INGGIT

139 92 26
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Ma, na saan na po baon ko?"

"Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko. Kuhain mo sa wallet ko at may ginagawa ako"

"Opo ma, magkano po?"

"Bente, tapos 'yun sampo ibili mo ng zesto mo. Kinuha mona ba 'yun nasa ref?"

"Hindi pa po, ano po 'yun ma?"

"Yung baon mo kuhain mo sa ref. Niluto ko iyon kanina para sa iyo, sensya na anak, walang pera
si Mama. kaya pinagluto kita ng pagkain"

"Okay lang po ma, masarap naman po luto niyo"

Yumakap si Jea sa ina saka humalik sa noo, ilang sandali lamang nagpaalam na si Jea na Aalis na patungo sa eskuwelahan. Habang naglalakad si Jea tumitingin siya sa mga mag-aaral na kumakain, habang siya walang pambili at tanging baon lamang. Umupo si Je sa bakanteng upuan saka inilapag ang kaniyang baon, binuksan niya ang takip napabuntong hininga siya.

"Itog na naman? hay, kailan kaya ako magkakabaon ng masarap? 'di bale, kahit itlog at least may laman ang aking bituka"

Nagsimula na siyang kumain, tumingin siya sa mga taong huminto sa kaniyang pwesto, nagulat si Jea sa ginawa ng mga mag-aaral.

"Bakit mo itinapon!?, hindi mo ba alam pinaghirapan iyan ni Mama!"

"So?, I don't care poor girl?"

Tumawa ang tatlong bata saka itinulak si Jea kaya nadapa ito. Yumuko si Hanna, ang babaeng palagi siyang inaaway tuwing rises. Inis na tumingin si Jea kay Hanna saka ito tumayo.

"Ikaw! salbahe ka! ang ganda mo sana kaso 'yang ugali mo! ang panget!!"

"What did you say?! me? No, You! you are ugly. Right girls?"

"Yes, Hanna pretty"

"See? I'm pretty and and I will not let anyone take advantage of me"

Hinawakan ni Hanna ang ilang hibla ng buhok saka inikot at ginagalaw ang kaniyang labi.

"What the?"

Sabay sabay na sinabi ng dalawang Bata ng sugudin ni Jea si Hanna dahil sumusobra na ito

"Let me go! Ouch!"

"Yan bagay sayo! wala kang kaseng sama!"

"Bitawan mo ako! let me go! I'm hurting!"

Kinurot at sinampal ni Jea si Hanna hanggang sa tumigil sila dahil may dumating na guro at inawat ito.

"Who took the lead?"

Five Story( Short Story)Where stories live. Discover now