FAQS

99 9 2
                                    

Marami na ang nagtatanong sa akin tungkol sa mga gustong mag-self publish ng mga stories nila kaya gumawa na rin ako ng FAQs tungkol dito sa wakas. Fully loaded na rin ang ibang mga self-publishers na kakilala ko sa FB kaya naisip ko na tumulong naman sa mga co-writers ko para ma-less din ang ginagawa ng mga self-publishing house.

Kung gusto mong magkaroon ng kopya ng sarili mong libro, basahin ang nasa baba. Bago magtanong, magbasa po muna.

1) Sariling brand mo na ba ng gagawin mo ngayon?
- I think so. But please be noted na hindi ako nagpapa-call for submission kasi tamad ako magbasa. Tutulong lang ako magformat ng mga stories at mag-edit ng covers para maging libro sila.

2) I-po-promote po ba ninyo ang libro namin?
- Yes, of course. Dito ko sa page na ito ipopost ang mga gawa ninyo na pwede ninyong ishare. Kaya maganda rin kung ipalike ninyo ang page na ito sa friends ninyo para makita rin nila yung book n'yo.

3) Pwede po ba ang short stories, tula o fanfiction?
- Kahit ano naman po ano ay pwede. As long as hindi naman gaanong manipis para hindi sayang ang pera ninyo pagpapaprint.

4) Gaano kakapal at ano ang size ng kayang gawin sa isang libro?

- Hanggang 100 pages po pero don't worry, kung magpapagawa ka naman, marami ka nang malalagay na number of words dito kasi ang nirerequire kong size sa document file ay a4 size pa rin kahit na booklet format siya ipiprint.

5) Ano po ibig sabihin ng booklet format?
- Half A4 po ang size at hindi siya totally nakaglue na perfect binding. Stapler lang po ang gamit ko pang bind pero maganda naman ang look niya at parang totoong book na rin talaga. Ito ang sample.

https://shopee.ph/product/37931493/18443344706?smtt=0.37932878-1663143326.9

Pwede rin naman na magpaprint ka lang ng cover at pages kung gusto mo na ikaw mismo ang magbind.

6) Hanggang ilang copy ang pwedeng ipaprint?
- Kahit isa lang pwede na.

7) Mapapublish ba ito sa mga bookstore?
- Hindi po. Self published po ito. Meaning, walang kinalaman ang kahit ano'ng publishers dito. Para ka lang talagang nagpaprint ng sarili mong libro.

8) May makukuha po ba akong royalty sa book ko? Ayos lang po basta wala.
- As I've said, sa CDLiNKPh, para ka lang literal na nagpapaprint ng book mo. Meaning, ikaw ang dapat na may capital (maglalabas ng pera) pero ang ikinaganda nito, ikaw ang magtutubo sa sarili mong mga libro at ikaw na rin ang maghahanap ng buyers nito. Ikaw pa rin ang boss sa sarili mong mga kwento. Sa tingin ko, mas maganda 'yun kaysa makakuha ka ng royalty tapos karampot lang ang makukuha mong percentage sa tubo.

8) Ano'ng assurance na makukuha ko ang book?

- May COD po sa shoppee at pwedeng magcomplain sa shoppee if ever na nagbayad ka tapos di mo nakuha. May refund option naman don if ever.

9) Paano po magpapasa ng file sa inyo?
- Kapag binasa nyo po, dapat nakapdf file na siya para kung ano yung pagkakaayos n'yo sa book, iyon na 'yun.

- Pakicheck po iyong description dito sa link. Nakalagay po rito kung anong size at margin ang dapat gamitin sa word document.

https://shopee.ph/product/37931493/18443344706?smtt=0.37932878-1663143326.9

10) Paano kung hindi ako marunong magformat?
- Pwede naman ako ang gumawa pero may bayad po ang book lay out service ko kasi aayusin pa ang book size, indention, spacing, fonts, etc. para magmukhang presentable iprint. Depende sa haba ng kwento mo ang charge ko:

P150 - less than 20,000 words
P300 - 20,000 to 40,000 words
P450 - 40,000 words to 60,000 words

11) Hindi rin ako marunong mag edit ng cover, magkano pagawa?

Sa paggawa ng cover kung saan ieedit ko ito sa Adobe Photoshop, P150 yung charge ko.  Please be noted na ang pagkukuhanan ko ng image  ay galing sa freepik.com or pexels.com. Libre ang mga pictures doon so we can use it for a cover without any copyright issues.

12) Pwede po bang pick up ang book?
- Hindi po pwede. GY ako sa work kaya hindi normal tulog ko, sa umaga tulog ako. Time consuming naman kung meet up.

13) Gaano po katagal bago makuha ang book?
- Mga 3 days lang siguro kung manila. Depende sa Shoppee kung gaano katagal, may tracking page naman doon.

14) Bakit po dati parang book talaga ang gawa ninyo, ngayon booklet na lang?
- Malaki rin naman difference ng presyo sa gawa noon sa ngayon. Noon, I have a third party printer na may perfect binding pero sobrang mahal kapag third party kasi yung size ng book noon maliit at medyo matagal din kasi marami ring nakapilang nagpapagawa sa kanya. May minimum number of copies din noon pero ngayon, kahit isa lang, ayos lang, magkakaroon ka na ng sarili mong copy ng book.

Ngayon, I have my own printer na at pinakamura na ang offer ko for self publish book kung ikukumpara sa iba.

15) Magkano po ang printing cost?
- P1 per page po from your document / pdf file. (not number of coupon bonds) . P30 po for the cover. Kung may image po na colored sa loob ng book, P20 po for 2 pages.

For as low as P50 (minimum), may own self published book ka na!

PS: Yung bayad po sa book lay out and paggawa ng cover, hindi na siya kasama sa Shoppee kasi hindi naman siya kasama sa Printing cost. Bale gcash na lang if ever magpapagawa rin. Payment first po bago ako gumawa. Hirap din kasi mag edit na tapos biglang uurong
iyong nagpapagawa.

Pagtapos mo pong basahin ito ay magdecide ka na kung magpaprint ka ba. Dapat buo na desisyon at nakahanda na rin ang pera mo kasi ayoko ng umuurong lalo na kung nagawa ko na yung book for printing.

Kung may tanong pa na wala sa taas, send lang din ng pm. Good luck and thank you!

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Sep 14, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Do You Want To Publish Your Own Book?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ