Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko at nilagyan parin ng fried rice ang plato ko. "Stop with your diet, Zaccary. That's not healthy for you."

"Healthy nga 'yon Kuya 'cause I'm conscious about my food. You should too. Tingnan mo 'yong crush ko si Gabriel, palaging gulay ang ulam kaya healthy!"

Mas nag salubong ang kilay niya. Huli na nang mapagtanto ko ang mga sinabi ko. Hilaw akong ngumisi at sumubo nalang ng bacon.

"Did you already confess to your crush? Is that why you were with him the other day?"

Namilog ang mga mata ko at agad na lumingon-lingon sa paligid. "Kuya! Baka marinig ka ng mga kasambahay."

Sinipat niya ako ng tingin at supladong ngumuya ng bacon. Ngumuso ako at napa-inom ng gatas.

"Hindi pa. Naisip kong mas mabuting makipagkaibigan muna ako sa kanya."

He stare at me with his hawk eyes. His jaw move and his face expression change darkly. "I understand you having a crush Zaccary but I didn't approve of you having a boyfriend." mariin niyang sabi.

Pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Ang isiping magiging nobyo ko si Gabriel ay para na akong inilipad sa ere ng magic carpet ni Alladin!

"Why are you smiling like that?" his eyes bore unto mine like it's a sin to smile.

"I am not!" giit ko at nagpigil ng hindi na mag daydream dahil para lang akong tanga na ngumingiti.

Mukhang galit parin si Kuya Hex hanggang sa makasakay kami kay Ilustro. Ayaw niyang ibang kabayo ang sakyan ko at gusto niyang sa iisa lang kami sumakay.

Naka upo ako sa harapan niya samantalang siya, nasa likod ko at mahina lang na pinapatakbo si Ilustro.

I could hear his deep breath and everytime the wind blows, his fresh mint breath went inside my nostrills.

"Magandang umaga Ma'am Zaccary! Magandang umaga Sir Hex!" bati ng mga trabahador namin.

Ngumiti ako at kumaway. "Magandang umaga sa inyo."

"Good morning." baritonong boses ni Kuya Hex.

"Ma'am Zaccary, Sir Hex, may handaan po ngayong tanghali malapit sa ilog, baka gusto niyo pong pumunta. Birthday po kasi ng anak ko." sabi ni Kuya Nero.

Inihilig ko ang ulo ko. Laging bilin nina Mommy at Daddy na huwag akong makisalamuha sa mga trabahador namin. Para sa kanila, hindi dapat nagtatagpo ang marmol at ang putik. Mababa ang tingin nina Daddy at Mommy sa mga trabahador namin. Ayaw na ayaw nilang nakikipag-usap ako sa kanila pati sa mga kasambahay namin maliban nalang kay Yaya Aida.

Lahat ng Fuentabella ay mahigpit at mataas ang standards. Dahil sa estado ng aming buhay kaya mataas din ang tingin nila sa sarili. Lagi nilang iniisip na mas nakaka-angat kami sa lahat kaya hindi dapat kami ang yumuko bagkus ang mga tao dapat ang hayaan naming tumingala sa'min. Kaya hindi na ako magtataka kung huhusgahan kami ng mga taga Zaccarrio kahit pa ang Lolo ko ang nagtatag ng probinsya.

"Sige, dadalo kami." naka ngiti kong sabi at bahagyang lumingon kay Kuya Hex. "Kuya, bumalik tayo ng mansyon. Magpapa-utos ako sa kasambahay na bumili ng cake at uutos rin ako na magpabili ng lelechonin sa bayan."

"I'll call Manong Roy and my guards to buy the cake and the pig." aniya at kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Sandali niyang kinausap ang family driver nila at bumaling uli sa'kin matapos ang tawag. "They'll be here with the cake and the pig. Doon nalang sa ilog lutuin. I'm going to help them prepare too."

Napangiti ako ng malaki. Isa ito sa gusto ko kay Kuya Hex. Like me, he also has a heart for the poor. Unlike my family, the Amante's are more warm people. Hindi ko alam kung dahil ba kailangan nila iyon para sa politika o sadyang mababait at down to earth lang sila. Kung sa bagay, galing din sa hirap ang Lolo ni Kuya Hex at nag sikap ito para maka angat sila sa buhay kaya siguro marunong silang lumingon sa kanilang pinanggalingan.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon