. And I definitely lied! Wala talaga akong balak sabihin sa kanila na forbidden ang forest na 'yon. And one more thing, hindi ko naman talaga napulot 'yong map, bigay lang sakin n'ong matanda sa labas ng village namin. Sabi niya, kapag may nagtanong ako nalang ang bahalang magpalusot pero duhh malulusutan ko ba naman 'tong mga ito? Masyado nila akong kilala to see that I'm lying or not! >.<

"At kailan mo balak sabihin? Kapag nandoon na tayo? Oh, baka naman wala kang balak na sabihin sa amin?" Autumn said sarcastically.

"Hindi ah!" I uttered defensively.

"Asuss pretender! Kapag 'di sinabi ni iyakin 'di ka rin aamin." Pang-inis naman sakin ni Winter habang nakangisi.

"Anong iyakin ka dyan? Rainy pangalan ko hindi iyakin! Pinapangit mo lang eh." Rainy yelped. Umismid nalang si Winter at nagtuloy na sa pagkain. " Aminin mo nga, wala kang balak sabihin sa amin noe? Kung di ko lang nabasa 'yong title nong map, di mo sasabihin?" She added while winking at me.

"Cheee! Pakialamera ka talaga! Uhmpp!" I shouted at her sabay irap kahit na magkatabi lang naman kami.

"Kung makasigaw ka parang ang layo-layo mo, sis." Rainy said while giggling.

"Spring?" Summer while raising her two eyebrows. Halatang naghihintay sa sasabihin ko.

"TSK! Oo na! Oo na! Di makapag-antay?" I raised my two hands bilang pagsuko.
"Wala naman talaga akong balak sabihin sa inyo na forbidden forest iyon kasi 'yon ang sabi ng matanda sa akin. Pahamak talaga ang pagsisinungaling. Tsss! " Pag-amin ko sa kanila.

"At sino naman 'yang matanda ang sinasabi mo?" Autumn asked. Patay! Nadulas 'ata ako wala na talaga akong kawala dito. >____<

"H-huh? M-may si-sinabi ba akong m-matanda? W-wala naman a-ah!" Pagkukunwari ko pa ring sabi habang nauutal, kahit halata na naman.

"You're stammering." Summer while rolling her eyes.

"You're not good at lying, Spring." Wala namang ganang sabi ni Autumn.

"Pftt! Magsisinungaling na nga lang, palpak pa!" Pang-iinis ni Winter sabay tawa. Ito namang si Rainy nakitawa na rin! —,—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZELENIA ACADEMY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon