Classroom (Part 1)

7 2 1
                                        



Si Rebecca ay nagaaral sa High School. Kasama ang mga kaibigan niyang sila Ava, Isabella, at Faith. Sila ay mga matatalik na mga magkakaibigan. Isang araw pagkatapos nilang pumunta sa eskwelahan ay pumunta sila sa bahay ni Rebecca. Naglaro sila nang Truth or Dare. Kumuha sila nang pencil at inikot ito sa lapag. Nang ito ay tumigil ito ay tumutok kay Rebecca.

Tinanong si Rebecca nang "Truth or Dare?", "Dare" sagot ni Rebecca. "Bukas pagkatapos nang klase pumunta ka sa room 111". Ang room 111 ay ang pinaka nakakatakot na classroom sa buong eskwelehan. Ito ay luma, Madumi, walang pumapasok. At dito namatay ang teacher na madaming kababalaghan. Alam ni Rebecca na hindi nya ito kaya ngunit sya ay duwag. Kinabukasan nang sila ay pauwi na, Inisipang tumakas ni Rebecca. Ngunit napigilan sya ni Ava. Dinala ni Ava si Rebecca sa Room 111.

Nang sila ay nasa harapan na nang room hinihintay nilang pumasok na si Rebecca. Itinulak nila si Rebecca dahil antagal niyang pumasok. Dahan dahang binuksan ni Rebecca ang pinto, Ngunit hindi nya ito natuloy. Nakita sila nang guard at inawat sila na umuwi na upang hindi makaabala sa multo. Mas lalong natakot si Rebecca, At umuwi na agad-agad. Nang pagkauwi niya, Natulog agad siya ngunit hindi sya makatulog. Hindi nya alam kung bakit....

To Be Continued

ClassroomStories to obsess over. Discover now