Self, stop distracting yourself! Kailangang mag-focus!

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko para makapag-focus. Ilang sandali pa'y nahanap ko rin ang lalaking si Nathan kaya ang sinunod ko namang hinanap ay si Lavinia.

Hindi naman naging mahirap sa 'kin na hanapin siya dahil sa amo ng mukha niya na nagpaiba sa lahat. Kaagad kong nakita si Lavinia hindi kalayuan sa kay Nathan.

Mabuti na lang at ganoon ang distansya nila hindi mahirap ang ipaglapit sila. Kaso lang, mukhang paalis na si Lavinia kaya naman dali-dali na akong kumilos.

Kailangang maipag-match ko muna sila bago umalis ang isa!

Patakbo akong lumabas sa gym at muling pinagtutulak ang mga nakaharang sa daraanan ko. Maraming dumaing pero gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko na lamang pinansin ang mga 'yon.

Ang sama ko pero kailangan kong maabutan si Lavinia. Nag-sorry na lang ako sa mga natamaan ko sa 'king utak.

Sorry na lang, mga lods! I'm gonna put me first!

Hindi ko iniwan ng tingin si Lavinia bago sandaling nagtago sa lugar na walang makakakita sa akin at pagkatapos ay hinawakan ang pendant bago pumikit.

Mabilis ang naging pagpapalit ko ng katauhan, pagdilat ko ay isa na ako sa mga tumatakbo sa gym.

Napasinghap ako noong bigla na lamang ihagis sa 'kin ang bola. Kaagad ko naman 'yong nasalo pero napahinto naman ako sa pagtakbo.

Gosh! Hindi ako marunong nito!

"What are you doing, Clark?! Fucking pass it!" sigaw ni Nathan sa 'kin na nasa harapan ko pala. Sakto namang nakaagaw ng pansin ko si Lavinia na naglalakad sa likod niya.

Focus, self!

Walang pagdadalawang isip kong ipinasa nang malakas kay Nathan ang bola. Sa sobrang lakas, dumaplis lang ito sa kamay niya at nagdire-diretso sa ulo ni Lavinia.

Nanlaki ang mata ko sa nagawa. Lahat ng mga estudyante ay napasinghap lalo na noong napaupo si Lavinia sa sahig.

Gano'n ang plinano ko pero hindi ganito ang gusto kong mangyari! Napalakas yata ako ng bato! Oh my!

Nagtaka naman ako noong si Nathan ang pinagsabihan ng kapwa niya teammates. Nagkibit-balikat lang ito habang sobrang sama ng tingin sa 'kin.

Sorry, Nathan, pero natutuwa akong ikaw ang nasisi.

Napaiwas na lang ako ng tingin at nagpatay malisya. Bumaba ang tingin ko sa kay Lavinia na naglakad na patungo sa direksyon namin habang mahigpit ang hawak sa bola at matalim ang titig kay Nathan.

Naramdaman ko ang pag-ilaw ng kuwintas sa ilalim ng jersey shirt na suot ko ngayon.

Oh my! Mukhang effective din naman pala ang nagawa ko!

Hindi ko na napanood pa ang dalawa. Kaagad akong napabalik sa present. Kinailangan ko namang magtago para walang makakita sa paglalaho ko.

Speed lang pala ang unang part ng mission ko!

Habang nagdiriwang ako sa kinahinatnan ng unang parte ng aking huling mission, mga busina ng sasakyan ang bumungad sa 'kin. Nangunot tuloy kaagad ang noo ko noong makitang napadpad ako sa isang kalsada. Madilim at maraming bituin sa langit. Sa kanang bahagi ko naman ay highway kung saan doon nanggagaling ang mga ingay.

Bakit ako napunta rito? Sa pagkakatanda ko, nasa loob ako ng building kung saan ako pumirma ng kontrata, ah?

Sinipat ko na lang ang pendant ng kuwintas upang tingnan kung ilan na lang ang kulang dito. Ang kulay pink na liquid na kumikinang ay halos ¼ na. Napangiti ako roon na mabilis ding nawala noong may marahas na humaltak ng kuwintas. Halos masakal pa ako dahil sa tibay nito pero sa huli, napigtas din.

Dear PhoebusWhere stories live. Discover now