Elvin listened intently, he took notes as needed, he was not into the family of businessmen but he’s willing to learn just for the kids.

Napag-isipan niya na rin ang pagsasama nila ni Scanver sa trabaho. Alang-alang sa kanyang mag-iina, magtitiis siya ng bongga!

Nung matapos ang meeting ay lumapit sa kanya si Scanver. Nakangiti, kaya…hindi siya ngumiti, eh sa wiz niya like, ayaw niya namang makipagplastikan ng bongga sa hombreng ito. Hindi niya queri!

“Congratulations, Pare, nanganak na pala si Kathryn.” Nakipagkamay ito sa kanya.

“Thanks, pare.”

“Ninong ako ha, sa ayaw at sa gusto mo.” Pagbibiro nito sa kanya, gusto niya sanang taasan ito ng kanyang hindi naka pluck na kilay pero huwag na. Magpigil ng sarili.

“Oo naman. Sinabi na sa akin yun ng ASAWA ko.” Idiniin niya ang salitang asawa.

“Lumipat na pala kayo?”

“Oo, mas mainam yun para sa kambal.”

“I see. Pwede ko bang dalawin si Kathryn?” Napatingin siya rito, at bakit dadalawin ng lalaking ito ang kanyang asawa?

“I mean, dalawin si Kath and the twins, alam mo namang kababata ko siya, hindi ba?” Nahalata yata nito ang tingin niya.

“Yah, oo, wala namang problema sa akin yun.” He wanted to roll his eyes but he can’t.

“Really? So, okay lang na dadalawin  ko si Kathryn if I have free time? I mean the kids?”

Ano ba ang gusto nitong palabasin?

“Okay lang, basta siguraduhin mo lang na nandun ako kapag dadalawin mo ang mag-iina ko. Sige, I have to go, I miss the three of them.” Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Nauna na siyang lumabas. Nung wala ng nakatingin, saka niya itinaas ang kanyang kaliwang kilay, kahit pa hindi ito naka-pluck. Then he rolled his eyes. “Like duh!” Agad na inilabas niya ang kanyang cellphone  matapos madaanan ang kanyang biyenan at makapag paalam.

“Sintas, the meeting is over. Sabay tayong maglu-lunch. I miss you already and the twins. I love you.”

Nakangiti siyang pumasok sa kotse niya. Si Scanver? Panis sa kanya. Subukan lang nitong dalawin ang Sintas niya ng wala siya, at subukan lang nitong magpa cute sa asawa niya.

Nakahain na ang pananghalian nila nung dumating siya. “Ang mga bata?” Agad niya itong hinalikan sa pisngi.

“Natutulog, Sinta. How’s the meeting?”

“Okay naman. Scanver was there.” Walang gana niyang sagot.

“Really? So, he will be working with you, right, Sinta? He called before you came, telling me about the news.” Masayang sabi ni Kathryn.

“HE called before I came? Ngayon lang?” Ulit niya.

“Yah.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Nag-usap kayo sa telepono?” Medyo tumaas ang boses ni Elvin kaya napatingin ang kanilang kasambahay.

“Yes. Why?”

“Wala.”

“Wala naman pala eh, akala ko kasi nagseselos ka na naman.” Nakangiting sabi ni Kathryn.

“Ako magseselos? Hindi! Bakit ako magseselos eh asawa na kita, pero huwag na huwag siyang makarating-rating dito sa pamamahay ko ng wala ako. Subukan niya lang! Inday, nasaan ang armalite ko?”

“Po? Wala po kayong armalite, Sir.” Nangingiting sabi ng kasambahay nila. Natatawa na si Kathryn.

“Wala ba? Ang 44 inches na kampilan na binili ko sa Sulu?”

“Wala ka ring kampilan, Sinta, at hindi pa tayo nakakapuntang Sulu, ano ka ba? Sobrang selos na yan ha.”

Nahampas ni Elvin ang lamesa. “Witit nga  watashi (ako) nag jejelly beans! Inday, ihanda ang nail cutter! Iyan ang gagamitin kes  pangkurot sa kanya. Kaimbiyerna!” Hindi na niya napigilang mag gay language, so what kung anjan si Inday!

Tawa lang ang isinukli ni Kathryn. “Kaya mahal na mahal kita eh, ang sarap mong magselos. Sige Inday, ihanda ang nail cutter at puputulan ko ng kuko mamaya ang Sir mo, mahaba na, baka manabunot.”

**********************************

Bukas ay Rizal Day, mabuhay si Rizal!

-Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon